;
embed embed2
  • Paano Malalaman Kung May Sakit Sa Kidney? Ito Ang Rekomendadong Paraan Ng Nephrologist

    Mahalaga ito lalo na kung may risk factors at nararamdamang sintomas.
    by Jocelyn Valle .
Paano Malalaman Kung May Sakit Sa Kidney? Ito Ang Rekomendadong Paraan Ng Nephrologist
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kabilang ang mga sakit sa bato o kidney diseases sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pinoy, ayon sa datos ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI). Kaya marami ang nagtatanong paano malalaman kung may sakit sa kidney at paano iwasan ang sakit sa bato.

    Mga uri ng sakit sa bato

    Nagkakaroon ng problema sa kidney, sa isa o parehong pares, kapag inaatake ang mga maliit at milyon na structures sa loob nito na nephrons kung tawagin. Ang mga nephrons ang sumasala ng dugo, ayon sa MedlinePlus health information resource ng United States National Library of Medicine.

    Tinatanggal ng nephrons ang mga dumi at sobrang tubig sa katawan. Ang mga ito ang nagiging ihi (urine). Dumadaloy ang ihi sa mga lagusan na kung tawagin ay ureters, na siya naman tumutuloy sa pantog (bladder). Nananatili ang urine sa bladder hanggang handa ka nang pumunta sa banyo.

    Ilan sa kidney diseases ang mga sumusunod:

    • Infections
    • Cysts
    • Cancer
    • Chronic kidney disease (CKD)

    CKD ang pangunahing sakit sa bato, sabi ni Dr. Michelle Ozaeta-Alpuerto, isang nephrologist at internal medicine doctor, sa online talk na inorganisa ng Philippine Society of Nephrology (PSN). Isa raw kada sampung adult sa buong mundo ang tinatamaanng CKD.

    Paliwanag ng fellow ng Philippine College of Physicians na ang CKD ay isang pangmatagalan at progresibong sakit ng bato, kung saan humihina ang paggana nito sa loob ng ilang buwan o taon. Nagu-ugat ito sa "abnormality of kidney function" na nangyayari sa loob ng higit sa tatlong buwan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ibig sabihin, sabi ng doktora, may pinsala sa mga bato na siyang naglilimita sa kanila na gampanan ang trabaho, tulad ng pagsala ng mga dumi sa dugo. Dahil diyan, natatambak ang mga dumi sa katawan.

    Paano malalaman kung may sakit sa kidney

    Para malaman ang lagay ng kalusugan ng kidneys, maaari kang sumailalim sa glomerular filtration rate (GFR). Isa itong blood test na tumutukoy kung gaano kabuti o hindi ang pagtatrabaho ng mga bato sa katawan.

    Base sa resulta ng GFR test, makikita ang natitirang function ng kidneys at kung saan stage na ang pasyente:

    • Stage 1—90 o higit pa
    • Stage 2—sa pagitan ng 60 at 89
    • Stage 3A—sa pagitan ng 45 at 59
    • Stage 3B—sa pagitan ng 30 at 44
    • Stage 4—sa pagitan ng 15 at 29
    • Stage 5—mas kaunti sa 15

    Simula Stage 1 hanggang 3, sabi ni Dr. Ozaeta-Alpuerto, maaaring walang maramdamang sintomas (asymptomatic) o kaunting mga senyales lamang. Sinasalo kasi ng mga malulusog na nephrons mga gawain ng mga napinsalang nephrons. Kaya tuloy pa rin ang pagsasala ng mga dumi mula sa dugo.

    Lahad pa ng doktora na may mga taong hindi nila nalalaman na may sakit sila sa bato hanggang lumala na ito at tuluyang lumabas ang kombinasyon ng mga sintomas ng kidney problem.

    Kadalasan daw na lumalabas ang sakit sa bato sintomas pagtungtong ng Stage 4, kung saan meron ng malalang tama sa mga bato (severe kidney impairment), at sa Stage 5, na umaabot na sa hindi na paggana ng mga bato (kidney failure).

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kabilang sa mga sintomas ang mga sumusunod:

    1. Pagkahilo na maaaring may kasamang pagduduwal (nausea)
    2. Pagkawala ng ganang kumain na maaaring dahil sa nagi-iba ang panlasa
    3. Pangangati ng balat ng walang dahilan, gaya ng rashes o kagat ng kulisap
    4. Pananakit ng kalamnan (muscle cramps)
    5. Pagkahapo (fatigue)
    6. Paghirap sa pagtulog
    7. Pagbaba ng dugo (anemia)
    8. Pag-iba ng kulay (tila tsaa) at itsura (mabula) ng ihi
    9. Pagkonti o pagdami, pati na pagdalas, ng pag-ihi, lalo na sa gabi
    10. Pamamanas (swelling/edema) ng mga binti o di  kaya sa mga palibot ng mata at sa mukha dahil hindi na maganda ang regulasyon ng asin at kumokonti ang ihi
    11. Pagkapos sa hininga
    12. Pagbabago sa isip (mental state changes) dahil puwede ring makaapekto sa utak ang natambak na lason (toxins) sa dugo

    Risk factors

    Kung may nararamdamang mga sintomas, payo ni Dr. Ozaeta-Alpuerto na komunsulta sa doktor, lalo na kung meron kang isa o higit pang risk factors. Kabilang diyan ang:

    • Pagkakaroon ng high blood sugar o diabetes
    • Pagkakaroon ng sakit sa puso
    • Pagiging obese
    • Paninigarilyo
    • Pag-abanse ng edad
    • Pag-inom nang regular ng pain killer para sa masakit na kasu-kasuan o di kaya anti-inflammatory drugs, tulad ng ibuprofen, mefanamic acid, nafroxen, at iba pa ay maaari ring makapinsala sa mga bato.
    • Pagkakaroon sa pamilya ng namamanang sakit sa bato, tulad ng polycystic kidney disease
    • Pagkakaroon ng mababang timbang sa kapanangakan (low birth rate), na nauugnay sa mababang bilang ng nephrons
    • Pagkaranas ng pansamantalang paghina ng kidney function, o ang tinatawag na acute kidney injury

    Kung may risk factors, kahit walang nararamdam o napapansing sintomas, rekomendado rin ni Dr. Ozaeta-Alpuerto na isama sa annual physical exam ang urinalysis at blood test. Makakatulong ang mga ito paano malalaman kung may sakit sa kidney.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basahin dito ang mga sintomas ng mataas na creatinine dahil may kinalaman ito sa sakit sa bato.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles