;
embed embed2
  • Nangangati Ang Balat Kahit Walang Rashes? Alamin Ang 11 Pang Mga Sintomas Ng Sakit Sa Bato

    Karamihan sa mga pasyente ang hindi nakaramdam ng sintomas sa early stage ng sakit.
    by Jocelyn Valle .
Nangangati Ang Balat Kahit Walang Rashes? Alamin Ang 11 Pang Mga Sintomas Ng Sakit Sa Bato
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kabilang ang mga bato (kidneys) sa pinakaiingatan na parte ng katawan dahil sa nakapahalagang papel na ginagampanan nito sa ating sistema. Pero ang mga ito rin ang kadalasang napipinsala nang hindi kaagad namamalayan, kaya mainam na bantayan ang sakit sa bato sintomas.

    Mga dapat malaman tungkol sa kidneys

    Tuwing March 10, ipinagdiriwang ang World Kidney Day. Layunin ng global health awareness campaign na ito na mabigyan pa ng pansin ang pangangalaga sa ating mga bato. Ang tema ng pagdiriwang sa Taong 2022 ay "Kidney Health for All."

    Bilang pakikiisa sa kampanya, nagsagawa ng online talk sa kanilang Facebook page ang grupo ng mga espesyalista sa sakit sa bato, ang Philippine Society of Nephrology (PSN). Si Dr. Michelle Ozaeta-Alpuerto, isang nephrologist at internal medicine doctor, ang naging speaker ng virtual event.

    Sinimulan ni Dr. Ozaeta-Alpuerto ang kanyang talk sa pagpapakila sa kidneys bilang bahagi ng urinary system. Aniya, ang magkapares na kidneys ay matatagpuan sa may parteng tiyan (abdomen), sa bandang likuran, at nakaposisyon sa magkabilang tagiliran ng gulugod (spine).

    Ang kidneys ang sumasala ng mga dumi mula sa dugo. Kabilang sa mga inaalis nito ang sobrang asin (sodium) at tubig na hindi na kailangan ng katawan. Pagtapos ng pagsasala, gumagawa naman ang kidneys ng ihi. Dumadaloy ang ihi sa magkapares ding urethra hanggang tumuloy ito sa pantog (urinary bladder).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Matatagpuan ang urinary bladder sa may bandang puson, na siyang pansamantalang ipunan ng ihi hanggang makaramdam tayo ng urge na ilabas ito mula sa urethra patungo sa labas ng katawan.

    Kung tutuusin, sabi ni Dr. Ozaeta-Alpuerto, maraming tungkulin ang ating mga bato. Maihahalintulad ang bawat isa sa magkapares na kidneys sa isang salaan o filter, na may ganitong mga gawain:

    • Pagsala ng waste products sa katawan
    • Pagbalanse ng minerals at chemicals, tulad ng electrolytes
    • Pagtanggal ng sobrang tubig (fluid) sa katawan
    • Pag-kontrol ng blood pressure
    • Pagdami ng red blood cells
    • Pagmintina ng malulusog na buto

    Sakit sa bato

    Paalala ni Dr. Ozaeta-Alpuerto na maraming puwedeng maapektuhan sa ating katawan kung hindi maayos na tumatakbo ang ating kidneys. Pangunahing sakit sa bato ang chronic kidney disease (CKD). Isa raw kada sampung adult sa buong mundo ang tinatamaanng CKD.

    Paliwanag ng fellow ng Philippine College of Physicians na ang CKD ay isang pangmatagalan at progresibong sakit ng bato, kung saan humihina ang paggana nito sa loob ng ilang buwan o taon. Nagu-ugat ito sa "abnormality of kidney function" na nangyayari sa loob ng higit sa tatlong buwan.

    Ibig sabihin, sabi ng doktora, may pinsala sa mga bato na siyang naglilimita sa kanila na gampanan ang trabaho, tulad ng pagsala ng mga dumi sa dugo. Dahil diyan, natatambak ang mga dumi sa katawan.

    Para malaman ang lagay ng kalusugan ng kidneys, maaari kang sumailalim sa glomerular filtration rate (GFR). Isa itong blood test na tumutukoy kung gaano kabuti o hindi ang pagtatrabaho ng mga bato sa katawan. Base sa resulta ng GFR test, makikita ang natitirang function ng kidneys at kung saan stage na ang pasyente:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    • Stage 1—90 o higit pa
    • Stage 2—sa pagitan ng 60 at 89
    • Stage 3A—sa pagitan ng 45 at 59
    • Stage 3B—sa pagitan ng 30 at 44
    • Stage 4—sa pagitan ng 15 at 29
    • Stage 5—mas kaunti sa 15

    Sakit sa bato sintomas

    Simula Stage 1 hanggang 3, sabi ni Dr. Ozaeta-Alpuerto, maaaring walang maramdamang sintomas (asymptomatic) o kaunting mga senyales lamang. Sinasalo kasi ng mga malulusog na nephrons, o iyong mga maliliit na bahagi ng kidneys, ang mga gawain ng mga napinsalang nephrons. Kaya tuloy pa rin ang pagsasala ng mga dumi mula sa dugo.

    Lahad pa ng doktora na may mga taong hindi nila nalalaman na may sakit sila sa bato hanggang lumala na ito at tuluyang lumabas ang kombinasyon ng mga sintomas ng kidney problem. Kadalasan daw na lumalabas ang mga sintomas pagtungtong ng Stage 4, kung saan meron ng malalang tama sa mga bato (severe kidney impairment), at sa Stage 5, na umaabot na sa hindi na paggana ng mga bato (kidney failure).

    Kabilang sa mga sintomas ang mga sumusunod:

    1. Pagkahilo na maaaring may kasamang pagduduwal (nausea)
    2. Pagkawala ng ganang kumain na maaaring dahil sa nagi-iba ang panlasa
    3. Pangangati ng balat ng walang dahilan, gaya ng rashes o kagat ng kulisap
    4. Pananakit ng kalamnan (muscle cramps)
    5. Pagkahapo (fatigue)
    6. Paghirap sa pagtulog
    7. Pagbaba ng dugo (anemia)
    8. Pag-iba ng kulay (tila tsaa) at itsura (mabula) ng ihi
    9. Pagkonti o pagdami, pati na pagdalas, ng pag-ihi, lalo na sa gabi
    10. Pamamanas (swelling/edema) ng mga binti o di  kaya sa mga palibot ng mata at sa mukha dahil hindi na maganda ang regulasyon ng asin at kumokonti ang ihi
    11. Pagkapos sa hininga
    12. Pagbabago sa isip (mental state changes) dahil puwede ring makaapekto sa utak ang natambak na lason (toxins) sa dugo.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mapapansin ang iba pang sakit sa bato sintomas sa hirap ng pagko-concentrate at pagi-iba ng ugali o hindi makakilala. Kung talagang malalang-malala na ang sakit, puwedeng mag-seizure o kumbolsyon ang pasyente at mauwi siya sa coma.

    Basahin dito kung paano iwasan ang sakit sa bato.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles