Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Mayroong mga taong na-diagnose na may lupus, na tinatawag din ng mga Pinoy na lupos na sakit, meaning isang autoimmune disease na posibleng makapaglagay sa iyong kalusugan sa panganib. Kilala rin ito bilang systemic lupus erythematosus.
Mga dapat malaman tungkol sa lupus
Sa sakit na ito, bukod pa sa bacteria at virus, inaatake rin ng sariling immune system ang healthy tissues at organs ng iyong katawan. Ito ang nagdudulot ng pamamaga o inflammation.
Mild lamang ang sintomas ng ibang mga pasyente na mayroong ganitong kondisyon. Ngunit ito ay pangmatagalang karamdaman at maaari pang lumala. Puwede itong makaapekto sa iyong kasukasuan, balat, bato, puso, baga, utak, mga ugat, o blood cells.
Ang systemic lupus erythematosus ang pinakakaraniwan at pinakaseryosong uri ng lupus, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Ang iba pang uri ng karamdamang ito ay discoid o cutaneous lupus, drug-induced systemic lupus, at neonatal lupus.
Maaaring maging mahirap ang pag-diagnose sa lupus dahil ang mga senyales at sintomas nito ay napakalapit sa sintomas ng iba pang mga kondisyon.
Ang masasabing pinaka-distinctive na senyales ay facial rash na kamukha ng mga pakpak ng paruparo at makikita sa magkabilang pisngi ng pasyente. Kapansin-pansin ito sa karamihan ng mga na-diagnose na may lupus.
Ang ibang ipinanganak nang may tendency na magkaroon ng lupus ay maaaring ma-trigger ng mga impeksyon, ng ilang mga gamot, at kahit pa ng liwanag ng araw. Paalala ng mga eksperto na walang magkatulad na mga kaso ng lupus.
Mga sintomas ng lupus
Iba-iba ang mga posibleng maranasan na senyales, tulad ng:
- Mapupula at hugis paro-parong rash sa ilong at mga pisngi
- Labis na pagkapagod
- Lagnat
- Joint pain, stiffness at swelling
- Rashes sa iba pang bahagi ng katawan
- Mga sugat sa balat (skin lesions) na lumalala lalo kapag naaarawan
- Namumuti ang mga daliri sa kamay at paa o nagiging kulay bughaw kapag malamig ang panahon o stressed ang pasyente
- Hinihingal o kinakapos ang hininga
- Paninikip ng dibdib
- Natutuyo ang mga mata
- Pananakit ng ulo, pagkalito, at memory loss
Ang mga sintomas ay maaaring bigla na lamang maramdaman at puwede ring mabagal ang development. Maaari ring mild o malala ang mga ito. Puwede ring pangmatagalan o temporary lamang. Karamihan sa mga may lupus ay dumaranas ng mild disease kung saan ang mga sintomas ay lumalala nang ilang araw, o linggo. Tinatawag na flares ang ganitong episodes, at magiging maginhawa lamang ang pakiramdam ng pasyente paglipas ng panahon.
Ang mga sintomas ay nakadepende rin sa kung anong body systems ang pinakaapektado ng karamdamang ito, ayon pa sa mga eksperto.
Kailan dapat kumunsulta sa doktor
Agad na magpatingin sa iyong doktor kapag mayroon kang hindi maipaliwanag na mga butlig sa katawan, lagnat na hindi nawawala, at persistent na pananakit ng katawan o fatigue.
Malaking tulong ang regular na pagpapatingin sa doktor, pagkuha ng sapat na pahinga at ehersisyo, at pag-inom ng mga gamot.
Paalala pa ng mga eksperto na walang gamot para sa lupus. Maaari lamang makontrol ang mga sintomas nito at maiwasan ang mas matitindi pang pinsala sa ibang organs.
Mga posibleng sanhi ng lupus
Bukod sa autoimmune ang lupus na sakit meaning sarili mong immune system ang umaatake sa healthy cells, mataas din ang posibilidad na mula ito sa kombinasyon ng genetics at environment ng isang tao.
Ayon sa mga pag-aaral, nagkakaroon ng lupus ang mga taong may family history ng nasabing sakit. Kapag na-encounter nila sa paligid ang nakakapag-trigger dito, mahirap iwasang tuluyan na silang magkaroon ng ganitong karamdaman.
Madalas ding mahirap i-trace o matukoy ang pinakaugat ng lupus. Ang ilan sa potential triggers nito, ayon sa Mayo Clinic, ay ang mga sumusunod:
- Liwanag o sikat ng araw, na nakaka-trigger ito ng internal response sa mga taong may mataas na risk sa lupus
- Mga impeksyon
- Mga medikasyon, kabilang ang ilang uri ng blood pressure medications, anti-seizure medications at antibiotics
Sabi pa ng mga eksperto na ang mga taong may drug-induced lupus ay karaniwang bumubuti ang kalagayan kapag sila ay tumitigil sa pag-inom ng mga gamot.
Risk factors
Ayon rn sa Mayo Clinic, ang factors na nakapagpapataas sa tyansang magkaroon ng lupus ay ang mga sumusunod:
Kasarian--mas common ito sa mga babae
Edad--wala itong pinipiling edad ngunit pinakanakikita ito sa mga taong edad 15 hanggang 45
Lahi--mas karaniwan ito sa African Americans, Hispanics at Asian Americans
Mga komplikasyon
Ang pamamaga na dulot ng lupus ay nakaaapekto sa maraming bahagi ng katawan. Kasama rito ang sumusunod:
Mga bato (kidneys)
Maaaring makapagdulot ng seryosong kidney damage ang lupus. Ang kidney failure ay isa rin sa leading causes of death ng mga pasyenteng mayroong ganitong sakit.
Utak at buong central nervous system
Kung ang iyong utak ay apektado na ng lupus, maaaring makaranas ka ng pananakit ng ulo, pagkahilo, pagbabago sa iyong behavior o pag-uugali, vision problems o problema sa paningin, at strokes at seizures. Marami din sa mga may lupus ay nahihirapang ipaliwanag ang kanilang mga naiisip o saloobin.
Blood at blood vessels
Nakapagdudulot din ng problema sa dugo ang lupus. Kasama rito ang mas kaunting healthy red blood cells (anemia) at ang increased risk ng pagdurugo o blood clotting. Nakapagdudulot din ito ng inflammation o pamamaga ng blood vessels.
Mga baga (lungs)
Tumataas din ang posibilidad na mamaga ang iyong chest cavity lining kapag may lupus ka. Dahil dito, nagiging mahirap ang paghinga. Ang pagdurugo ng baga at ang pneumonia ay posible rin.
Puso
Maaari ding mamaga ang iyong heart muscle, arteries o heart membrane. Ang risk ng cardiovascular disease at heart attacks ay tumataas din.
Ang iba pang uri ng mga komplikasyon ay maaaring magmula sa mga impeksyon ng mismong sakit, at ang gamutan para dito ay nakapagpapahina sa immune system.
Maliit lamang ang chance na magkaroon ng kanser ang taong may lupus, ngunit dapat pa ring mag-ingat. Kasama rin sa komplikasyon ang bone tissue death. Nangyayari ito kapag ang supply ng dugo sa buto ay hindi natutuloy. Nagkakaroon tuloy ng tiny breaks sa buto hanggang sa tuluyan itong mag-collapse.
Ang mga babaeng buntis at mayroong lupus ay mayroon ding increased risk ng miscarriage, ayon sa mga eksperto. Mas tumataas kasi ang risk ng high blood pressure sa panahon ng pagbubuntis ng babae at sa preterm birth.
Madalas na inirerekomenda ng doktor na i-delay muna ang pagbubuntis hangga't hindi pa nakokontrol ang mga sintomas ng lupus na sakit meaning kailangang maging mas maingat sa loob ng anim na buwan para na rin sa iyong kalusugan at sa iyong baby.
Tandaan na higit na mahalaga ang pagpapatingin sa doktor para lubos na malaman ang lupos na sakit meaning at maagapan ang kalagayan.
Basahin dito ang kuwento na isang lupus survivor.