;
embed embed2
Ang Makakatulong Sa Manas Sa Paa Kung Diabetic
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Mahilig ka ba sa maalat at matatamis na mga pagkain? Pwedeng sabihin na sedentary na ang lifestyle lalo na ngayong panahon ng pandemya? Umiinom ka ba ng alak at naninigarilyo?

    Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga nagdudulot ng mataas na blood sugar levels at pamamanas sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

    Isa ang diabetes sa pangunahing mga sakit na nagpapabigat sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao. Maraming komplikasyong dala ang sakit na ito tulad ng panlalabo ng paningin at pagkabulag, problema sa atay, bato, at iba pang organs, at pagkakaroon ng manas sa paa.

    Sa Pilipinas, tinatayang mayroong higit sa anim na milyong Pilipino ang tinamaan na ng diabetes. Nakaaalarma din ang patuloy na pagdami ng mga taong nagkakasakit anuman ang edad.

    Kung ikaw ay may diabetes, nahihirapan na ang katawan mo na magamit nang maayos ang enerhiyang nakukuha nito mula sa pagkain. Nagiging sugar o glucose kasi ang anumang kinakain natin. Ang glucose ang nagbibigay ng enerhiya sa cells ng ating katawan.

    Ang ating pancreas o lapay ang responsable sa pag-produce ng insulin. Ang insulin naman ang tumutulong sa glucose upang makapasok sa ating cells.

    Sintomas ng diabetes

    Kapag diabetic ka, kulang na ang insulin na nailalabas ng iyong lapay. Kung minsan resistant din ang iyong katawan sa insuling napo-produce nito. Dahil dito, mas tumataas ang glucose sa dugo, na siyang nagiging dahilan ng iba’t ibang komplikasyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan sa mga sintomas ng diabetes ang sumusunod:

    • Ihi nang ihi
    • Nilalanggam ang ihi
    • Laging gutom
    • Nangangayayat
    • Mabilis mapagod
    • May vaginal itchiness o impeksyon sa puwerta
    • Namamanhid ang mga dulo ng mga daliri
    • Namamanas ang paa

    Ano ang pamamanas?

    Hindi komportable sa pakiramdam ang pamamaga sa kahit anong bahagi pa ng katawan. Karaniwan ang pamamanas o pamamaga ng paa lalo kung matagal kang nakatayo pero may mga manas sa paa na may kaugnayan sa diabetes.

    Ang pamamanas o pamamaga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay tinatawag ding edema. Nangyayari ito kapag may sobrang tubig na na-trap o naiiwan sa mga tisyu ng ating katawan.

    Kapag nagkaroon ng build-up ang excess fluids na ito, magsisimula na ang pamamanas sa mga kamay, braso, paa, bukong-bukong, mga binti, at kasukasuan. Maaaring sa ilang bahagi lamang o buong katawan ito nakikita. Kung allergic reaction lamang, nalulunasan ito ng antihistamine.

    Madalas ding sintomas ito ng iba pang mga karamdaman tulad ng sakit sa puso, sakit sa bato, at sakit sa atay. Nararanasan din ito ng mga buntis, ng mga may varicose veins, at ng mga diabetic na naapektuhan na ang bato o kidneys. 

    Mababasa sa journal na ito ang wastong pangangalaga at therapy sa mga mayroong diabetes.

    Ang makakatulong sa manas sa paa kung diabetic

    Maraming sanhi ng pamamanas ng paa. Maaaring buntis ka. Walang gamot na magpapagaling sa diabetes pero pwede mo siyang i-manage para hindi magkaroon ng mga komplikasyon. Mahalaga ang wasto at balanseng diet.

    Mga pagkaing dapat iwasan kung diabetic

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Iwasan ang maalat na mga pagkain tulad ng processed foods at fast food. Ang mga ito kasi ay mataas sa sodium na nagdudulot ng water retention sa iyong katawan.

    Iwasan din ang mga pagkaing mayroong asukal at iba pang refined carbs. Nagdudulot kasi ito ng mabilis na pagtaas ng insulin at blood sugar levels.

    Mga dapat kainin kung diabetic

    • Mga pagkaing mataas sa magnesium tulad ng dark chocolates, nuts, whole grains, at mga gulay tulad ng spinach, kale, broccoli, at iba pa
    • Mga pagkaing mataas sa potassium tulad ng saging, avocado, at kamatis
    • Mga pagkaing mataas sa Vitamin B6 tulad ng patatas at walnuts

    Exercise

    Mainam para sa daloy ng dugo ang paggalaw at pag-e-ehersisyo. Maiiwasan ang pananatili ng labis na tubig sa iisa o ilang bahagi ng binti at mga paa kapag patuloy ang paggalaw nito.

    Elevation at masahe

    Itaas ang mga paa lalo na kapag nakahiga. Maiiwasan din nito ang pamumuo o pananatili ng labis na tubig sa iyong mga paa.

    Nakatutulong din ang pagmasahe sa paa sa pataas na direksyon upang maayos ang sirkulasyon ng dugo sa katawan. Sapat na ang 10-15 minuto na pagmamasahe upang guminhawa ang pakiramdam at mabawasan ang pamamanas.

    Diuretics

    Posibleng maresetahan ka ng diuretic medication o gamot na magpapababa o magpapatigil sa pamamaga o pamamanas. Tinatanggal kasi ng gamot ang fluids na naiipon sa iyong binti at paa o sa iba pang parte ng katawan.

    Ayon sa National Library Of Medicine sa U.S., may mga pag-aaral na nagsasaad na epektibo rin ang dandelion extract, horsetail, parsley, roselle, at bawang upang mabawasan ang pamamaga o swelling.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sapat na tulog at pahinga

    Huwag ding kaligtaang mahalaga ang sapat na tulog at pahinga. Ang stress at kawalan ng tulog ay mga dahilan din ng pagtaas ng blood sugar.

    Ang paglalagay ng yelo, at pagsuot ng compression stockings sa ilang pagkakataon, at pag-iwas sa stressful na mga sitwasyon ay mabisang mga paraan din upang guminhawa ang pakiramdam.

    Makatutulong ang pagpapatingin sa doktor at pagdaan sa iba’t ibang laborary tests upang masuri o makagawa ng ebalwasyon sa kalagayan ng iyong kalusugan.

    Mahalagang ipa-check ang sumusunod:

    • Hemoglobin A1C
    • Albumin test
    • Blood glucose test

    Agad ding bumisita sa doktor kapag nahihirapan kang huminga, kung malala o mahapdi ang pamamaga, at/o nagkakasugat ka sa iyong paa.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles