;
embed embed2
  • May 150 Uri Ng Sakit Ng Ulo: Ito Ang Mga Karaniwang Nararamdaman Mo

    Lagi bang masakit ang ulo mo? Narito ang tips upang guminhawa ang iyong pakiramdam.
    by Anna G. Miranda .
May 150 Uri Ng Sakit Ng Ulo: Ito Ang Mga Karaniwang Nararamdaman Mo
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang pagsakit ng ulo ay nararanasan ng lahat. Minsan, sa kanan o kaliwang bahagi lamang ang sakit. May mga umaabot din sa likuran at itaas na bahagi ng ulo. Sa panahon ngayon kapag masakit ang ulo, posibleng sintomas ito ng COVID-19 virus.

    Bakit masakit ang ulo?

    Ang headache ay karaniwang nararamdaman kapag stressed o problemado ang isang tao. Halimbawa, kung magkahalong pangamba at pagod ang nararamdaman mo ngayon, siguradong nahihirapan kang mag-relax. Posible ring nakararamdam ka ng paninigas ng iyong mga kalamnan at mayroong masakit sa ilang bahagi ng iyong ulo.

    Madaming sanhi ang sakit ng ulo gaya ng:

    1. hormonal changes
    2. sobra o hindi sapat na tulog at oras ng pahinga
    3. nakasisilaw na mga liwanag
    4. birth control pills at iba pang medikasyon
    5. premenstrual syndrome
    6. stress
    7. matitinding ingay sa paligid 
    8. malalakas at masangsang na mga amoy
    9. mainit na panahon
    10. matinding sikat ng araw sa labas

    Sa maraming pagkakataon, sintomas din ito ng sipon, ubo, iba’t ibang impeksyon, at lagnat. Nasa mahigit 150 ang uri ng sakit sa ulo at ang karaniwan ay ang mga sumusunod:

    • Migraine
    • Sinus headaches
    • Tension headaches
    • Cluster headaches
    • Chronic daily headaches
    • Stroke

    Migraine

    Kapag ang pagsakit ng iyong ulo ay matindi, at sa mga bahagi ng noo, tabi ng tenga, at sa itaas na bahagi ng ulo, baka mayroon kang migraine. Madalas na sa kanan o kaliwa ito nagsisimula ang sakit at kumakalat o lumilipat sa ibang bahagi ng ulo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tinatawag ding “aura” ang epekto nito sa pandama ng pasyente — ang kaniyang panlasa, paningin, at pansalat ay may pagbabago at nagsisilbing warning symptoms  bago magsimula ang headache. May mga pagkakataong nati-trigger ito ng matinding sikat ng araw, pagbagsak o pagbaba ng estrogen levels, at iba pa. Maaaring tumagal ang migraine sa loob ng apat na oras hanggang isang linggo.

    May mga pag-aaral na nagsasabing talagang may malaking papel dito ang genetics. Kung parehong nanay at tatay ng isang bata ang may migraine, 70% ang posibilidad na magkaroon din ng migraine ang anak. Siyamnapung porsiyento (90%) ng kabataang may migraine ay namana o nakuha ito sa kanilang pamilya.

    Ayon sa isang journal, sadyang mas maraming bilang ng mga babae kaysa lalaki ang dumaranas ng migraine. Kapag may migraine ang buntis, posibleng makararanas siya ng ilang komplikasyon. Kasama rito ang mas mataas na posibilidad ng pregnancy-related hypertension disorders.

    Kung ikaw ay buntis at may migraine, posibleng C-section ang delivery o magiging paraan ng iyong panganganak. Makatutulong ito sa iyong paghahanda at nang hindi ka magulat sakaling makaranas ng ilang adverse o hindi inaasahang kondisyon.

    Mayroon pang mga pag-aaral na nagsasaad na ang mga babaeng dumaranas ng migraine ay prone din sa depression. Madalas na nakararanas ng pagkahilo, pagsusuka, at higit na pagkasensitibo sa liwanag o tunog ang mga may migraine.

    Maaaring migraine o tension ang nararanasang chronic daily headache ng taong halos araw-araw sumasakit ang ulo. Puwede ring kombinasyon ito ng magkakaiba pang uri ng sakit ng ulo, ayon sa Johns Hopkins Medicine. Kung minsan, sandali lamang ito. Sa ibang pagkakataon, tumatagal ito nang mahigit apat na oras.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sinus headaches

    Impeksyon ito sa lining ng sinuses na matatagpuan malapit sa ilong. Ang sinuses ang responsable sa pag-produce ng mucus o uhog, na naglilinis sa mga bakteryang mula sa hanging pumapasok sa ilong.

    Maaaring maramdaman ang sakit sa may gitna ng ilong, mga pisngi, at harap na bahagi ng ulo at mukha kapag may sinusitis.

    Nagkakaroon din ng sipon ang pasyente, hatsing nang hatsing, at kung minsan, barado rin ang ilong. Ang uhog ay ang malapot o malabnaw na likidong lumalabas sa ilong kapag may sipon ang isang tao.

    Madalas itong nararanasan kapag may mga biglaang pagbabago sa panahon. Kapansin-pansin ding sa umaga ito madalas magsimula. Tandaang naiiba ito sa migraine dahil hindi napalalala ng ingay o nakasisilaw na liwanag ang sinusitis. Mayroon ding tinatawag na sphenoid sinus, kung saan ang sakit ay nasa likod ng ilong.

    Inirerekomenda ng mga eksperto ang X-ray o CT Scan upang makasiguro kung sinus headache nga ang nararanasan ng pasyente.

    Tension headaches

    Tension headaches ang isa pang uri ng pagsakit ng ulo. Mild to moderate ang nararamdamang sakit dito. Kapag ganito ang sakit, para bang may mahigpit na nakatali o tight band sa iyong ulo.

    Tipikal din ang paglambot o pakiramdam na para bang namamaga ang anit, at ang muscles sa leeg at balikat kung mayroon kang tension headache.

    Nakatutulong ang relaxation techniques tulad ng meditation, yoga, breathing exercises. Acetaminophen, aspirin, o ibuprofen din ang kadalasang reseta sa pasyente.

    Cluster headaches

    Matindi rin ang pagsakit ng ulo kapag may cluster headaches. Madalas na nararamdaman ito pana-panahon, kaya napagkakamalang allergies.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gamot sa sakit ng ulo

    Kailangang obserbahan nang mabuti ang dalas at ang tindi ng pagsakit ng ulo. Ang pagsusulat sa isang headache diary ay maaari ding makatulong sa oras na magpatingin ka na sa doktor. Dito mo maaaring ilagay ang mga sintomas at kung gaano katindi o kadalas ang sakit ng ulo. Puwedeng isama rito kung ano ang posibleng mga sanhi at ang mga nagpapalala sa sakit ng ulo.

    Karaniwang na pahinga, cold compress at preventive medication ang mga unang hakbang sa treatment plan ng sakit ng ulo. Pero kung ikaw ay nasanay na rin sa pag-inom ng pain relievers, baka naranasan mo na ang medication overuse headache. Tinatawag din itong rebound. Hindi kailangang mag-alala nang labis dahil ito ay magagamot pa.

    Para sa mga nagkakaroon ng migraines nang mahigit apat na beses sa isang buwan at tumatagal ang attacks sa loob ng 24 oras o higit pa, nagrereseta ang mga doktor ng mga gamot. Ang mga gamot na ito ay kadalasang reseta rin sa mga may depression, seizures, at high blood pressure.

    Ano pa ang ibang makakatulong?

    Pag-inom ng kape

    Malaking tulong ang caffeine o kape upang maibsan ang inflammation. Kailangan lamang maging maingat dahil maaari din itong magdulot ng dependency o addiction sa kape. Nakararanas din ng migraine ang mga biglang tumitigil sa pag-inom ng kape. Sa kabilang banda, huwag din kalimutan ang pag-inom ng maraming tubig.

    Masahe

    Ang iba pang maaaring makatulong ay ang pagpapamasahe. Nakatutulong ito upang maibsan ang migraine at mas makatulog nang mahimbing ang pasyente.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Exercise

    Pampalakas ng resistensya ang pag-e-ehersisyo. Kapag malayo sa iba’t ibang sakit, mababawasan din ang pagsakit ng ulo.

    Essential oil

    Ang essential oils ay highly concentrated liquids mula sa iba’t ibang mga bahagi ng mga halaman. Mayroong mga debate tungkol sa bisa ng essential oils bilang gamot sa ilang mga karamdaman. Pero ayon sa isang certified aromatherapist mabisa ang essential oil sa headaches.

    Lifestyle modification

    Kung mayroon kang migraine, iwasan ang mga pagkaing may tyramine, tulad ng cheddar cheese, maging ang processed at fermented na mga pagkain. Iwasan din ang maraming tsokolate, MSG, alcohol, artificial sweeteners, at karneng may nitrites (kadalasan meron ang tocino nito). Iwasan din ang pagpupuyat at pag-inom ng alak.

    Kailangang higit pang maging maingat sa diet at kumain ng mga pagkaing mataas sa bitamina at sustansyang nakapagpapapalakas ng katawan.

    Malaki rin ang naitutulong kapag may mga pagbabago sa pang-araw-araw mong buhay. Ang lifestyle modification ay hindi nawawala sa mga payo ng mga doktor.

    Kailan ba dapat magpatingin sa doktor kung masakit ang ulo?

    May mga pagkakataon ding sintomas ng iba pang karamdaman ang pagsakit ng ulo, tulad ng impeksyon sa utak, problema sa mga mata, brain tumor, carbon monoxide poisoning, sleep apnea, hydrocephalus, at mataas na blood pressure.

    Dapat kumonsulta sa doktor kung mayroon o nakararanas ka ng alinman sa mga ito:

    1. stiff neck
    2. nahihimatay
    3. nalilito sa paligid
    4. mataas ang lagnat
    5. nasusuka at nahihilo
    6. panlalabo ng mga mata
    7. nahihirapang magsalita
    8. nahihirapang maglakad
    9. nahihirapang umunawa
    10. pagkamanhid at panghihina
    11. paralisado sa isang bahagi ng katawan

    Kung ilan o lahat ng mga ito ay nararanasan, siguraduhing makapagpapa-check up ka sa lalong madaling panahon. Madalas ding inirerekomenda ang CT Scan at MRI sa mga pasyente.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang wasto at pangmatagalang lunas sa sakit ng ulo ay nakasalalay sa wastong diagnosis. Kapag tama ang diagnosis ng doktor, kasunod nito ang pagbibigay ng epektibong lunas na iyong kailangan.

    Tandaan ding walang one-size-fits-all na solusyon ngunit laging mayroong lunas sa masakit na ulo. Siguraduhin ding wasto ang pinakikinggan at sinusunod na medikal na payo upang maiwasan ang mas malalang mga karamdaman.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles