embed embed2
Walang ‘Safe Level’ Ang Pag-inom Ng Alak, Ayon Sa Doktor
PHOTO BY Shutterstock
  • Ika nga ng kantang Laklak, huwag nang uminom ng serbesa. Pero hindi lang dahil bilin ni lola, payo rin kasi ng mga eksperto upang maiwasan ang masamang epekto ng alak.

    Nagpaliwanag nang husto si Dr. Roberto N. De Guzman, isang hepatologist, sa kanyang lecture para sa obserbasyon ng Philippine Digestive Health Week (PDHW) 2021, na tumakbo nitong March 8 hanggang 13.

    (Ang hepatologist ay isang espesyalista sa mga sakit sa liver, biliary tree, gallbladder, at pancreas.)

    Sabi ni Dr. De Guzman sa kanyang lecture, na may titulong “Atay Tayo Diyan: Preventing Alcohol-Related Disease,” hindi na raw angkop ang findings ng mga naunang studies na may hatid na benepisyo ang alak. 

    Kabilang sa mga sinasabi noon na benepisyo ang posibleng pagbaba ng tyansa ng pagkamatay dulot ng atake sa puso (heart attack) o di kaya pagbabara ng ugat sa utak (ischemic stroke). Pati na raw pagkakaroon ng diabetes.

    Ano ang standard drink?

    Lahad pa ni Dr. De Guzman na ayon sa mga naunang studies, nakita ang mga benepisyo sa mga taong umiinom ng standard drink araw-araw. Ang standard drink ay naglalaman ng 10 grams na alcohol.

    Merong 10 grams na alcohol sa mga ganitong inumin:

    • 425 mL light beer
    • 285 mL regular beer
    • 100 mL wine (red, white)
    • 60 mL fortified wine (port, sherry)
    • 30 mL spirits (gin, vodka)

    Noon daw, sinasabing “safe o ligtas na level” ang pag-inom ng tatlong standard drink sa mga kalalakihan at hanggang dalawang standard drink para sa mga kababaihan kada araw.

    Matatawag namang “excessive o labis” na pag-inom ng alak kapag 15 o higit pa na standard drink sa mga kalalakihan at walong na standard drink sa mga kababaihan kada linggo. Kaya “heavy drinkers” na raw ang kanilang kategorya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa pang kategorya ang “binge drinking” para sa mga hindi regular o minsanan uminom (social drinking), kadalasan kung may okasyon lang.

    Nangyayari ito kapag ang isang lalaki ay kumukonsumo ng lima o higit pa na standard drink at apat o higit pa na standard drink para sa babae sa loob lamang ng dalawang oras.

    Para naman sa mga buntis at mga kabataang 21 years old pababa, ang kahit anong level ng alcohol sa katawan ay lubha nang nakakasama sa kanilang kalusugan

    Mga sakit sa atay

    Inisa-isa ni Dr. De Guzman, na president ng Hepatology Society of the Philippines (HSP), ang mga masamang epekto ng alak sa atay. Aniya, ang sobra o excessive drinking ay maaaring magdulot ng pagbabago sa atay at pagkakasakit nito.

    Steatosis

    Nagsisimulang umpekto ang alak sa pagkakaroon ng taba sa atay. Tinatawag itong steatosis o di kaya (fatty liver disease).

    Steatohepatitis

    Kapag nagpatuloy ang isang tao sa pag-inom ng labis na alak, hindi lang mapupuno ng taba ang kanyang atay. Mamamaga pa ang kanyang liver. Kilala ang kondisyong ito bilang steatohepatitis.

    Fibrosis

    Sa pagdaan ng panahon na pagkalulong sa alak, tuluyang mapipinsala ang atay. Magkakaroon ito ng mga peklat (scar tissue) bilang senyales ng pagkakaroon ng fibrosis.

    Cirrhosis

    Mula sa pagpepeklat ng atay, maaaring itong lumiit kung hindi magagamot at magpatuloy sa pag-inom ng alak ang pasyente. Cirrhosis ang tawag sa late stage ng fibrosis papunta na sa mas seryoso pang karamdaman.

    Hepatocellular carcinoma

    Ang pagkakaroon ng bukol o liver cancer ang sukdulang pinsala na maaaring matamo ng atay bago ito tuluyang pumalya (liver failure).

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Payo ni Dr. De Guzman na hangga’t maaga, itigil ang pag-inom ng alak. Sa ganyang paraan, maaaring maka-recover ang napinsalang atay ng pasyente at hindi na humantong pa sa tuluyang pagkasira nito.

    Iba pang masamang epekto ng alak

    Bukod pa sa atay, malaki ang posibilidad na maapektuhan ang iba pang parte ng katawan. Base raw sa paga-aral na lumabas noong 2016, ang pag-inom ng alak ay maaaring magdulot mga sakit, tulad ng lung infection at tuberculosis, pati na ang cancer sa colon, breast, laryngeal, at oesophageal.

    Isama pa raw ang mga disgrasyang dulot ng pagmamaneho nang lango sa alak (drunk driving). Nariyan pa ang aksidenteng pagkakahulog o pagkadulas ng taong lasing at posibleng pagiging bayolente na humahantong sa domestic physical abuse.

    Pahayag ni Dr. De Guzman, “Kaya titimbangin natin ang mataas o malaking epekto dulot ng pag-inom ng alak laban sa mababa o maliit na potensyal na benepisyo nito, masasabi natin ngayon na walang ligtas na limit ng pag-inom ng alak.”

    Malaking tulong daw ang pagpasa ng Republic Act 11467 noong January 2020 sa pagpigil ng pagdami ng mga kasong dulot ng masamang epekto ng alak. Sa ilalim ng bagong batas, itataas ang presyo ng mga nakakalasing na inumin para ma-discourage sana ang mga parokyano nito.

    What other parents are reading
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close