;
embed embed2
  • Kung May Sakit Sa Atay, Ito Ang Mga Dapat At Hindi Dapat Kainin

    Alamin din kung ano pa ang mga bawal, ayon sa mga eksperto.
    by Jocelyn Valle .
Kung May Sakit Sa Atay, Ito Ang Mga Dapat At Hindi Dapat Kainin
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kung may iniindang karamdaman, hindi lang sa, halimbawa, gamot sa atay nakasalalay ang paggaling, pero pati na sa mga dapat kainin ng may sakit sa atay. Kaya payo ng American Liver Foundation na sundin ang rekomendasyon ng iyong doktor para sa liver disease diet.

    May mga pasyenteng nangangailangan ng special diet, ayon pa sa MedlinePlus information resource ng United States National Library of Medicine. Ang diet na ito ang tutulong para patuloy ang pagtatrabaho ng atay (liver function) nang hindi lumalabis sa kakayanan.

    Mga gabay sa pagkain kung may sakit sa atay

    Para mapangalagaan ang kalusugan ng atay, narito ang bilin ng mga eksperto:

    Limitahan ang pag-kain ng karne

    Mayaman ang karne ng baboy, baka, at iba pa sa protina. Tungkulin ng protina na magkumpuni ng body tissue at pigilan ang pagdami ng taba at pagkapinsala sa liver cells. Pero kung malubha na ang pinsala sa atay, hindi na nito kayang maproseso ang protina at malamang tumambak ang waste products hanggang maapektuhan ang brain.

    Suhestiyon ng mga eksperto na kunin na lamang ang kinakailangang protina mula sa isda, manok, at legumes (gaya ng beans, lentils, at peas).  

    Dagdagan ang kinokonsumong carbohydrates

    Makakatulong ang carbohydrates (whole grain bread, pasta, rice) para mapabagal ang breakdown ng protina mula sa pagkain.

    Limitahan ang asin sa pagkain

    Mayaman ang asin sa sodium, na maaaring magpalala ng pamamanas. Kaya bilin ng mga eksperto na huwag lalampas sa 2,000 milligrams ang konsumo ng asin kada araw. Pero huwag namang ibaling ang atensyon sa matatamis na pagkain dahil hindi rin maganda ang epekto ng maraming asukal sa katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iwasan ang fatty food

    Huwag na lang muna ang mga pagkaing matataba at pinirito dahil mahihirapan ang atay na magtrabaho nang tama.

    Iwasan ang pagkaing hindi luto (raw food)

    Maghigpit na pinagbabawal ang mga hindi luto o kulang sa pagkaluto na shellfish, tulad ng talaba at tahong.

    Piliin ang mga pagkain hitik sa fiber

    Nakakatulong ang fiber para makapagtrabaho nang maayos ang liver. Hitik sa fiber ang mga prutas, gulay, whole grain breads, rice, oats, at cereals.

    Damihan at dalasan ang pag-inom ng tubig

    Sa tulong ng tubig, maiiwasan ang dehydration at makakapagtrabaho nang maayos ang liver.

    Iwasan ang pag-inom ng alak

    Walang "safe level" ang pag-inom ng alak, ayon kay Dr. Roberto N. De Guzman, isang hepatologist, sa kanyang online lecture tungkol sa masamang epekto ng alak. Nagdudulot ang alak ng ganitong mga sakit sa atay:

    Steatosis—Nagsisimulang umpekto ang alak sa pagkakaroon ng taba sa atay. Tinatawag itong steatosis o di kaya (fatty liver disease).

    Steatohepatitis—Kapag nagpatuloy ang isang tao sa pag-inom ng labis na alak, hindi lang mapupuno ng taba ang kanyang atay. Mamamaga pa ang kanyang liver. Kilala ang kondisyong ito bilang steatohepatitis.

    Fibrosis—Sa pagdaan ng panahon na pagkalulong sa alak, tuluyang mapipinsala ang atay. Magkakaroon ito ng mga peklat (scar tissue) bilang senyales ng pagkakaroon ng fibrosis.

    Cirrhosis—Mula sa pagpepeklat ng atay, maaaring itong lumiit kung hindi magagamot at magpatuloy sa pag-inom ng alak ang pasyente. Cirrhosis ang tawag sa late stage ng fibrosis papunta na sa mas seryoso pang karamdaman.

    Hepatocellular carcinoma—Ang pagkakaroon ng bukol o liver cancer ang sukdulang pinsala na maaaring matamo ng atay bago ito tuluyang pumalya (liver failure).

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mga rekomendasyon depende sa sakit sa atay

    Kung may bile duct disease, napipigilan ang bile, o ang likdong ginagawa sa atay, na dumaloy papunta sa small intestines. Piliin ang fat substitutes, tulad ng kernel oil (mula sa canola, olive, corn, sunflower, peanut, flax seed) dahil mas kaunting bile ang  kailangan sa pagtunaw ng fats.

    Kung may cirrhosis, limitahan ang asin at pagkaing maaalat. Kausapin din ang iyong doktor kung gaano karamihang protina ang puwede mo lang makonsumo.

    Kung may fatty liver disease, iwasan ang mga pagkaing mataas sa calories. Damihan naman ang pagkaing mataas sa fiber.

    Kung may hemochromatosis, ang sakit mula sa namuong iron sa liver, iwasan ang mga pagkaing mayaman sa iron. Huwag gumamit ng mga kalderong gawa sa iron at huwag uminom ng iron supplements. Iwasan din ang raw shellfish.

    Kung may Wilson disease, na sakit mula sa mamuong copper sa katawan, limitahan ang chocolate, nuts, shellfish, at mushrooms. Ang ganitong mga pagkain ay may taglay na copper. Iwasan din na gumamit ng mga kalderong gawa sa copper.

    Mga dapat kainin ng may sakit sa atay

    Narito ang sample menu mula sa MedlinePlus:

    Almusal

    • 1 pirasong orange fruit
    • Cooked oatmeal na may halong gatas at asukal
    • 1 slice ng whole-wheat toast
    • Strawberry jam bilang palaman sa tinapay
    • Kape o tsaa

    Merienda

    • 1 basong gatas o 1 pirasong prutas

    Tanghalian

    • 11o grams ng cooked lean fish, poultry, o di kaya meat
    • Starch food, tulad ng patatas
    • Cooked vegetables
    • Salad
    • 2 slice ng whole-grain bread
    • 1 tablespoon (20 grams) ng jelly na palaman sa tinapay
    • Sariwang prutas
    • Gatas
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Merienda

    • Gatas at graham crackers

    Hapunan

    • 110 grams na cooked fish, poultry, o di kaya meat
    • Starch food, tulad ng patatas o kamote
    • Cooked vegetable
    • Salad
    • 2 whole-grain rolls
    • Sariwang prutas o kahit anong dessert
    • 240 grams na milk

    Merienda

    • 1 basong gatas o di kaya 1 pirasong prutas

    Paalala ng mga eksperto na komunsulta pa rin sa iyong doktor para sa mga dapat kainin ng may sakit sa atay.

    Basahin dito kung paano gamutin ang sakit sa atay.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles