embed embed2
  • 3 Dahilan Kung Bakit May Pimples Sa Dibdib At Hindi Sa Mukha

    Kung minsan walang tigyawat sa mukha, pero meron naman sa dibdib.
    by Jocelyn Valle .
3 Dahilan Kung Bakit May Pimples Sa Dibdib At Hindi Sa Mukha
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Bukod sa mukha, maaaring tubuan ng tigyawat ang iba pang parte ng katawan. Problema rin kasi ng karamihan kung, halimbawa, paano mawala ang pimples sa dibdib. Mainam na malaman muna kung may pagkakaiba sa mga uri ng tigyawat at paggamot sa mga ito.

    Ano ang pimples sa dibdib?

    Tigyawat o pimple ang tumutubo sa balat na  kulay pink at, kung minsan, matigas, makati, at mahapdi. Kung minsan din, paisa-isa lang ang tubo pero may pagkakataon na grupo-grupo sila kaagad lumalabas.

    Nabubuo ang pimple mula sa excess oil, dead skin cells, at bacteria na nakukulong sa maliit ng butas (pore) ng balat, ayon sa mga eksperto ng American Academy of Dermatology (AAD) Association.

    Dagdag pa nila na ang bacteria, na kadalasang nakikita sa balat, ay madaling dumami kapag nahahalo sa excess oil. Ang nangyayari tuloy, napupuno ng bacteria ang pore hanggang mamaga ito at maging pimple.

    Kung walang nana (pus) ang pimple, tinatawag ito sa medical term na papule. Pero kung may pus ang pimple, tinatawag naman itong pustule. Isang sintomas ang pimple ng sakit sa balat na acne.

    Bakit tinutubuan ng pimples ang dibdib?

    Bagamat madalas at madaling makita ang tigyawat sa mukha, marami ring tumutubo sa ibang parte ng katawan, tulad ng dibdib at likod. Halos pare-pareho lang ang dahilan ng pagtubo ng pimples sa iba-ibang parte ng katawan, ayon pa sa mga eksperto.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni Dr. Sultan Mirza, isang dermatologist at skin cancer specialist, sa Mayo Clinic, lumalaki ang tyansa na tumutubo sa dibdib kung:

    • Gumagamit ng skin care products na pinipigilan ang water loss
    • Nagkakaroon ng friction mula sa suot na damit
    • Gumagrabe ang pagpapawis

    Pero hindi naman daw ibig sabihin na kulang sa proper hygiene kung may pimples ka sa dibdib. Wala raw kinalaman ang maruming balat. Mas nakakatigyawat pa nga raw ang paggamit ng harsh soap o chemicals at pagkuskos nang sobra sa balat.

    Nakakadagdag din daw sa pimples sa dibdib ang:

    • Pag-inom ng gamot, gaya ng corticosteroids, testosterone, o di kaya  lithium
    • Pagbahago sa hormones, tulad ng puberty at pagbubuntis
    • Pag kain ng high carbohydrates
    • Pagkakaroon ng malalang stress sa buhay

    Paano mawala ang pimples sa dibdib?

    Kung kaunti pa lang ang mga tigyawat, payo ng mga eksperto na gumamit ng pimple o acne product na may sangkap na benzoyl peroxide, retinoid, o di kaya azelaic acid. Sundin lang daw ang instructions hanggang tuluyang matuyo at gumaling ang pimples. (Basahin dito ang isa pang gamot.)

    Pero kung marami na ang pimples sa dibdib, mainam daw na magpatingin sa dermatologist upang malaman kung sintomas na ang mga ito ng acne. Bibigyan ka ng doktor ng angkop na treatment at babantayan ang iyong paggaling.

    Makakatulong din daw ang ilang hakbang para mawala ang pimples sa dibdib:

    • Gumamit ng gentle scrub at noncomedogenic cream para hindi bumara ang skin pores.
    • Iwasan ang magaspang na body scrub at matapang na cream sa katawan.
    • Gumamit ng body wash na may sangkap na salicylic acid at benzoyl peroxide para mabawasan ang pamamaga ng pimples.
    • Magsuot ng maluwang na damit na gawa sa cotton.
    • Labhan kaagad ang pinaghubaran.
    • Pagkatapos mag-exercise o pagpawisan nang todo, kaagad mag-shower at magpalit ng damit.
    • Magpalit ng bedsheets at pillowcases linggo-linggo.
    • Iwasan na tirisin ang pimples sa dibdib.
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Payo pa ng mga eksperto na kapag nasimulan kaagad ang treatment para sa acne, makikita na ang resulta sa loob ng anim hanggang walong linggo. Mangyayari naman ang complete clearing pagkaraan ng tatlo o di kaya apat na buwan ng pagpupursige kung paano mawala ang pimples sa dibdib. (Para naman maiwasan ang acne scars, basahin dito.)

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles