embed embed2
  • 5 Paraan Para Magkaroon Ng Ginhawa Sa Pananakit Ng Likod At Balikat

    Kapag umaaray ang katawan, payo ng mga eksperto na ipahinga muna.
    by Jocelyn Valle .
5 Paraan Para Magkaroon Ng Ginhawa Sa Pananakit Ng Likod At Balikat
PHOTO BY Shutterstock
  • Hindi maiiwasan ang pananakit ng likod at balikat, lalo na kung maghapong subsob sa trabaho o di kaya nabigla ang katawan sa gawaing pisikal. Pero mainam na malaman kung paano ito matugunan at kailan dapat mabahala.

    Ano ang upper and middle back pain

    Ang kirot mula sa parteng likuran hanggang balikat ay posibleng sakop ng upper and middle back pain. Hindi ito kasing common ng lower back pain at neck pain, ayon sa mga eksperto.

    Ang mga buto kasi sa upper at middle back ay hindi rin gumalagaw nang malimit tulad ng iyong nasa lower back at neck. Mas nagtatrabaho daw ang mga ito katuwang ang ribs para maging matatag ang likuran at maprotektahan ang vital organs, gaya ng heart at lungs.

    Maaaring magsimula ang kirot mula sa ilalim ng leeg (base of neck) at humantong sa ilalim naman ng tadyang (bottom of rib cage). Nakakabit ang ribs sa sternum (ang mahabang buto sa gitna ng dibdib) at sa paligid ng likod.

    Kapag daw ang nerve sa parteng sternum ay nakurot, nairita, at nasaktan, maaari kang makaramdam ng kirot sa mga binabaybay ng nerve. Kabilang diyan ang mga braso, dibdib, at tiyan.

    Sa bandang braso (arm) naman konektado ang balikat (shoulder), ayon sa medical resource ng American Academy of Orthopaedic Surgeons. Isa kasi ang upper arm bone sa tatlong buto na bumubuo ng shoulder. Ang dalawa pa ay ang shoulder blade at collarbone. Katulong nila ang joints, tendons, at muscles para makagawa ang braso ng iba-ibang galaw.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mga posibleng sanhi ng pananakit sa likod at balikat

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May iba-ibang dahilan kung bakit sumasakit ang likuran, sabi pa ng mga eksperto. Bagamat hindi kaagad matutukoy ang eksaktong dahilan kahit sumailalim sa test, maaaring may kinalaman ang:

    • Overuse of muscles
    • Muscle or ligament strain
    • Injury to the muscles, ligaments and discs
    • Poor posture
    • Fracture of one of the vertebrae
    • Arthritis
    • Osteoporosis
    • Myofascial pain
    • Gallbladder disease
    • Cancer
    • Infection

    Paano maiibsan ang sakit

    Kusang gumagaling ang upper and middle back pain, sabi ng mga eksperto, kung walang sangkot na mas seryosong sakit. May mga paraan naman na puwedeng makatulong sa pagbuti na iyong pakiramdam.

    Rest

    Mahalaga na pakinggan ang sinasabi ng iyong katawan. Kapag umaaray na ito, ibig sabihin kailangan mo munang ipahinga. Tumigil pansamantala sa pagtatrabaho at unti-unting bumalik sa dating gawain.

    Over-the-counter medicines

    Subukang uminom ng gamot sa laban sa kirot at pamamaga, tulad ng acetaminophen. Siguraduhin lang na nonsteroidal anti-inflammatory ang bibilhin at sundin ang nakasulat na instructions.

    Heating pad/ice pack

    May kakayahan ang init at lamig na mabawas ang kirot at paninigas ng muscles. Ipatong sa affected area ng ilang minuto ang heating pad o di kaya boteng may laman na mainit na tubig at binalot sa tuwalya. Sa susunod na pagkakataon, ipatong naman ang ice pack o ilang piraso ng ice cube na binalot sa tuwalya.

    Exercise

    Mainam na igalaw-galaw ang katawan para mabawasan ang paninigas ng muscles. Pero piliin ang exercise na hindi mabibigla ang katawan. Subukan ang tai chi at yoga para sa banayad na paggising sa muscles. Nakakabuti pa sa paghinga at nakakalma ng isipan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Practice good posture

    Sundin ang tamang posture nang hindi mahirapan ang iyong spine at maiwasan ang pagkakuba. Payo ng Mayo Clinic na sundin ang neutral pelvic position habang nakaupo, nakatayo, at nagbubuhat. 

    Kung kinakailangang tumayo nang matagal, sikaping salitan na ipatong ang isang paa sa bangkito upang mabawasan ang bigat sa likod. Sa pag-upo naman, pumili ng upuan na may tamang back support, armrests, at swivel base.

    Sa mga pagkakataong may kailangan kang buhatin, gamitin ang lakas ng mga binti imbes na sa likod. Panatiliing tuwid ang iyong likod at huwag pumihit sa kanan o kaliwa. Hawakan ang buhat-buhat na bagay malapit sa iyong katawan upang mabawasan ang bigat sa likod.

    Kung magpatuloy at lumala pa ang pananakit ng likod at balikat, mainam na magpatingin na sa doktor. Baka kailangan mo nang sumailalim sa medical test at tumuloy sa physical rehabilitation.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles