;
embed embed2
  • 5 Sanhi Ng Lower Back Pain Kung Hindi Naman Buntis

    May dalawang uri ng pananakit ng likod: acute at chronic.
    by Jocelyn Valle .
5 Sanhi Ng Lower Back Pain Kung Hindi Naman Buntis
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Isa sa madalas idaing ang masakit ang likod, lalo na kung maghapong subsob sa trabaho o di kaya nabigla ang katawan sa gawaing pisikal. Pero baka naman may iba pang dahilan, kaya mainam na malaman hanggat maaga nang hindi na lumala pa ang kondisyon.

    Risk factors sa pagsakit ng likod

    Kahit sino puwedeng makaranas ng pananakit ng likod (back pain), miski bata o matanda, ayon sa mga eksperto ng United States National Institute of Neurological Disorders and Stroke (NINDS). Pero tataas ang tyansa mo na sumakit ang likod dahil sa ilang factors.

    Age

    Kadalasang unang umaatake ang back pain sa pagitan ng mga edad 30 at 50, at dumadalas ito sa paglipas ng panahon.

    Fitness level

    Malimit na sumakit ang likod ng mga taong walang regular na exercise o di kaya sinasagad ang minsan sa isang linggo na exercise. (Basahin dito kung paano maenganyong mag-exercise.)

    Weight gain

    Kapag sobrang laki at bigat ng katawan dahil overweight o di kaya obese, masyadong nai-stress ang likod hanggang tuluyang sumakit ito. (Basahin dito para sa weight-loss tips.)

    Genetics

    Maaari raw mamana ang mga sakit na apektado ang spinal joints, tulad ng ankylosing spondylitis, na isang uri ng arthritis. Puwede itong maging dahilan ng pananakit ng likod.

    Job-related factors

    Kung ang trabaho mo ay kinakailangan ng pagbubuhat ng mabigat, pati na pagtutulak at pagbabanat ng mga bagay, talaga namang sasakit ang likod mo. Pero kahit na nakaupo ka lang sa trabaho, gaya ng work-from-home, puwede pa ring sumakit ang likod mo kung ginagawa mo ito sa loob ng ilang oras at bad posture ka pa. (Basahin dito para sa ilang solusyon.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mental health

    May epekto ang anxiety at depression sa katawan, tulad ng pananakit ng likod. Nagkakaroon kasi ng muscle tension hatid ng stress.

    Smoking

    Hindi lang lungs ang puntirya ng paninigarilyo bagkus pati ang iba pang parte ng katawan, gaya ng likuran. Napipigilan kasi ng nicotine at iba pang masamang sangkap ng singarilyo ang pagdaloy ng dugo at oxygen papunta sa discs, kaya bumibilis ang pagkarupok ng mga ito.

    Mga uri ng pananakit ng likod

    Ayon pa sa mga eksperto, kadalasang sumasakit ang ibabang parte ng likod (lower back) dahil ito ang sumusuporta sa halos lahat ng bigat ng itaas na parte ng katawan (upper body). Ang kirot na hatid ng lower back pain ay puwedeng tuloy-tuloy o di kaya biglaan. Mayroon din daw dalawang uri ng lower back pain.

    Acute

    Sinsabing acute kapag panandalian lang ang pananakit ng likod, mula ilang araw hanggang ilang linggo. Gumagaling daw ito nang kusa kung aalagaan ang sarili at gagamutin nang tama.

    Chronic

    Kapag sinabi namang chronic, pangmatagal ang pananakit ng likod. Maaaring umabot ito ng 12 weeks o higit pa, kahit naresolba na ang dahilan nito, tulad ng injury.

    Mga dahilan kung bakit masakit ang likod

    Karaniwang mechanical ang sanhi ng acute lower back pain, sabi ng mga eksperto. Ibig daw sabihin hindi nagugulo ang mga parteng nagpapatakbo ng sistema sa likuran. Kabilang dito ang spine, muscles, intervertebral discs, at nerves. Tuloy-tuloy pa rin ang trabaho nila. Iyon nga lang, may nararamdaman kang kirot dahil sa ilang mechanical causes.

    Congenital

    Ang mga medical condition na nagsisimula noon pang kapanganakan, tulad ng skeletal irregularities at spina bifida, ay may hatid na pananakit ng likod. Halimbawa ng skeletal irregularities ang scoliosis, na sanhi ng pagkurba ng spine.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Injuries

    Kapag napinsala ang likuran, sadya man o hindi, nagdudulot ito ng pananakit. Kabilang diyan ang pagkabatak o pagkapunit ng ligaments (sprain); pagkapunit ng tendon o muscle (strain); at biglaang pagtupi ng muscle (spasm o tinatawag ding lamig sa likod). Bukod sa mga iyan, meron pang tinatawag na traumatic injury na kalimitang nangyayari habang naglalaro ng sports o di kaya nasangkot sa aksidente.

    Degenerative problems

    Sa pagdagdag ng edad, nababawasan naman ang tibay at kalidad ng mga buto-buto. Pero maaaari itong mapaaga dahil sa arthritis at iba pang inflammatory disease sa spine, gaya ng osteoarthritis at rheumatoid arthritis.

    Nerve at spinal cord problems

    Kapag nadale ang nerve at spinal cord, sumasakit nang husto ang likod. Isang halimbawa ang sciatica, kung saan napipisa ang sciatic nerve na dumadaloy mula sa puwitan hanggang sa likod ng mga binti. Idagdag pa ang herniated o ruptured discs at osteoporosis.

    Non-spine sources

    May mga pagkakataon na masakit ang likod pero hindi ito nagmumula sa spine. Tulad na lang kung mayroon kang kidney stones, endometriosis, fibromyalgia, at tumor sa likuran. Payo ng mga eksperto na komunsulta sa doktor para matukoy ang sanhi ng kirot at magamot ito.

    What other parents are reading

     

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles