;
embed embed2
  • Work-From-Home Problems: Ngawit At Masakit Na Likod

    May payo ang mga ergonomics experts tungkol dito.
    by Ana Gonzales .
Work-From-Home Problems: Ngawit At Masakit Na Likod
PHOTO BY Pexels
  • Ngayong binago na nga ng COVID-19 ang ating pamumuhay, marami na sa atin ang nagtatrabaho sa bahay.

    Umuubos tayo ng mahigit walong oras sa harap ng computer kaya naman hindi nakapagtatakang marami sa atin ang nakakaramdam ng ngawit at pananakit ng likod.

    Bakit madalas sumakit ang likod ko?

    Ayon sa mga eksperto, nangyayari ito dahil madalas, hindi pang-opisina ang mga gamit na mayroon tayo sa bahay. Ang mga opisina kasi ay may sinusunod na standards pagdating sa mga kagamitan—malimit, lahat ng mga upuan at computer desks at workstations ay may tinatawag na ergonomic design.

    What other parents are reading

    Ano ang ergonomic design?

    Tumutukoy ito sa disenyo ng furniture at equipment na ginagamit ng isang tao sa pang-araw-araw. Layon ng mga ergonomic furniture at equipment na mas maging komportable para sa taong gumagamit nito.

    Sa isang ordinaryong bahay, siguradong wala o kaunti lamang ang mga ergonimoc furniture at equipment. Halimbawa, may computer o gaming chair ka man, wala ka namang ergonomic keyboard o computer table.

    What other parents are reading

    Dahil malimit na may kamahalan ang mga ganitong gamit, hindi lahat ay willing mag-invest para dito. Ang ending, nakayuko ka nang halos walong oras o 'di naman kaya ay naka-kuba ka dahil wala kang maayos na sandalan.

    Mayroong mga simple at abot-kayang paraan para mas maging ergonomic ang mga gamit ninyo sa bahay.

    What other parents are reading

    Remedyo sa masakit na likod

    Itaas ang iyong laptop o computer

    Paliwanag ng mga eksperto, hindi ka raw dapat nakayuko habang nakatingin sa iyong computer. Kailangan ay tuwid ang iyong leeg at likod.

    May mga nabibiling tinatawag na laptop o computer screen mounts na pwede mong pagkabitan ng screen mo para tumaas ito. Nagkakahalaga ang mga ito mula Php1,800 hanggang Php9,000, depende sa laki at klase.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung ayaw mong gumastos, pwede kang gumamit ng mga makakapal na libro bilang patungan ng computer mo. Ang mahalaga kasi ay katapat mismo ng mga mata mo ang screen.

    What other parents are reading

    Itabi mo ang computer mo sa bintana

    Sa pamamagitan nito, maiiwasan mo ang eye strain o iyong mabilis na pagkapagod ng mga mata mo. Huwag kang magtrabaho sa harap ng bintana dahil nakatutok ang mga mata mo sa liwanag. Hindi rin maganda kung nakatalikod ka sa natural light, dahil magre-reflect naman sa computer screen mo ang ilaw mula sa bintana.

    Kung glass table ang gamit mo, takpan mo ito ng tela para maiwasan ang glare.

    What other parents are reading

    Gumamit ng document o gadget holder

    Para maiwasan ang paulit-ulit na pagbaba at pagtaas ng leeg mo, makakatulong kung gagamit ka ng document holder kung saan mo pwedeng ilagay ang ilang mga gadgets o papeles na babasahin mo.

    Mag-invest sa magandang keyboard at mouse

    Tulad ng magandang upuan, malaki rin ang maitutulong sa iyo kung ergonomic ang keyboard at mouse na gamit mo.

    What other parents are reading

    Sumandal at tumayo

    Malaki ang maitutulong ng regular na pagtayo at pagsandal para hindi sumakit ang likod mo. Kada 20-30 minutes ng pagtatrabaho, tumayo ka ng dalawang minuto pag mag-unat at mag-ehersisyo ng bahagya.

    Ayon pa sa mga eksperto, mahalaga rin na nakalapat ang parehong paa mo sa sahig para hindi maputol ang sirkulasyon ng dugo sa mga binti mo.

    What other parents are reading

    Huwag magtrabaho sa kama

    Hanggat maaari, sa lamesa ka magtrabaho para maiwasan ang pagyuko ng ulo mo at pagbaluktot ng likuran mo. Kung wala ka namang choice, siguraduhin mo na lang na may unan ka sa likuran at may lamesa kang mapagpapatungan ng laptop mo.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kung patuloy pa rin ang pananakit ng likod mo na may kasama pang pamamanhid ng batok, braso, at kamay, magpatingin ka na sa isang medical expert para masigurong walang ibang dahilan sa likod ng pananakit ng iyong likod.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles