-
Naninilaw Na Mata, Madaling Mapagod, At Ibang Sintomas Ng Sakit Sa Atay Na Dapat Bantayan
Narito ang 10 bagay na dapat iwasan para hindi magkasakit sa atay.by Anna G. Miranda .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Isa ang atay (liver) sa mga pangunahin at malalaking internal organs. Matatagpuan ito sa ilalim ng rib cage, bandang kanang bahagi ng tiyan (abdomen), at kasinlaki ng football. Tinatayang nasa 4.5 milyong katao sa buong Estados Unidos ang mayroong sakit sa atay, ayon sa datos mula sa kanilang National Health Interview Survey 2018.
Mga dapat malaman tungkol sa atay
Narito ang mga ginagawa ng atay para sa ating katawan:
- Tinatanggal ang dumi (toxins)
- Gumagawa ng bagong mga protina
- Gumagawa ng apdo (bile), na nakatutulong sa pag-digest o pagtunaw sa kinakain
- Nag-iimbak ng asukal (glucose) na ginagamit ng ating katawan para magkaroon ng energy
Kaya naman payo ng mga eksperto na alagaang mabuti ang atay dahil napakaraming bagay ang maaaring makapagdulot ng pinsala dito, tulad ng:
- Viruses
- Labis na pag-inom ng alak
- Sobrang katabaan, o obesity
Kadalasang nagdudulot ang pinsala sa atay ng tinatawag na scarring o cirrhosis. Ito ay malaking panganib, o life-threatening na kalagayan, na puwedeng mauwi sa liver failure at pagkamatay ng pasyente. Kaya mahalagang maaagapan kaagad ang cirrhosis dahil posible pang magamot ang sakit sa atay.
Narito ang iba pang nakapagdudulot ng pinsala sa atay:
- Infection
- Parasites at viruses na nagdudulot ng impeksyon sa atay hanggang mamaga at makaaapekto sa liver function.
Paalala pa ng mga ekspero na maaari ring kumalat ang virus na pumipinsala sa atay sa pamamagitan ng dugo o semen, kontaminadong pagkain, o close contact sa taong infected na.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng ilan pang karaniwang sanhi ng liver disease ay ang mga sumusunod:
- Chronic alcohol abuse
- Fat accumulation sa atay (nonalcoholic fatty liver disease)
- Prescriptions ng doktor o over-the-counter medications
- Ilang herbal compounds
Ayon sa mga pag-aaral, namamana (o genetic) din ang ganitong sakit. Posible kasing mayroong abnormal gene na nakuha mula sa isa o sa parehong mga magulang. Sa ganitong sitwasyon, iba't ibang substances ang nagbi-build up o naiipon at pinsala sa atay ang resulta.
Kasama sa genetic liver diseases ang sumusunod:
- Hemochromatosis
- Wilson's disease
- Alpha-1 antitrypsin deficiency
Mga sintomas ng sakit sa atay
Kung nakararanas ka ng sumusunod na mga sintomas, agad nang magpatingin sa doktor:
- Pale stool color
- Dark urine color
- Pangangati ng balat
- Nausea o pagsusuka
- Kawalan ng ganang kumain
- Labis na pagkapagod o chronic fatigue
- Naninilaw ang balat at mga mata (jaundice)
- Sumasakit ang puson at mayroong pamamaga
- Pamamaga sa mga binti at bukong-bukong
Mga uri ng sakit sa atay
Bukod sa namamanang sakit sa atay, ang mga pinakakaraniwang uri nito ay dulot ng hepatitis viruses, kagaya ng:
- Hepatitis A
- Hepatitis B
- Hepatitis C
- Immune system abnormality
- Autoimmune diseases (ang immune system mismo ang umaatake sa ilang partikular na parte ng iyong katawan)
Ilan sa autoimmune liver diseases ang sumusunod:
- Autoimmune hepatitis
- Primary biliary cholangitis
- Primary sclerosing cholangitis
Sa mga pagkakataong may kanser na, narito naman ang mga sakit sa atay na maaaring maranasan ng isang pasyente:
- Liver cancer
- Bile duct cancer
- Liver adenoma
Paano makaiiwas sa sakit sa atay
Narito ang mga dapat iwasan upang hindi magkaroon ng ganitong medical condition:
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos- Type 2 diabetes
- Unprotected sex
- Heavy alcohol use
- Tattoos o body piercings
- Obesity o labis na katabaan
- Exposure sa ilang kemikal at toxins
- Blood transfusion bago ang taong 1992
- Pag-inject ng droga gamit ang shared needles
- Exposure sa dugo at iba pang body fluids ng ibang tao
Talagang kailangang iwasan ang labis na pag-inom ng alak. Hindi lamang sakit sa atay ang maaaring idulot nito sa ating kalusugan. Ayon sa mga eksperto, kung wala namang kahit anong problema sa katawan, maaaring uminom ng hanggang isang baso ang mga babae at dalawa naman para sa mga lalaki.
Ang heavy o high-risk drinking para sa mga babae ay mahigit sa walong drinks kada linggo at mahigit sa labinlima naman para sa mga lalaki. Iwasan din ang risky behavior. Gumamit ng condom kapag nakikipagtalik. Kung magpapalagay ng tattoos o body piercings, siguraduhing malinis ang pagkakagawa rito.
Magpabakuna rin laban sa sakit sa atay. Kung mataas ang risk na magkaroon ka ng hepatitis o na-infect ka na nito, kausapin pa rin ang iyong doktor tungkol sa pagpapabakuna.
Maging maingat din sa pag-inom ng mga gamot. Prescription man o nonprescription drugs ay kailangan pa ring inumin sa inirerekomendang dosage. Huwag paghaluin ang gamot at alak. Kung gumagamit ng herbal supplements, mas mainam kung ipaaalam din sa iyong doktor.
Maging maingat din kapag bumibiyahe. Siguraduhing malinis ang lahat ng kakainin at iinumin. Iwasan din ang aerosol sprays. Kung gagamit nito, gamitin ito sa lugar na mayroong maayos na bentilasyon.
Magsuot ng mask kapag magsi-spray ng insecticides, fungicides, paint at iba pang toxic chemicals. Laging sumunod sa panuto mula sa manufacturer ng nabanggit na mga produkto. Ingatan at protektahan din ang balat. Ang labis na katabaan ay posible ring magdulot ng nonalcoholic fatty liver disease.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay mga posibleng hatid na kumplikasyon ang sakit sa atay, ayon pa sa mga eksperto. Paiba-iba ang mga kumplikasyon ng sakit sa atay. Depende rin ito sa sanhi ng sakit. Delikado ang liver failure kaya habang maaga pa mainam ding ipa-check ang kalagayan ng iyong atay.
Kailan dapat komunsulta sa doktor
Napakahalagang papel ang ginagampanan ng atay sa pag-digest ng pagkain at sa pagtatanggal ng toxic substances mula sa ating katawan. Halos lahat ng dugo natin ay dumaraan dito.
Kung mapapansing matagal na ang mga sintomas na nararanasan, bilin ng mga ekspero na huwag nang magdalawang-isip pa. Mas mainam kung maaagapan ang anomang karamdaman.
Kung ang abdominal pain ay matindi at umaabot sa puntong wala kang magawang kahit ano, agad na magpasuri sa doktor upang mabigyan ka ng wastong diagnosis at tamang gamot sa atay.
Basahin dito ang mga dapat kainin ng may sakit sa atay.
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments