embed embed2
  • Sabi Ng Derma, Ito Talaga Ang Nagagawa Ng Sebo De Macho Sa Peklat

    May iba pang mga paraan para matanggal ang peklat sa katawan.
    by Jocelyn Valle .
Sabi Ng Derma, Ito Talaga Ang Nagagawa Ng Sebo De Macho Sa Peklat
PHOTO BY Shutterstock
  • Nakalakihan na ng karamihan ang pagpapahid ng sebo de macho kapag pagaling na ang sugat para hindi ito magpeklat. May paniniwala kasi na nakakatanggal ito ng marka sa balat, lalo na kung bago pa lang ito natamo para raw maiwasan maging permanente.

    Bakit nagkakapeklat?

    Halos lahat ng tao ay nagkakaroon ng kahit isang peklat, ayon sa American Academy of Dermatology Association (AAD). Maaari mo itong makuha kapag nasugatan ka o di kaya sumailalim sa surgery. Mayroon ding skin conditions na nagdudulot ng peklat sa balat. Kabilang dito ang epekto ng chicken pox at severe acne.

    Isa pang rason, bagamat pambihira, ay ang skin disease na epidermolysis bullosa (EB). Ginagawa kasi nitong lubhang maselan ang balat, kaya kaagad nagkakaroon ng paltos. Kapag gumaling na ang mga paltos, nagiging peklat naman sila.

    Sa kaso naman ng skin disease na hidradenitis suppurativa, magkakaroon muna ng mga malalalim na sugat. Pagkatapos gumaling ang mga ito, may mga maiiwan na marka na mahirap nang mabura. At kapag nasa lahi niyo naman ang pagkakaroon ng keloid, posibleng umumbok ang mga peklat at maging raised scars. 

    Paliwanag pa ng mga eksperto, nabubuo ang peklat habang nagpapagaling ang katawan mula sa injury.  Nagkakaroon kasi ng injury sa dermis, na siyang inner layers ng balat, kung malalim ang sugat na natamo. Ang nangyayari tuloy, gumagawa ang cells ng collagen para magamot ang sugat.

    Pero dahil mabilis ang paggawa ng ganitong collagen, mas makapal ito at hindi kasing flexible tulad ng balat sa ibang parte ng katawan. Tinatawag na ito ngayong peklat o scar.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bisa ng sebo de macho laban sa peklat

    May iba-ibang klase ng scar, lahad ni Dr. Eunicia Osoteo, isang ispesyalista sa aesthetic dermatology. Nariyan ang flat, elevated, at keloidal. Pero ang alin man raw sa kanila ay hindi mabubura sa pagpahid ng sebo de macho, na sheep tallow ang key ingredient.

    Tallow ang processed form ng taba (fat) mula sa cattle o sheep. Tradisyunal itong ginagamit bilang pagkain, paggawa ng sabon, lubricant, at personal care, gaya ng sebo de macho.

    Ang pinakamagagawa ng sebo de macho, sabi ni Dr. Osoteo, ay palambutin ang balat dahil "it can lock in skin moisture." Kaya napapalambot pati na ang parteng may peklat. Pero, diin ng doktora, hindi nito matatanggal ang scar. 

    Dagdag pa niya, "Nagla-lighten ang pangingitim ng peklat nang kusa paminsan-minsan, may sebo de macho man o wala. Ang mga elevated scars ay hindi rin matatanggal ng sebo de macho."

    Paalala pa ni Dr. Osoteo sa mga buntis na posibleng maging sensitive ang balat, kaya mainam na maging maingat sa pagsubok ng skin care products, tulad ng sebo de macho. Konting pahid muna daw sa balat at hintayin ang magiging reaction. Kung walang lumabas na masamang epekto, at saka lang tuluyang gamitin.

    Mas mabisang scar solutions

    Kung desididong magpatanggal ng peklat, payo ni Dr. Osoteo na komunsulta sa doktor para malaman ang medical treatment na babagay sa iyo at iyong kondisyon. Ilan sa mga ito ang scar injections, laser treatments, at peels.

    Mahigpit niyang bilin na huwag basta-basta gumamit ng peeling agents na walang gabay ng doktor. Baka kasi masunog ang iyong balat o di kaya magkaroon ng complications, at lumala pa ang sitwasyon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kung mababaw lang naman daw ang peklat, gaya ng tinatawag nilang post-inflammatory hyperpigmentation (PIH) na walang skin texture changes, maaari itong mawala nang kusa sa paglipas ng ilang buwan o taon.

    Nagbigay ng tips si Dr. Osoteo, na siya ring consultant in charge ng Skin MDC (Congressional branch), para makatulong sa pagtanggal ng peklat na PIH lamang ang classification.

    Aniya, dalasan ang pagpahid ng lotion sa balat para mapanatiling hydrated ito. Kapag daw kasi dry ang skin, mas madali itong masugatan at mas matagal ang pagtubo ng bagong skin tissue. Pero kapag hydrated naman ang balat, mas mabilis ang healing ng sugat at pagkawala ng peklat kahit hindi ito pahiran ng sebo de macho.

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles