embed embed2
  • Paalala Ng Derma Sa Buntis: 'Bawal Ang Laser Treatments Para Sa Mukha o Hair Removal’

    May mga paraan para mapanatili ang pregnancy glow.
    by Jocelyn Valle .
Paalala Ng Derma Sa Buntis: 'Bawal Ang Laser Treatments Para Sa Mukha o Hair Removal’
PHOTO BY Shutterstock
  • Maraming pagbabago ang nangyayari sa katawan ng mga nagdadalang-tao na puwedeng positive at negative ang epekto sa kanilang balat. Kaya kailangan din ng beauty tips para sa mga buntis upang manatili sa kanila ang tinatawag na pregnancy glow.

    Mga problema sa balat kapag buntis

    Nahahati sa tatlong kategorya ang common skin conditions, ayon sa medical journal na sinulat ng mga doktor na sina Marc Tunzi at Gary R. Gray sa ilalim ng Family Medicine Residency Program ng Natividad Medical Center sa U.S. state na California.

    Hormone-related

    Dahil sa pregnancy hormones (estrogen, progesterone) maaaring mas kumapal ang buhok at mas bumilis ang paghaba ng mga kuko. Nadadagdagan naman ng halos 20% ang blood circulation, kaya nagkakaroon ng sinasabing “glow."

    Pero ang mas aktibong hormones din ang dahilan ng pagdami ng oil secretion, kaya nagkakaroon ng skin breakout at nagdudulot ng pregnancy acne. Dagdag pa diyan ang pagbabanat ng blood vessels na nagdudulot naman ng stretch marks at melasma.

    Preexisting

    Kung bago magdalang-tao ay mayroon ng skin problem (atopic dermatitis, psoriasis, skin tags), baka lumala ito at magbigay ng discomfort sa buntis. Pero puwede rin daw pansamantalang gumaling depende sa reaction ng katawan.

    Pregnancy-specific

    May mga skin problem na sumusulpot lang sa mga buntis, gaya ng pruritic urticarial papules and plaques of pregnancy (PUPPP). Nakaranas ng ganyang klaseng rash si Ryza Cenon bago niya ipanganak ang baby boy niyang si Night Cruz noong October 31, 2020 (basahin dito).

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Anong puwede at hindi puwedeng skin treatment

    “Kapag buntis, limitado lang ang puwedeng treatments kahit maraming lumalabas na skin issues secondary to pregnancy,” sabi ni Dr. Eunicia Osoteo, na ispesyalista sa aesthetic dermatology. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May iba-ibang klase raw kasi ng facial at dermatological treatment na gumagamit ng ingredients o components mula chemical peels hanggang organic treatments. Dapat daw iwasan ng buntis iyong treatment na may harsh ingredients.

    Paalala pa ni Dr. Osoteo, “Definitely bawal ang anumang klaseng laser treatments para sa mukha or hair removal man ’yan.  Bawal din mostly ang mga injectable or minimally invasive aesthetic treatments.”

    Bilang beauty tips sa mga buntis, dapat piliin ang treatment na “gentle, all-natural, organic, at soothing.” Merong mga tinatawag na organic facials, hydrafacials, at oxygen facials. Pero mahalaga pa rin na malaman muna ang “key ingredients or components” ng napiling treatment.

    Ayon pa sa dermatologist, dapat ideklara kaagad ang pagbubuntis sa pupuntahang skin clinic bago sumailalim sa dermatological treatment. Makakatulong pati ang pagkuha muna ng buntis ng approval mula sa kanyang doktor.

    Sa Skin MDC, kung saan consultant-in-charge si Dr. Osoteo sa Congressional branch, dumadaan muna ang lahat ng pasyente sa assessment ng in-house doctor bago simulan ang treatment. Para raw masiguro ang “safety and appropriateness” ng treatment sa bawat pasyente.

    Pangangalaga sa balat habang buntis

    Payo ni Dr. Osoteo na ituloy ng buntis ang skin care regimen, basta gumamit lang ng hypoallergenic products at moisturizers. Aniya, “Most of the time the skin becomes dry and itchy during pregnancy. So it is highly advisable to liberally apply hypoallergenic emollients and moisturizers.”

    Rekomendado din niya ang hypoallergenic at non-comedogenic products kung nais ng buntis na gumamit ng makeup at iba pang cosmetics.

    Paliwanag pa ni Dr. Osoteo, “Nagiging acne prone madalas ang skin kapag buntis because of hormonal changes, so make sure that when you use cosmetic products that they are hypoallergenic and non-comedogenic."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero para sa kanya, "Mas mainam pa rin na walang make up kaysa meron to avoid possible irritations and breakouts.”

    May dagdag na beauty tips para sa mga buntis mula sa What to Expect:

    • Magkaroon ng tamang pregnancy diet na husto sa sustansya.
    • Uminom ng sapat na tubig at iba pang fluids araw-araw.
    • Maghilamos ng mukha gamit ang gentle cleanser mula dalawa hanggang tatlong beses kada araw kung problema ang tigyawat. Mag-exfoliate nang banayad lang isang beses sa isang linggo.
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles