;
embed embed2
  • Hindi Lang Bukol Sa Leeg Ang Palatandaan Ng Goiter: 10 Pang Mga Sintomas Na Dapat Bantayan

    Goiter ang sakit dulot ng abnormal na paglaki ng thyroid gland.
    by Jocelyn Valle .
Hindi Lang Bukol Sa Leeg Ang Palatandaan Ng Goiter: 10 Pang Mga Sintomas Na Dapat Bantayan
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Bagamat ang bukol sa leeg ang pinakahalata at pinakakilalang palatandaan ng goiter, hindi ito nakikita sa lahat ng mga may ganyang sakit. Merong iba pang mga sintomas ng goiter na nararamdaman ng nakakaraming pasyente.

    Ano ang goiter?

    Kabilang ang goiter, o bosyo sa Tagalog, sa mga uri ng sakit sa endocrine system. Ang endocrine system ay isa namang grupo ng ductless glands na resposable sa paggawa ng chemical substances na kung tawagin ay hormones. Isa sa mga mahalagang parte ng endocrine system ang thyroid gland, ayon sa Johns Hopkins Medicine.

    Nakikita ang thyroid gland sa pinakababang bahagi ng leeg, bandang ilalim ng Adam’s apple, at hugis butterfly ito. Kadalasang painless, pero pag lumaki masyado, nagdudulot ng iba pang karamdaman.

    Gumagawa ang thyroid gland ng hormones na thyroxine (T4) at triiodothyronine (T3). Malaki ang papel na ginagampanan nila sa ilang bodily functions, gaya ng body temperature, mood at excitability, pulse rate, at digestion. Kapag may abnormal na paglaki ng thyroid gland, maaaring magkaroon ng sakit na goiter.

    Mga uri ng goiter

    Iba-iba ang sanhi ng goiter, sabi naman ng Cleveland Clinic, depende na lang sa uri nito.

    Simple

    Nagkakaroon ng simple goiter kapag ang thyroid gland ay hindi gumagawa ng sapat na hormones para sa pangangailangan ng katawan. Kaya lumalaki ito bilang pagbawi sa kakulangan na iyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Endemic

    Nangyayari ang endemic goiter sa mga taong nakatira sa mga parte ng mundo na hindi nakakakuha ng sapat ng iodine mula sa kanilang pagkain. Nagreresulta ito sa iodine deficiency. Kailangan kasi ang iodine para makagawa ang thyroid ng hormones.

    Sporadic

    Walang isang sanhi lang ang sporadic goiter. Halimbawa, may mga kaso na sangkot ang paggamit ng gamot tulad ng lithium.

    Risk factors ng goiter

    Tumataas ang tyansang magkaroon ka ng goiter, ayon sa mga eksperto, kung:

    • May goiter na sa pamilya mo, kadalasan ang nanay
    • Babae ka
    • Lampas 40 ang iyong edad
    • Meron kang health condition tulad ng Graves’ disease, Hashimoto disease, nodular goiter, thyroid cancer, at thyroiditis
    • Nagkaroon ka ng exposure sa raditation
    • Buntis ka
    • Nasa menopause stage ka na

    Mga sintomas ng goiter

    May tinatawag ang mga Pinoy na goiter sa loob at sa labas. Wala naman daw pinagkaiba, ayon sa magkapatid na Dr. Daryl Jade T. Dagang at Dr. Jasper Philip T. Dagang sa isang talakayan tungkol sa goiter. Anila, mas halata lang daw ang goiter sa labas dahil may kalakihan ang umbok sa leeg. Samantala, hindi kaagad napapansin ang pagbabago sa leeg kapag naman goiter sa loob.

    Pinunto rin ng iba pang medical sources na hindi lahat ng taong may goiter ay nakakaranas ng parehong mga sintomas ng goiter. Ngunit kadalasan, narito ang ilan sa kanilang mga nararamdaman:

    1. Pamamaga sa pinakababang parte ng leeg, na nagiging mas halata pa kapag naglalagay ng makeup o di kaya nag-aahit
    2. Paninikip ng lalamunan
    3. Pag-ubo
    4. Pagkamalat ng boses
    5. Hirap sa paglunok
    6. Hirap sa paghinga
    7. Panginginig o di kaya pagkahilo kapag tinataas ang mga braso
    8. Madaling mapagod
    9. Bumibilis ang pintig ng puso
    10. Nagiging mainitin ang ulo
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Para makasiguro na mayroon kang goiter batay sa mga sintomas, mainam na komunsulta sa doktor. Bibigyan ka ng physical examination sa parteng may abnormal na paglaki ng thyroid gland.

    Sasabihan ka rin ng doktor na kumuha ng thyroid function test, kung saan susuriin ang dugo para malaman kung kulang (underactive) o di kaya sobra (overactive) ang pagkilos ng iyong thyroid gland. Depende sa resulta ng test ang susunod na hakbang.

    Paano nagagamot ang goiter?

    Nakasalalay sa uri at sanhi ng goiter ang paraan ng goiter treatment, ayon sa American Thyroid Association. Mga halimbawa:

    • Kung ang goiter ay endemic, na sanhi ng kakulagan ng iodine sa pagkain, bibigyan ka ng iodine supplementation.
    • Kung underactive ang thyroid, maaaring meron kang hypothyroidism, na kadalasang nagagamot sa pamamagitan ng pag-inom ng thyroid hormone medication o di kaya ng surgery. Puwede rin sa parehong mga paraan.
    • Kung overactive ang thyroid, posibleng meron kang hyperthyroidism, na maaaring magamot gamit ang radioactive iodine.

    Pero kahit ano pang uri ng treatment ang ibigay ng iyong doktor, mahalaga ang regular na pag-monitor ng thyroid function at bantayan ang sintomas ng goiter.

    Ano ang kinalaman ng pagbubuntis sa goiter? Basahin dito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles