menstruation,Tagalog,menopause,perimenopause,reproductive issues,greener,sintomas ng menopause,Sintomas Ng Menopause | Smart Parenting,sintomas ng menopause, menopause, menopause symptoms, hot flashes, end of menstruation,Bukod sa hot flashes at pagiging iritable, marami pang ibang mga sintomas ng menopause.
HealthYour Health

Pagiging Iritable, Mainitin, At Iba Pang Sintomas Ng Menopause

Hindi biro ang pinagdadaanan papunta sa yugtong ito ng pagiging babae.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Tulad sa pagreregla at pagbubuntis, ang pagbabago sa reproductive system ang sanhi ng maraming sintomas ng menopause. Pero sa puntong ito ng buhay ng mga kababaihan, kumokonti na ang female hormone na estrogen.

Ang estrogen ang responsable sa pagiging malago at malugos ng female reproductive organs, ayon sa The North American Menopause Society (NAMS). Ito ang dahilan kung bakit ang vagina ay hindi tuyot (moisturized), nababanat (elastic), hitik sa dugo (well supplied with blood).

Bukod sa estrogen, bumababa rin ang level ng iba pang hormones na ginagawa ng mga obaryo. Ito ang progesterone, na female hormone, at ang testosterone, na male androgen hormone na meron ang babae pero sa mas mababang level kumpare sa mga lalaki. Apektado ng kumokonting progesterone ang menstruation at ng testosterone naman ang sexual drive.

Kailan nagsisimula ang menopause?

Bago makarating sa menopause, dadaan muna tinatawag na perimenopause. Sa salitang Greek, ang ibig sabihin ng “peri” ay “around” o “near,” kaya ito ang hudyat ng nalalapit na pagtatapos ng reproductive years. Masasabing menopause na ang isang babae kapag isang buong taon na siyang walang menstruation.

Nagkakasundo ang mga eksperto na nagsisimula ang perimenopause kapag naging irregular na ang menstrual period ng isang babae. Dahil daw ito sa pagbaba ng kanyang estrogen level at pagbabago sa ovarian function, kaya bigla na lang lumalakas o humihina ang regla.

Walang eksaktong edad ang pagdating ng perimenopause, ngunit mas marami iyong nakaabot na sa 40 years old. Maaaring mapaaga ito, paliwanag ng mga eksperto, kung ang isang babae ay may family history ng early menopause at isang smoker. Dagdag rason din ang operasyon sa pagtanggal ng uterus (hysterectomy) o ovaries (oophorectomy), at paggamot sa cancer.

watch now

Kadalasan, tumatagal ang perimenopause ng tatlo hanggang apat na taon, ngunit puwede ding umiksi sa ilang buwan o humaba ng sampung taon. Kung hindi naman makaramdam ng ano mang sintomas sa panahong ito, pre-menopause ang tamang tawag sa pinagdadaanan. Posible pa ring mabuntis maging pre-menopause o perimenopause ang estado ng isang babae.

Sa panahong itong nagiging pabago-bago ang menstruation pattern. Maaaring dumating ang regla dalawang beses sa isang buwan o kada dalawang buwan. May pagkakataong malakas ang pagdudugo at minsan naman ay mahina. Puwede ring mawala nang isang taon at biglang bumalik. Kaya mainam na komunsulta sa iyong doktor.

Sintomas ng menopause

Bukod sa pabago-bagong menstruation, may iba pang mga senyales na nagpapahiwatig ng nalalapit na menopause. Pero hindi pa diyan nagtatapos dahil maaaring magpatuloy ang mga senyales kahit sa katapusang parte na tinatawag na postmenopause.

Kakaibang init sa katawan at pagpapawis

Isa ang hot flashes, o “a hot flush,” sa mga pangkaraniwang sintomas. Ito ang bigla at literal na pag-init ng katawan na tumatagal mula 30 seconds hanggang 10 minutes.

Ang klase ng init na ito, sabi ng ilang perimenopausal at menopausal women, ay naiibsan lang sa pagligo. May ilan sa kanila ang nagsasabing kumikilos ang init mula ulo, mukha, leeg, dibdib, at likuran habang nakakaramdam sila ng pamumulikat sa mga parteng iyon.

Pagdaan ng init at pagpapawis, bigla namang makakaramdam ng panlalamig at saka giginawin. Nangyayari ito kahit sa kalagitnaan ng pagtulog sa gabi, kaya tinatawag na itong night sweats. Ayon pa sa kuwento ng perimenopausal at menopausal women, nagigising sila nang basa sa pawis pero nanginginig sa ginaw.

Bagamat hindi na mapipigilan ang pagbabago sa estrogen levels, maaari namang mabawasan ang hot flashes kung aalamin ang mga bagay o gawain na nagti-trigger nito. Ang ilan sa mga paraan ang gawing maaliwalas at komportable ang kapaligiran at pananamit.

Makakatulong din ang pag-iwas sa maiinit na inumin at maaanghang na pagkain. Dagdag pa dito ang gentle exercise at cool shower bago matulog para presko ang pakiramdam.

Panunuyo ng puwerta

Kasabay ng pagbaba ng hormone production ang pagkonti ng supply ng moisture sa katawan, mula sa balat hanggang sa puwerta. Dahil sa vaginal dryness, nagiging masakit para sa babae ang sexual intercourse at nawawalan siya ng sex drive.

Maaari din siyang magkaroon ng vaginal o urinary tract infection. Upang hindi na mairita pa ang maselang parte ng katawan, makakabuti kung huwag gumamit ng perfumed soap o scented feminine wash.

Madalas o hindi mapigilang pag-ihi

Kapag humihina na ang muscles, tulad ng sa pantog (bladder), napapadalas ang pagpunta sa banyo para umihi (frequent urination). Problema ito lalo na sa gabi, kaya maraming perimenopausal at menopausal women ang hirap din sa pagtulog dahil panay ang bangon para pumunta sa banyo.

Payo ng mga eksperto na iwasan ang pag-inom ng caffeinated drinks, gaya ng coffee, tea, at soda. Palakasin din ang pelvic floor muscles sa pamamagitan ng Kegel exercises.

Pananakit ng ulo, pagkahilo, pakiramdam ng pagduduwal

Komento ng ilang perimenopausal at menopausal women na tila buntis ang kanilang pakiramdam. Andiyan kasi ang nausea at morning sickness. Anila, pahinga ang mainam na gawin at siguraduhing presko ang paligid.

Subukan daw ang essential oils na peppermint at eucalyptus na amuyin o di kaya gamitan ng diffuser para guminhawa ang pakiramdam. Makakabuti din ang pag-inom ng ginger tea para kumalma ang tiyan.

Pabago-bagong mood

Malimit gawing joke ang pagiging bugnutin at mainitin ng ulo ng mga babae base sa kanyang monthly period, pregnancy, o di kaya menopause. Dahil pa rin sa hormonal changes kaya nagiging irritable at sensitive. Ibang kaso pa ang depression na maaaring may kaugnayan sa menopause bunsod sa hormonal at physical changes.

Payo ng mga eksperto na sikaping makatulog nang maayos at mahimbing nang hindi sumama ang mood sa buong araw. Makakatulong din ang exercise para sa release ng endorphins, na kilala bilang “happy hormones.” Idagdag pa ang pagkakaroon ng bonding session sa mga kaibigan at pagsali sa support group.

Bukod sa mga nararanasang symptoms ng menopause, may physical changes na hatid ng pagbaba ng estrogen at progesterone levels na posibleng magdulot ng heart diseases at iba pang kondisyon tulad ng osteoporosis. Kaya mainam na regular na magpatingin sa doktor para mabantayan ang kalusugan at pag-usapan ang hormone replacement therapy.

Basahin dito ang mga senyales ng midlife crisis.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close