embed embed2
  • Mga Sikat Na Kantang Pwede Sa 20-Second Hand-Washing Method

    Mag-gegenerate ito ng guide para sa 20-second hand-washing method gamit ang mga paborito ninyong kanta.
    by Ana Gonzales .
Mga Sikat Na Kantang Pwede Sa 20-Second Hand-Washing Method
PHOTO BY iStock
  • Sunod-sunod nga ang pag-aanunsyo ng Department of Health ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19. Bunsod nito, sinuspindi na rin ang mga klase sa buong Metro Manila mula ngayong araw (March 10), hanggang sa Sabado (March 14).

    Patuloy din ang DOH sa pagbabahagi ng mga makabuluhang impormasyon para hindi na lumala pa ang pagkalat ng virus. Pinapayuhan nila ang lahat na maghugas mabuti ng kamay gamit ang sabon at tubig. Dalawampung segundong pagkuskos ang nirerekomenda ng mga eksperto para masigurong mamatay ang anumang virus at mikrobyo na nasa inyong kamay.

    More for parents like you

    Naglabasan naman ngayon online ang mga nakakatuwang memes, GIFs at infographics na nagpapakita ng mga kantang pwede ninyong awitin habang naghuhugas ng kamay. Dalawampung segundo ng paborito mong kanta ang aawitin mo para nga naman nakakaaliw maghugas ng kamay.

    May isang website na pwede mong gamitin para makapag-print ka ng lyrics ng kanta na kasabay ang tamang pagkuskos ng kamay. Sa washyourlyrics.com, ita-type mo lang ang pamagat ng kanta at ang kumanta nito. Pagkatapos ay saka ito mag-gegenerate ng infographic na kaakibat na ang kantang gusto mo. Gumawa kami ng ilang halimbawa:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Paborito mo bang singer si Taylor Swift? Pwede kang maghugas ng kamay sa saliw ng kanyang kantang Lover.
    PHOTO BY Wash Your Lyrics
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    Isa pa sa mga nauusong kanta ngayon ay ang Yummy ni Justin Bieber. Sa halip na sayawin ito, bakit hindi niyo na lang ito kantahin habang naghuhugas ng kamay?
    PHOTO BY Wash Your Lyrics
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More for parents like you

     

     

    Kung old school naman kayo ng mga anak mo, maghugas kayo ng kamay sa saliw ng Spice Girls classic na Wannabe. Siguradong pati si daddy, mapapaindak habang naghuhugas ng kamay.
    PHOTO BY Wash Your Lyrics
    Pwede rin ang mga paboritong children's songs ng mga anak mo tulad ng Twinkle, Twinkle Little Star, Sampung Mga Daliri, at iba pa.
    PHOTO BY Wash Your Lyrics
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More for parents like you

     

     

    Siyempre, hindi mawawala ang kasalukuyang pambansang theme song, ang Tala ni Sarah Geronimo. Pero ngayon, sa halip na sa TikTok kayo sasayaw, isasabay ninyo sa kanta ang paghuhugas ng kamay.
    PHOTO BY wash your lyrics
    More for parents like you

     

    Ano man ang paraan ninyo para mahikayat ang inyong mga anak na maghugas ng kamay, importanteng maipaliwanag mo sa kanila kung bakit ito mahalaga. May kumakalat mang virus o wala, dapat ay alam nila na kailangan nilang regular na naghuhugas ng kamay. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maparaan tayong mga Pilipino, ano man ang ating pinagdadaanan, kaya naman hindi katakatakang marami ang gumagamit ng mga creative na techniques para lang makaiwas sa sakit. Mas pinaiigting na rin ng mga magulang ngayon ang pagpapalakas sa resistensya ng kanilang pamilya, para ano man ang mga maglabasang viruses at karamdaman, mayroon silang panlaban.

    Kayo? Anong ginagawa ninyo para mahikayat maghugas ng kamay ang inyong mga anak? Kumusta ang inyong routine ngayong kabi-kabila ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19? Ikwento niyo na 'yan sa comments section.

    More for parents like you

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles