embed embed2
Mataas Ang Lagnat? 10 Karagdagang Senyales Na Posibleng Tipus Ang Sakit
PHOTO BY Pexels/Polina Tankilevitch
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Matagal na ring health concern sa bansa ang typhoid fever. Kung tawagin ito ng mga Pinoy ay tipus, sakit na isa sa pangunahing dahilan ng mortality at morbidity sa mga lugar na marumi at napakaraming taong naninirahan. Kasama rin ito sa mga sakit na sinasabing dapat iwasan lalo na sa panahon ng tag-ulan, ayon sa Department of Health (DOH).

    Ano ang sanhi ng tipus?

    Ang sakit na típus ay dulot ng bakterya na Salmonella typhi. Nakukuha ito sa maruruming pagkain at tubig. Kilala rin ito bilang typhoid fever, ayon sa United States Centers for Disease Control ang Prevention (CDC). Iba pa ang bacteria na ito, ngunit may kaugnayan din, sa salmonella na nagdudulot naman ng food poisoning. (Basahin dito kung ano ang food poisoning.)

    Dumarami ang S. typhi bacteria at kumakalat sa dumadaloy na dugo. Sa ganitong kondisyon, ang impeksyon sa bituka ay kumakalat din sa buong katawan.

    Narito ang kadalasang pinagmumulan ng bakterya:

    • Kontaminadong tubig
    • Pagkaing hindi naluto nang mabuti
    • Fomites ng infected patients (damit, kubyertos, kagamitan)
    • Kapag kumain o uminom ka mula sa nahawakan ng taong may Salmonella Typhi, na hindi nakapaghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng banyo
    • Imburnal o sewage na mayroong bakteryang Salmonella Typhi o Salmonella Paratyphi
    • Imburnal na kontaminado ng bakterya, at mayroong tubig na napupunta sa tubig na ginagamit mo sa paghuhugas sa kinakain
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan pa sa pinanggagalingan ng salmonella ay manok, itlog, at sa ibang pagkakataon, sa mga pagong. Posibleng pinanggagalingan din ang kontaminadong mga shellfish o talaba, hilaw na mga prutas at gulay, non-pasteurized na gatas, at iba pang dairy products.

    Ang bakteryang Salmonella ay naikakalat ng tinatawag na "four Fs" (flies, fingers, feces, fomites). Kaya kailangang maging maingat dahil naipapasa ang bakterya sa pamamagitan ng dumi ng nagkasakit, na siyang dahilan kung bakit nakakahawa ito.

    Saan karaniwang nagkakasakit ng tipus?

    Karaniwang nagkakasakit ng typhoid fever ang mga taong mula sa lugar na sorbrang dami ng tao (overcrowding), magulong pamayanan (social chaos), at hindi maayos na pasilidad (poor sanitation).

    Karaniwan ito sa low at middle-income na mga bansa sa South-Central Asia at Southern Africa. Mayroon ding mga turistang nagkakaroon ng tipus kapag ang biyahe nila ay sa mga lugar tulad ng nabanggit. Sa mga tao lamang makikita ang bakteryang ito.

    Dito sa Pilipinas, taong 2008 noong magkaroon ng typhoid outbreak sa Laguna. Taong 2016 naman noong magdulot ito ng epidemic sa bansang Pakistan.

    Mga sintomas ng tipus

    Narito ang common symptoms sa taong dinapuan ng typhoid fever:

    • Ubo at sipon
    • Pananakit ng ulo
    • Pananakit ng tiyan
    • Mabagal na pulso
    • Pagsusuká at pagtatae
    • Pamamagâ ng lalamunan
    • Pagtaas ng lagnat (39–40°C)
    • Hirap sa pagdumi (constipation)

    Ang iba pang maaaring maramdaman ng nagkakaroon ng tipus ay ang sumusunod:

    • Panghihina o panglalata ng katawan (malaise)
    • Kawalan ng gana sa pagkain
    • Rashes (flat, kulay rosas na butlig-butlig)

    Paalala ng mga eksperto na kahit pa hindi na nararamdaman ang mga sintomas, posible pa ring mayroon kang Salmonella Typhi. Sa ganitong mga pagkakataon, posibleng bumalik ang tipus sakit o maipapasa mo ang bakterya sa ibang tao.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

    Kung mayroon kang lagnat at napakasama ng iyong pakiramdam, agad na magpatingin sa iyong doktor. Hindi ito dapat na balewalain, ayon sa sa mga eksperto.

    Mula sa maagang pananakit ng tiyan (early gastrointestinal distress) hanggang sa iba pang hindi ispesipikong systemic na karamdaman, mayroong ilang komplikasyon ang sakit na ito.

    Para ma-diagnose kung tipus nga ang sakit, aalamin ng doktor kung ano-ano ang mga sintomas na iyong nararamdaman. Hihingin din niya ang iyong medical at travel history. Gamit ang microscope, matutukoy mula sa culture o sample ng iyong dugo, dumi, ihi, o bone marrow kung mayroong bakteryang S. typhi sa dugo, o sa ibang body fluid o tissue.

    Sa oras na makumpirmang mayroon nga, saka ka na reresetahan ng antibiotics.

    Paano ginagamot ang tipus?

    Ayon sa Mayo Clinic, tatlo sa karaniwang inirereseta gamot (prescription medicines) ang sumusunod:

    Ciprofloxacin (Cipro)

    Nirereseta ito ng mga doktor sa United States sa mga adults na hindi buntis. Isa pang katulad na gamot ang ofloxacin.

    Azithromycin (Zithromax)

    Ito ang alternatibong antibiotic kapag resistant na ang bakterya sa ciprofloxacin.

    Ceftriaxone

    Injectable ito at inirerekomenda sa mga mas kumplikado o seryosong impeksyon. Mas ibinibigay rin ito sa mga bata at sa mga babaeng nagdadalantao na mayroong tipus sakit.

    Bilin pa ng mga eksperto na ang mga gamot na ito ay maaaring magdulot ng side effects. Posible ring maging antibiotic-resistant ang bakterya kung gagamitin ito nang matagal.

    Kung hindi tinatablan ang bakterya, o antibiotic-resistant strain ang typhoid fever, magsasagawa pa ng ilang tests ang doktor. Mayroon ding mga pag-aaral na isinagawa tungkol sa pagbibigay ng kombinasyon ng mga antibiotics sa mga may tipus.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaaring tumagal nang ilang linggo ang lagnat kung hindi mabibigyan ng wastong gamot at treatment. Posibleng magdulot ito ng iba pang komplikasyon at sa ilang kaso, ng malalang kalagayan ng pasyente na maaaring mauwi sa kamatayan.

    Paano maiiwasan ang tipus?

    Rekomendado ng mga ekperto na magpabakuna laban sa tipus sakit. Tandaan lang na hindi sakop ng bakuna ang paratyphoid fever. Ang iba pang dapat gawin ay laging maghugas ng kamay nang mabuti gamit ang tubig at sabon pagkatapos gumamit ng banyo.

    Kung hindi sigurado kung malinis ang tubig na iinumin, pakuluan muna ito nang mabuti. Iwasan ding kumain ng mga pagkaing ibinebenta sa kalye, lalo na kung hindi malinis ang kapaligiran kung saan ito iniluto o inihanda.

    Siguraduhin ding nakakukuha ng sapat na mga bitamina, mineral, at sustansya ang katawan upang maging malakas ito sa paglaban sa mga impeksyon.

    Kung ikaw ang diagnosed na may tipus, iwasang maghanda o maghain ng pagkain para sa ibang tao. Patuloy ring inumin ang antibiotics ayon sa rekomendasyon ng iyong doktor nang tuluyang gumaling sa tipus sakit.

    Basahin dito ang iba pang vaccine-preventable diseases sa mga bata.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles