constipated,nutrition,fiber,constipation,meals,5 Madaling Paraan Upang Mas Madagdagan Ng Fiber Ang Inyong Diet Araw-Araw,kung paano kumain ng mas maraming hibla, madaling paraan upang makakuha ng mas maraming hibla, pagkain na may hibla, mayaman na hibla ng pagkain, kung paano maiwasan ang pagkadumi, kung ano ang gagawin tungkol sa tibi,Hindi kailangan abutin ng siyam-siyam sa banyo. May mga madaling paraan upang mas madagdagan ng fiber ang inyong diet araw-araw.
Kailangan ng bawat tao ng 25 grams ng fiber mula sa pagkain bawat araw. Mahirap matukoy kung naaabot na ang halagang ito, pero ang isang palatandaan na hindi nakakakuha ng sapat na fiber ay ang kahirapan sa pagdumi o constipation. Dapat ay gumamit ng madaling paraan upang mas madagdagan ng fiber ang inyong diet araw-araw.
Ang fiber ang tumutulong para matunaw ang pagkain sa loob ng katawan, at samakatuwid ay tumutulong itong pigilan o mapawi ang tibi. Bukod sa sinisiguro nito ang mabilis na pagdumi, ayon sa Mayo Clinic, ang pagkakaroon ng maraming fiber sa pagkain ay nagpapababa rin ng kolesterol, tumutulong sa pagkontrol ng asukal sa dugo, at pumipigil sa pagtaas ng timbang dahil ang mga pagkain na may fiber ay nakakapagbigay ng mas matagal na pakiramdam ng pagkabusog at mas kaunti ang calories ng mga ito.
Ang mga sumusunod na pagkain ay mayaman sa fiber: gulay at prutas, buong butil, beans, gisantes, at iba pang mga butong-gulay tulad ng monggo at mani. Ito ay mga madaling paraan upang mas madagdagan ng fiber ang inyong diet araw-araw.
1. Samahan ng isang putaheng gulay ang bawat pagkain.
Maging isang mabuting halimbawa sa mga bata at kumain ng gulay! Hindi ito mahirap gawin dahil, mapalad tayong mga Pilipino, maraming masasarap na luto ng gulay na maaari nating pagpilian. Mula sa adobong kangkong, chopsuey at ginisang monggo, hanggang sa mga gulay na kailangan lamang pakuluan tulad ng okra, maraming mabilis at madaling putahe na maaaring ihanda (Maraming mga recipe na pwedeng subukan sa Yummy.ph). Kung ikaw ay isang nagtatrabahong ina, maaaring maging mas madali para sa iyong bumili ng lutong gulay sa mga carinderia.
2. Pumili ng mas masustansyang cereal at tinapay.
Karaniwan tayong kumakain ng mas maraming pagkain na gawa sa butil tuwing agahan, kaya mas madaling magdagdag ng fiber dito. Kailangan lamang na mas maging mapanuri sa pagpili ng mga pagkaing pang-almusal na bibilhin tuwing nagpupunta sa grocery. Sa halip na puting tinapay, piliin ang whole wheat. Alam mo bang ang Pan de Manila ay mayroon ding whole wheat pandesal? Kung mahilig kayo ng mga bata na kumain ng cereal sa umaga, basahin ang gilid ng kahon at tignan kung sa isang kain ay makakakuha kayo hindi bababa sa 5 grams ng fiber, ayon sa sa mga eksperto sa nutrisyon.
Ang mais ay isang buong butil, kaya tulad nito, ang popcorn ay napakataas din ng fiber. “Kung ang layunin mo ay pataasin ang dami ng fiber na iyong kinakain, ang popcorn ang pinakamainam na merienda na pwede mong kainin,” sabi ng mananaliksik sa nutrisyon at manunulat para sa HealthLine na si Kris Gunnars. “Napakataas ng fiber ng popcorn na pinaputok sa hangin, kung bibilangin ang bawat calorie.” Ngunit, dapat pigilan ang paglalagay ng mantikilya, dahil ayon sa kaniya ay marami itong calories.
4. Maglagay ng isang lalagyan ng mani at pinatuyong prutas sa iyong mesa
PHOTO BY Pixabay
Kung karaniwang naghahanap ka ng mga munchies sa pamamagitan ng kalagitnaan ng hapon ( at sino ang hindi?), magkaroon ng isang maliit na lalagyan ng mga mani at pinatuyong prutas sa iyong desk na maaabot. Mas malamang na pipiliin mo ang mga pagpipilian na may mataas na hibla kaysa sa paglalakad hanggang sa pinakamalapit na tindahan ng kaginhawaan.
Dahil nasa bawat pagkain ng mga Pilipino ang puting kanin, walang dudang hindi madaling makasanayan ang pagkain ng brown rice. Ngunit marami pang ibang benepisyo ito bukod sa fiber. “Higit na maraming sustansya ang makukuha sa brown rice kaysa sa puti,” paliwanag ng rehistradong dietician na si Kayla McDonell sa HealthLine. "Ang brown rice ay isang buong butil. Ibig sabihin ay nandito ang lahat ng bahagi ng butil - kasama ang bran na maraming fiber, ang masustansiyang germ, at ang endosperm na mayaman sa carbohydrates.” Tandaan, kailangan munang ibabad sa tubig ang brown rice bago ito lutuin upang lumambot at maluto ng mas mabilis.
Mga karagdagang paalala:
Uminom ng marami kasama ng pagkaing mataas ang fiber, dahil pinakamabisa ang fiber kapag nakakasipsip ito ng tubig. Huwag ding sosobra sa paggamit ng mga madaling paraan upang mas madagdagan ng fiber ang inyong diet araw-araw. Mungkahi ng Mayo Clinic, "Paunti-unting dagdagan ang fiber sa iyong pagkain sa loob ng ilang linggo. Binibigyan nito ng pagkakataon ang likas na bakterya sa digestive system na umangkop sa pagbabago.”
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.