flu,Tagalog,trangkaso,covid-19,greener,trangkaso sintomas,Trangkaso Sintomas | Smart Parenting,trangkaso sintomas, trangkaso, flu, flu symptoms, COVID-19,Sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic, hindi dapat bale-walain ang mga trangkaso sintomas.
HealthYour Health

Hindi Lahat Ng Tinatrangkaso Ay Nilalagnat: 9 Pang Mga Sintomas Na Dapat Bantayan

Sa panahon ngayon, hindi na lang dapat binabale-wala ang trangkaso.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Ngayong panahon ng pandemya, hindi na puwedeng bale-walain ang pagsama ng pakiramdam. Kapag nagkaroon ng sore throat, sipon at ubo, o kahit anong trangkaso sintomas, kailangan isipin na baka COVID-19 na nga ang tumama sa iyo.

May paliwanag diyan si Dr. Ana Ong-Lim, ang pinuno ng Technical Advisory Group Pediatric Infectious Diseases ng Department of Health.

Aniya sa isang ulat, "Kung wala sanang COVID, sasabihin natin na baka nagkatrangkaso lang ako o nahawahan lang ako kasi may kumakalat na virus ng sipon o ubo but unfortunately because itong virus na kumakalat is COVID, we have to assume it was COVID unless proven otherwise."

Kaya mahigpit na bilin ng health expert na gawin kaagad ang isolation o quarantine nang hindi na makahawa pa at kumuha ng test para malaman kung positibo ka nga sa SARS-CoV-2 virus.

Kung negative ang resulta ng iyong test, malamang na trangkaso o seasonal flu ang karamdaman mo. Bagamat mababawasan ang iyong pangamba dahil hindi ito kasing mapanganib tulad ng COVID-19, kailangan mo pa ring magpagaling sa trangkaso.

Mga dapat malaman tungkol sa trangkaso

Tinatawag ang trangkaso sa English na flu, at isa itong nakakahawang sakit ng respiratory system, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Sanhi ang flu ng influenza viruses na nagdudulot ng impeksyon sa ilong, lalamunan, at, kung minsan, ang mga baga (lungs). Maaaring mild ang pagkakasakit ng trangkaso, pero puwede rin daw umabot sa severe case at pagkasawi pa ng pasyente.

Napakaraming uri ng influenza viruses, sabi pa ng CDC. Pero may dalawa lang pangunahing uri ng human flu viruses: ang type A at ang type B. Ang mga ito ang sanhi ng tinatawag na seasonal flu na kadalasang laganap tuwing tag-lamig.

Madaling kumalat ang influenza viruses at magkahawaan ng flu, tulad din ng COVID-19. Naniniwala ang mga eksperto na kumakalat ang mga virus kapag ang pasyente ay umubo, bumahing, o kahit magsalita lang nang walang takip ang kanyang bibig at ilong. Ang droplets mula sa kanyang bibig at ilong ang siya ngayong kakalat sa hangin at papasukin ang kasama ng pasyente sa kuwarto, lalo na kung wala rin itong suot na face mask.

watch now

Isa pang paraan ng pagkalat ng mga virus ay kung ang droplets mula sa bibig at ilong ng pasyente ay dumapo sa mga bagay. Hahawakan ang mga ito ngayon ng ibang tao at hahawakan naman nila ang kanilang ilong at bibig, at pati na mga mata.

Mga sintomas ng trangkaso

Hindi tulad ng sipon (common cold), sabi ng mga eksperto, bigla na lang aatake ang trangkaso. Kalimitang makakaramdam ka ng ilan sa mga ganitong mga sintomas:

  • Lagnat (fever)
  • Panlalamig (chills)
  • Ubo (cough)
  • Pagsakit ng lalamunan (sore throat)
  • Pagbara ng ilong (clogged nose) o di kaya patulo ng sipon (runny nose)
  • Pagsakit ng katawan (muscle o body aches)
  • Pagsakit ng ulo (headache)
  • Pagkahapo (tiredness, fatigue)
  • Pagsusuka (vomiting)
  • Pagtatae (diarrhea)

Paliwanag ng mga eksperto na hindi lahat ng tinatrangkaso ay nagkakalagnat. Ang mga bata naman ang kadalasang nagkakaroon ng diarrhea at vomiting kapag meron silang flu. Kailangan ipatingin ang bata sa doktor, na mainam sa pamamagitan ng telemedicine o e-consultation para hindi na siya lumabas ng bahay, kung may iba pa siya mga sintomas.

Ito ang mga bilin ni Dr. Fatima Gimenez, isang pediatric infectious disease specialist:

  • Kung napakataas ng lagnat ng bata, simula sa 39.4 C (103 F)
  • Kung ayaw kumain o uminom ang bata
  • Kung nagsusuka ang bata
  • Kung nagpapakita ang bata ng dehydration (tuyot na bibig, walang gana, pagiging iyakin)

Ang magandang balita, ayon pa sa mga eksperto, posibleng maiwasan ang trangkaso sa pamamagitan ng pagtanggap ng flu vaccine kada taon. Makakatulong din daw kung iiwas sa mataong lugar kapag panahon ng trangkaso o flu season. Maging maagap din sa mga trangkaso sintomas nang mabigyan ka kaagad ng lunas.

Ligtas ang flu vaccine sa mga bata at buntis, basahin dito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close