Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Likas sa mga bata ang may bukol sa ulo, lalo na iyong mga natututo palang maglakad at nawawalan ng balanse. Parte na yata ng kanilang paglaki ang bagay na ito.
Kapag nagiging toddler, mas lumilikot pa sila kaya hindi talaga naiiwasan na madisgrasya lalo na ang mauntog. Bilang mommy, hindi natin maiwasan ang sobrang pag-aalala, at madalas tayo ay natataranta, sabayan pa ng malakas na iyak ng ating anak.
Bukod dito, hindi rin naiiwasan na magkaroon ang mga bata ng bukol-bukol na may nana o masugatan ang ulo at mamaga ito. Karaniwan ang ganito ay sanhi ng skin infection.
Minsan ko ring naranasan na makapa ang bukol sa may bumbunan ng anak ko. Akala ko ay nauntog siya nang hindi ko alam. Mamula-mula ito at talagang nakaumbok. Napansin ko rin na may butlig na maliliit sa bukol na mukhang kagat ng insekto o langgam.
Sinubukan ko itong lagyan ng cream para sa insect bite at inobserbahan. Nawala rin naman ito kinabukasan. Kaya bukod sa mag-alala, importante ring matiyak natin ang sanhi ng bukol na makakapa natin.
Ang karaniwan nating ginagawa kapag may bukol ang anak ay ang paglalapat ng cold compress para hindi ito masyadong mamaga o umumbok. Pero paano kung nauntog at may sugat? Ano ang dapat gawin?
Mga sintomas ng bukol sa ulo na dapat bantayan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ayon sa WebMD, agad na tumawag ng doktor kapag sa tingin mo ay seryoso ang injury na natamo ng iyong anak, lalo na 'pag may ganitong kasamang sintomas at sitwasyon.
may pananakit sa leeg
patuloy ang pag-iyak
kailangan ng pagtahi sa bukas na sugat
nagsuka ng ilang beses na
hindi umiiyak pero may lumalabas na tubig sa ilong at tenga
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!
You're almost there! Check your inbox.
We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.