Tagalog,cerebral palsy,ask the doctor,greener,Cerebral Palsy | Smart Parenting,cerebral palsy, nervous system, nervous system disorders, children with special needs, parents of children with special needs,Ang cerebral palsy ay isang grupo ng sakit o disorders na apektado ang abilidad na gumalaw at magmintina ng balance at posture.
HealthYour Kid’s Health

Unawa, Hindi Awa: 5 Tips Para Sa Mga Magulang Ng Batang May Cerebral Palsy

Anong puwedeng gawin ng magulang para sa anak na may cerebral palsy?
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Tuwing October 6, ipinagdiriwang ang World Cerebral Palsy Day upang bigyan ng pansin ang mga taong may ganitong karamdaman—na kadalasan ay mga bata—at suporta para sa kanilang mga magulang o tagapangalaga.

Isa si Saab Magalona sa mga nakiisa sa World Cerebral Palsy Day sa pamamagitan ng pagpo-post sa Instagram (basahin dito). Sinabi niya sa kanyang post na hindi dapat kaawaan ang mga pamilyang may miyembrong may special needs.

Imbes na mga komentong "well-meaning," mas kailangan nila ng "kind words" at "support," ayon kay Saab na ang panganay nila ng asawang si Jim Bacarro na si Pancho ay isang special needs child.

May mensahe rin si Saab sa mga kapwa nila cerebral palsy "armies" at "warriors." Aniya, "Fight lang tayo."

Ano ang cerebral palsy?

Cerebral palsy (CP) ang tawag sa grupo ng mga karamdaman, o disorders, na apektado ang abilidad na gumalaw at mapanatili ang balanse at postura ng katawan, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Sanhi ang CP ng "non-progressive brain abnormality." Hindi lumalala ang abnormality na ito, pero maaaring mag-iba-iba ang mga sintomas.

May pinsala sa parte ng utak, o brain, na kumokontrol sa muscle tone ang taong may cerebral palsy. Ang muscle tone ang halaga, o amount, ng resistance ng galaw, o movement, sa muscle. Ibig sabihin, ang muscle tone ang dahilan kung bakit nakakapirmi ang katawan sa isang posisyon o postura.

Kung ang anak mo ay may cerebral palsy, ang muscle tone sa iba-ibang muscle groups sa kanyang katawan ay hindi balanse. Ang nangyayari tuloy, hindi maayos, o hindi fluid ang kanyang mga galaw.

Ang pinsala o di kaya abnormal development sa utak na nagdudulot ng cerebral palsy ay puwedeng mangyayari sa mga ganitong pagkakataon:

watch now
  • Bago ipanganak ang sanggol
  • Habang ipinapanganak ang sanggol
  • Sa loob ng isang buwan pagkapanganak ng sanggol
  • Sa unang mga taon ng bata, kung kailan patuloy na nabubuo ang brain

Kaya payo ng mga eksperto ang ibayong pagi-ingat habang buntis at nanganganak dahil tumataas ang tyansa ng pagkakaroon ng pinsala sa brain ang low birthweight at premature birth. Maging alerto rin sa developmental delay sa bata, lalo na sa motor o di kaya movement milestones, tulad ng:

  • Paggulong (rolling over)
  • Pag-upo
  • Pagtayo
  • Paglakad

Mainam na komunsulta kaagad sa doktor.

Mga uri ng cerebral palsy

Ang klasipikasyon ng CP ay naaayon sa pangunahing uri ng movement disorder. Depende kasi kung saang parte ng utak ang apektado. Maaaring makaranas ng isa o higit pa sa mga movement disorder na ito:

  • Paninigas ng muscle (spasticity)
  • Hindi makontrol na paggalaw (dyskinesia)
  • Hindi maayos na balanse at koordinasyon ng mga galaw (ataxia)

Mayroong apat na pangunahing uri ng cerebral palsy, ayon pa sa CDC.

Spastic cerebral palsy

Ito ang pinakakaraniwang uri ng cerebral palsy. Halos 80% ng mga kaso ng CP ay may ganitong uri. Mas mataas ang kanilang muscle tone. Kaya naninigas ang kanilang mga muscle at saliwa, o awkward ang kanilang mga galaw.

Inilalarawan ang spastic CP base sa apektadong parte ng katawan:

  • Spastic diplegia/diparesis

Nakasentro ang paninigas ng muscles sa mga binti. Puwedeng apektado rin ang mga braso, pero puwede ring hindi. Hirap maglakad ang may spastic diplegia dahil matigas ang balakang at muscles sa binti, kaya nagiging piki.

  • Spastic hemiplegia/hemiparesis

Apekado ang isang gilid, o side, ng katawan. Mas apektado rin ang mga braso kumpara sa mga binti.

  • Spastic quadriplegia/quadriparesis

Ito ang pinakamalala, o severe, na uri ng spastic CP. Apektado nito ang parehong mga braso at binti, pati na ang katawan at mukha. Kadalasang hindi makalakad at may iba pang developmental disabilities. Kabilang dito ang intellectual disability, seizures, o di kaya problema sa paningin, pandinig, at pagsasalita.

Dyskinetic cerebral palsy

Kabilang dito ang athetoid, choreoathetoid, at dystonic cerebral palsies. Problema rito ang pagkontrol sa galaw ng mga kamay, braso, paa, at binti. Kaya hirap umupo at maglakad.

Hindi makontrol ang mga galaw, na kung minsan ay mabagal at nangingisay, pero puwede ring mabilis at paiba-iba ng direksyon. Kung minsan, apektado pati ang mukha at dila, kaya hindi makasipsip, makalulon, at makapagsalita.

Ang muscle tone ng may dyskinetic CP ay pabago-bago ang muscle tone, mula sa pagiging mahigpit hanggang maluwag, kahit sa loob ng isang araw.

Ataxic cerebral palsy

Hatid nito ang problema sa balanse at koordinasyon. Magalaw, o hindi steady, ang paglalakad at pagtaas ng mga kamay, pati na hirap sa pagsusulat.

Mixed cerebral palsy

Kombinasyon ito ng dalawa o higit pang uri ng CP. Pinakakaraniwang halimbawa nito ang spastic-dyskinetic CP.

Tips para sa magulang ng batang may CP

Nagbigay ng mga payo at paalala ang physical therapist na si Precious Salang-Quintos sa panayam niya noon sa Smart Parenting:

1. Maging matatag. Sa iyo huhugot ng lakas, maging pisikal at emosyonal, ang iyong anak.

2. Kumuha ng impormasyon mula sa mga eksperto imbes sa mga sabi-sabi lang.

3. Gumawa ng sariling research at mag-reach out sa mga kapwa magulang na may kapareho kang karanasan sa anak.

4. Sikapin na samahan ang anak sa bawat treatment session at check-up sa doktor.

5. Tratuhin ang anak na hindi naiiba sa kanyang kapatid o kahit sinong bata, pero kilalanin ang kanyang special needs.

Bagamat masasabing maraming sakripisyo ang paga-alaga sa batang may cerebral palsy, ika nga ni Saab Magalona, hindi sila dapat kaawaan.

Basahin dito ang karanasan ng isa nanay sa kanyang anak na may cerebral palsy.

View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close