teeth,Tagalog,greener,con-00370,epekto ng sirang ngipin,Epekto Ng Sirang Ngipin | Smart Parenting,teeth,dentist, epekto ng sirang ngipin, epekto ng sirang ngipin sa bata, masakit ang ngipin, tooth decay,Kahit sanggol pa lang ay puwede nang makaroon ng tooth decay, kaya mahalagang malaman ang epekto ng sirang ngipin.
HealthYour Kid’s Health

Negative Impact Sa Family Life: Isa Lang Sa Epekto Ng Sirang Ngipin Sa Mga Bata

Kahit sanggol pa lamang, maaari nang magka-tooth decay.
PHOTO BYfreepik/tonodiaz

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Mahalaga ang mga ngipin dahil tumutulong ang mga ito upang makapagsalita ang isang tao nang malinaw, at makangiti, pati na makanguya’t makakain nang mabuti. Sa artikulong ito, pagtutunan natin ng pansin ang epekto ng sirang ngipin sa mga bata. Paano kung ang iyong anak ang magkaroon nito?

Bukod sa mga ngipin, kasama rin ang gums o gilagid at ang buong oral-facial system natin sa tinatawag na oral health. Ayon sa World Health Organization (WHO), tinatayang nasa 3.5 bilyon ang mga taong may oral diseases.

Paliwanag naman ng Centers of Disease Prevention and Control (CDC), ilan sa pinakakaraniwang sakit na direktang nakaaapekto sa oral health ang cavities o tooth decay, gum o periodontal disease, at oral cancer.

Sa datos ng CDC, mahigit sa kalahati ng mga batang edad 6 hanggang 8 ang nagkaroon ng cavity sa isa o higit pang baby (primary) teeth nila. Nasa 10% ng mga batang edad 2 hanggang 5 ang may untreated cavities. Mahigit din sa kalahati ng adolescents edad 12 hanggang 19 ang nagkaroon na rin ng cavity sa isa sa kanilang permanenteng mga ngipin.

Ano ang tooth decay?

Ang tooth decay (dental caries, dental cavities) ay karaniwang problema sa ngipin. Bakterya ang sanhi ng pagkasira ng enamel, ang matigas na outer shell ng ating ngipin. Mula sa asukal na kinakain at sa formula o gatas ng sanggol, nagpo-produce ng acids ang bakterya at saka bubuo ng film sa rabaw (surface) ng ngipin. Ito ang tinatawag na plaque.

Ang acids na ito ang nakapipinsala sa enamel. Matapos nito, ang mas malambot na dentin layer sa ilalim ng enamel naman ang sisirain ng acids. Ang pagkasira ng ngipin ang nagdudulot ng tooth decay o cavities.

watch now

Mga sintomas ng tooth decay

Kapag ang iyong anak ay may sirang ngipin, tiyak na nakararamdam siya ng pananakit ng ngipin dahil sa mga butas nito. Nahihirapan din siyang kumain at uminom ng mainit, malamig, at matatamis.

Ang iba pang mga sintomas ng tooth decay ay ang sumusunod:

  • Mabahong hininga
  • Nangingitim o kulay lupa na patse sa ngipin
  • Mayroong pangit na lasa sa bibig
  • Hirap makatulog dahil sa pananakit ng ngipin

Kailan dapat dalhin ang bata sa dentista?

May mga magulang na hindi pa sigurado kung puwede nang dalhin sa dentista ang mga anak o kung puwede nang mag-floss ang mga ito.

Paliwanag ng Kids Health, ang mabuting pangangalaga sa ngipin ay dapat na magsimula bago pa tumubo ang unang ngipin ng iyong anak.  Nagsisimulang mabuo ang ngipin sa ikalawang trimester ng pagbubuntis. Sa oras na isilang ang baby, karaniwang nasa 20 ngipin na ang mayroon siya at ang ilan ay fully developed sa panga o jaw.

Paano maiingatan ang ngipin ng anak?

Narito ang payo ng mga eksperto:

1. Gumamit ng malinis at mamasa-masang bimpo o washcloth sa gilagid upang matanggal ang mga bakterya.

2. Simulan sa paggamit ng infant toothbrush at tubig at kaunting fluoride toothpaste muna ang gamitin.

3. Kapag dalawa sa kanyang mga ngipin ay magkadikit na, maaari nang simulan ang flossing.

4. Dapat na kaunting fluoride toothpaste lamang ang ipagamit sa mga batang edad 3 pataas

5. Samahan ang iyong anak habang nagsisipilyo kung siya ay wala pang 8 taong gulang, upang maiwasang malunok nila ang kanilang toothpaste

Lunas sa sirang ngipin

Antibiotics ang inirereseta ng doktor kapag masakit ang ngipin. Agad na magpa-check up sa dentista kung kasama sa epekto ng sirang ngipin ang pamamaga o nana sa paligid ng ngipin, o kung ang iyong anak ay may lagnat.

Ilan sa mga inirerekomenda ng dentista ang sumusunod:

  • Dental fillings, o tinatawag ng mga Pinoy na pasta sa ngipin
  • Crowns
  • Root canal

Paliwanag ng Johns Hopkins Medicine, ang lahat ng mga bata ay may bakterya sa kanilang bibig. Lahat ay at risk na magkaroon ng tooth decay.

Ang sumusunod ang mayroong high risk dito:

  • Pagkakaroon ng high levels ng bacteria na nagdudulot ng cavities
  • Diet na mataas sa asukal at starch
  • Water supply na limitado o walang fluoride
  • Poor oral hygiene
  • Kaunti kaysa normal ang laway sa bibig

Dagdag din ng CDC, mas mataas din ang risk kung ang iyong anak ay may special health care needs, nagsusuot ng braces, orthodontics, o oral appliances, at/o may mga kapamilyang mayroon ding cavities.

Paano maiiwasan ang sirang ngipin?

Kung sanggol pa ang iyong anak, iwasang makatulog siya nang naiiwan ang kanyang botelya sa kanyang bibig. Maaari kasi itong mauwi sa bottle mouth o baby bottle tooth decay. Nagiging discolored ang ngipin ng baby at maaari pang magkaroon ng cavities. Para sa mga eksperto, mainam nang magpa-check up ang mga bata sa dentista matapos ang kanilang unang kaarawan.

Sanayin din ang iyong anak sa pagsisipilyo nang dalawang beses araw-araw gamit ang fluoride toothpaste. Turuan din siyang mag-floss upang matanggal ang mga piraso ng pagkain sa gitna ng kanyang mga ngipin. Mahalagang sapat ang fluoride upang mas tumibay ang enamel at mahirapang makapasok ang acids.

Sa ibang mga bansa, requirement na may fluoride ang kanilang tap water. Hindi sapat ang paggamit ng toothpaste na may fluoride upang maprotektahan ang ngipin ng iyong anak. Pinakamainam ang pagkakaroon ng regular na iskedyul ng pagbisita sa dentista.

Higit na mapananatiling malinis ang ngipin kung tatanggalin ng dentista ang plaque sa kanyang ngipin. Makinig din sa payo ng dentista tungkol sa proper brushing techniques.

Community water fluoridation at school dental sealant programs ang sinasabing cost-saving at maaasahang estratehiya upang maiwasan ang cavities.

Makatutulong din ang paglimita sa mga pagkaing nakasisira ng ngipin, katulad ng sumusunod:

  • Sugary foods
  • Juices
  • Candy (lalo na ang sticky gummy candy, gummy vitamins, or fruit leather or "roll-ups")
  • Sweetened liquid medicines

Sikaping makapagmumog din sila o makapagsipilyo agad matapos kumain o uminom ng matatamis.

Mga problema sa oral health

Bukod sa sirang ngipin, may iba pang problema sa oral health ay ang sumusunod:

  • Gum disease
  • Enamel erosion
  • Dry mouth
  • Sensitibong ngipin o pangingilo
  • Chipped tooth

Isa pa sa karaniwang nararanasan ng mga bata ang cracked o broken teeth.

Narito ang mga sanhi nito:

  • Injury
  • Pagnguya ng matitigas na pagkain
  • Grinding of teeth
  • Receding gums
  • Root infection

Napakasakit kapag nabasag ang ngipin o nagkaroon ito ng crack. Kailangang agad itong ipasuri sa dentista upang mabigyan ng angkop na lunas. Maaaring veneer, crown, o tooth-colored filling ang irekomenda.

Epekto ng sirang ngipin sa mga bata

Mayroong clinical report na nagsasabing bukod sa mga sintomas na dulot ng sirang ngipin sa mga bata, mayroon din itong significant negative impact sa family life. Kasama rito ang nararamdamang stress at guilt ng mga magulang kapag nasisira ang ngipin ng anak, interruption sa normal family activities, sleep disturbance at missing working days.

Nakasaad din sa resulta ng pag-aaral ang pangangailangan para sa health-promoting policies ukol sa mga pagbabago ng food environment at eating habits ng mga bata katulad ng pagkakaroon ng caries preventive programs sa mga eskuwelahan.

Ang mga batang may sirang ngipin ay kadalasan ding mas mabababa ang mga markang nakukuha kaysa sa mga batang malusog ang mga ngipin.

Paalala ng mga eksperto na kailangang mula sa panahon ng pagbubuntis ay nagsasaliksik na tungkol sa oral health upang habambuhay ay mayroong maayos na ngipin at dental health ang iyong anak. Malaking tulong din kung magulang mismo ang magpapakita sa anak kung paano alagaan ang sariling mga ngipin.

Mga posibleng komplikasyon ng sirang ngipin

Kapag hindi nabigyan ng lunas ang epekto ng sirang ngipin sa loob ng matagal na panahon, maaaring mawala ang malaking bahagi nito at mangailangan ng extraction.

Ang advanced tooth decay ay maaaring magdulot ng malalang impeksyon sa loob ng ngipin at sa ilalim ng gilagid (tooth abscess). Maaaring kumalat sa buong katawan ang impeksyon na ito, ngunit hindi naman ito karaniwang nakamamatay.

Kailan dapat komunsulta sa doktor?

Posible ring hindi nararamdaman ng iyong anak na may nabubuong cavity sa kanyang ngipin kaya mahalagang may regular dental check-ups at cleanings upang maiwasan at maagapan ang mga ito.

Agad na magpatingin sa dentista kung may pananakit ng ngipin o sa alinmang bahagi ng kanyang bibig nang maagapan ang epekto ng sirang ngipin.

Basahin dito ang 5 first aid options sa sakit ng ngipin ng bata.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close