embed embed2
  • Bawal Bumili Ng Soft Drinks Ang Mga Bata Sa Mexico Bilang Pag-Iingat Laban Sa Diabetes

    May mga hakbang sa iba pang bansa para mapigilan ang mataas na pagkonsumo ng sugary drinks.
    by Jocelyn Valle .
Bawal Bumili Ng Soft Drinks Ang Mga Bata Sa Mexico Bilang Pag-Iingat Laban Sa Diabetes
PHOTO BY Shutterstock
  • Ang Singapore at Mexico ang mga unang bansa na gumawa ng hakbang upang maprotektahan ang mga kabataan sa epekto sa katawan ng softdrinks at iba pang matatamis na inumin.

    Maraming paga-aral na kasi ang nagpapatunay na malaki ang kinalaman ng high sugar content sa pagkakaroon ng mga sakit tulad ng diabetes. Sa isang typical can ng soda, ayon sa Harvard School of Public Health, mayroon itong mula 7 hanggang 10 na kutsaritang asukal.

    Kaya panahon na raw para mapigilan ang tumataas na pagkonsumo ng soft drinks, lalo na ng mga bata, upang mapangalagaan ang kalusugan ng susunod pang henerasyon.

    Mula sa sugary drinks ang mataas na konsumo sa asukal

    Nabalita noong October 2019 na ipagbabawal na sa Singapore ang patalastas o advertisements para sa mga binibentang inumin na may high sugar content. Pagkaraan ng limang buwan, March 2021, inanunsiyo naman sa Lion City ang bagong grading system base sa dami ng asukal na tanglay ng mga produkto.

    Iyong nasa Grade D (soft drinks, energy drinks, 100% juices, juice drinks, high-fat 3-in-1s) ay hindi na papayagan na magpalabas ng advertisement sa ano mang media platform bago matapos ang kasalukuyang taon.

    Paliwanag ng Senior Minister of State for Health na si Edwin Tong: “Although we have made progress in encouraging Singaporeans to exercise more and eat healthier, our daily sugar intake remains high. In particular, beverages contribute more than half of our sugar intake.”

    Tinaguriang 'bottled poison' ang soft drinks

    Sa southern Mexican state na Oaxaca, naipasa noong August 2020 ang batas na nagbabawal sa pagbebenta ng sugary drinks at high-calorie snacks sa mga bata. “Timely” daw ito, ayon sa mambabatas na naghanin ng panukala isang taon na ang nakakaraan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lubha kasing apektado ang Mexico ng COVID-19 pandemic, at naniniwala ang mga opisyales ng bansa na malaki ang kinalaman ng “unhealthy habits” kaya pahirapan ang pagpigil sa pagkalat ng nakahahawang sakit.

    “Bottled poison” nga raw ang soft drinks, sabi ng punong tagapangasiwa ng kanilang laban kontra sa COVID-19 na si Hugo Lopez-Gatell.

    Ayon sa The Guardian, sinisisi ni Lopez-Gatell ang pagkawili nilang mga mamamayan sa pag-inom ng soft drinks sa death toll na umabot na sa 40,000, pati na sa paglaganap ng diabetes, obesity, at hypertension. Kinikilala ang mga sakit na iyon bilang COVID-19 comorbidities.

    Mas maraming overweight at undernourished na mga bata

    Maging sa United States, kung saan nakabase ang mga malalaking kumpanyang gumagawa ng soft drinks, may mga grupong nagsusulong ng mga adhikaing mabawasan ang pag-inom nito ng mga kabataan.

    Hinihikayat, halimbawa, ng North Carolina School Nutrition Action Committee ang mga magulang, eskuwelahan, at komunidad na magtulong-tulong sa kanilang layunin. Masama raw talaga ang epekto sa katawan ng soft drinks.

    Paliwanag ng concerned group sa kanilang publication na malaki ang nawawala sa nutrisyon ng mga bata sa pag-inom ng soft drinks kaysa sa gatas. Tinatayang 36% lang ng batang lalaki at 14% ng mga batang babae ang nakakakuha ng sapat na calcium.

    Dagdag pa nila na kapag mataas ang konsumo ng soft drinks ng mga bata, mababa naman ang nakukuhang magnesium, vitamin A, vitamin C, at riboflavin ng katawan. Bukod sa pagiging undernourished, dumadami pa raw ang nagiging overweight na mga bata.

    Health risks dulot ng soft drinks

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Babala ng mga eksperto, may iba pang health risks na dulot ang madalas at madaming pag-inom ng soft drinks. Nariyan daw ang mabilis na pagkasira ng ngipin lalo sa mga bata. Ang taglay kasi nitong acids ay bumubutas ng tooth enamel.

    Isa pa ang "adrenal exhaustion" na hatid naman ng caffeine na taglay ng soft drinks. Ang nangyayari raw kasi nagugulo ang "normal balance sa neurochemistry in the developing brains of children."

    Kapansin-pansin din daw ang pagiging maselan ng tiyan ng mga batang mahilig uminom ng soda. Ang hatid kasi nitong acids ay tinatalo ang alkaline kaya nawawala ang balanse sa kondisyon ng tiyan. Patunay na sadyang malawak ang epekto sa katawan ng soft drinks.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles