Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Japanese Encephalitis: 8 Mahalagang Bagay na Dapat Malaman ng mga Magulang
PHOTO BY Pixabay
  • Bukod sa dengue, kailangan na mag-ingat din sa isa pang virus na makukuha rin sa kagat ng lamok: Japanese encephalitis (JE). Kasama ang bakuna na JE sa immunization schedule ng isang sanggol na inilatag ng Philippine Pediatric Society (PPS) and the Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines.

    Karaniwang nasa edad na 5 hanggang 9 na taon ang dinadapuan ng virus na ito. Ayon sa mga eksperto itinuturing nang endemic sa Pilipinas ang sakit na ito. Napakadelikado ng JE sa isang bata kaya naman ang gobyerno ay may kampanya sa kasalukuyan ukol dito.

    More from Smart Parenting

    Narito ang 8 mahahalagang bagay na dapat malaman sa Japanese encephalitis

    1. Ang Japanese encephalitis virus ay bitbit ng lamok na Culex tritaeniorhynchus species.

    Karaniwan na natatagpuan ang ganitong uri ng lamok sa mga rural na area kaya ang mga naninirahan sa mga lugar na ito ang may mataas na tendesiya na makakuha nito. (Ang kampanya ng Department of Health laban sa JE nitong 2019 ay unang ginanap sa Cordillera at Regions 1, 2 and 3.) Nangangat ang lamok na ito tuwing gabi. Napapalawak at napapanatili naman ang virus nito sa mga ibon, manok, baboy, at iba pang hayop na naninirahan malapit sa mga bukirin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Halos pareho sa dengue ang sintomas ng JE.

    Ang tao na nakagat ng lamok na may dala ng virus na ito ay makadarama ng sintomas na mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit ng tiyan, pangingisay o seizures, pamamaga ng utak, pagsusuka, panghihina at pananakit ng mga kalamnan.

    Pinakamalalang nito ang pasyente ay maaaring ma-coma at maging sanhi ng kamatayan. Karaniwang lumalabas ang mga sintomas sa isang tao lima hanggang 15 araw matapos makagat ng lamok na may dalang virus nito.

    More from Smart Parenting

    3. Pabakunahan ang mga batang may edad na 9 na buwan hanggang 17 taon.

    Iminumungkahi ng PPS ang mga ganitong edad ang bakunahan dahil sa mga pag-aaral at mga naitalang kaso karaniwang nasa mga ganitong edad ang tinatamaan ng nasabing virus. Ayon pa sa mga doktor, kailangan lamang ang primary dose at sundan ito ng booster dose pagkaraan ng isa o dalawang taon. Samantala, ang mga nasa edad 18 pataas naman ay kailangan lamang ng isang dose nito. Hindi naman ito ipinapayo sa mga buntis gaya ng ibang bakuna.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4. Magpabakuna lamang sa mga pediatricians.

    Mahigpit ding paalala ng DOH lalo na ng FDA na huwag bibili sa online o sa mga hindi authorized distributor ng vaccine na ito. Ang kompanya ng Sanofi ang tanging distributor nito sa Pilipinas at pediatrician lamang ang dapat magbigay. (Noong 2018, nasa halagang mga Php3,000 ang presyo ng bakuna). Sinisikap ng DOH na maging available ang bakunang ito sa mga barangay health centers sa hinharap.

    5. May dalawang linggo matapos ang bakuna saka makatitiyak na protektado sa JE virus.

    Nangangailangan ng sapat na panahon upang mag-develop ng mga antibodies sa ating katawan. Ayon kay Dr. Salvacion Gatchalian, vice president ng Philippine Pediatric Society, aabutin ng dalawang linggo para magkaroon ng proteksyon sa virus na ito matapos na magpabakuna. Dagdag pa niya, batay sa ilang pag-aaral na rin, na pagkaraan ng isang buwang pagpapabakuna tuluyan nang mataas ang iyong proteksyon sa virus.

    More from Smart Parenting

    6. Walang gamot sa JE maliban sa bakuna.

    Dahil walang gamot sa sakit na ito, ang tanging magagawa lamang ay magkaroon ng proteksyon sa pamamagitan ng pagpapabakuna. Sa mga dinadapuan naman ng virus na ito, binibigyan lamang ng pantulong na lunas sa mga sintomas o sakit na kanilang dinaranas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    7. Nagkakaroon ng epekto sa kalusugan ng taong gumagaling sa JE.

    Nakararanas ng problemang pangkalusugan ang mga taong nakaligtas sa sakit na ito. Kadalasan na nagbabago ang  kanilang pag-uugali (behavioral). Karaniwan ding nagkakaroon sila ng long term neurologic, psychiatric, o cognitive problems. Kaya kasama sa paggagamot ang pagbibigay ng suporta sa mga sintomas na ito.

    8. Gumamit ng insect repellent kung lalabas.

    Gumamit ng mga epektibong insect repellent upang matiyak na protektado sa kagat ng lamok. Makatutulong din ang pagsusuot ng mga damit na may mahahabang manggas at pantalon. Siyempre, mahalaga ang pagtitiyak na malinis ang ating paligid. Ugaliin ang 4 o’clock habit na adbokasiya ng DOH. Iwasan din ang pagpunta sa mga rural na lugar kapag pagabi na hanggang bago mag-umaga o sa mga oras na aktibo ang lamok na ito ng pangangagat.

    Higit nating pakatandaan ang kasabihang “prevention is better than cure.” Kaya mas mabuting pabakunahan na ang ating mga anak bago pa mahuli ang lahat. Mahalagang may panlaban tayo sa anumang sakit o komplikasyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga impormasyon na nakasaad dito ay nanggaling sa sumusunod: 

    What You Need to Know About the Japanese Encephalitis Vaccine

    Japanese Encephalitis: Doctors Discuss Vaccine Shortage and Price

    Don't Buy Japanese Encephalitis Vaccine Online, FDA Warns

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles