embed embed2
Kapag Constipated Ang Bata, Ito Ang Payo Ng Mommies
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Isa sa mga kadalasang dinadaing ng mga bata ang sakit sa tiyan, kasama na diyan ang hirap sa pagdumi. Kaya maraming magulang ang nagtatanong kung ano ba ang gamot sa constipation para sa kanilang mga anak.

    Sabi ng isang mommy sa Parent Chat online community ng SmartParenting.com.ph: "How do you treat chronic constipation sa kids? My son is 3 years old. It started 4-5 months ago. 2x a week lang sya magpoo-poo with the help of suppositories. My suspect is the milk. We changed his milk when he turned 3. Any other possible causes?"

    Mga dapat malaman tungkol sa constipation sa bata

    Nag-iiba ang bowel pattern sa bawat bata, ayon sa mga eksperto ng Healthy Children. Maraming mga bata ang dumudumi mula isa hanggang dalawa kada araw, pero meron din naman sa kanila ang dumudumi kada dalawa o tatlong araw. Wala raw problema kung malusog naman ang bata at normal ang kanyang pagdumi.

    Ang problema lang kapag ang dumi (stool) ng bata ay tuyot at matigas habang nahihirapan at nasasaktan siyang dumumi. Pero kadalasang temporary lang daw ito at nareremedyuhan naman.

    Mga kadalasang sanhi ng constipation

    May ilang posibleng dahilan kung bakit hirap ang bata sa pagdumi, ayon naman sa American Academy of Pediatrics (AAP). Kabilang diyan ang:

    Diet

    Maaaring kulang sa fiber ang kinakain ng bata o kulang siya sa iniinom na tubig kaya hirap siyang makadumi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Illness

    Kapag may sakit ang bata, malimit nawawalan siya ng ganang kumain. Kaya nagugulo rin ang kanyang sistema at hirap siya makadumi. Isa pang dahilan ang gamot na iniinom na may hatid na side effect sa pamamagitan ng constipation. Puwede ring sintomas ang constipation ng sakit, gaya ng hypothyroidism.

    Withholding

    Kapag pinipigilan ng bata ang pagdumi, lalo siyang nahihirapang dumumi. Kaya mainam daw na alamin kung bakit nagpipigil ang anak sa pagdumi. Baka raw masyado siyang nasasaktan o di kaya ayaw niya lang matigil sa paglalaro. Posible ring may issue ang bata sa independence at control, lalo na kung nasa edad dalawa hanggang lima.

    Other changes

    Posibleng apektado ang bata sa mga pagbabago sa kanyang routine kaya nahihirapan siyang dumumi. Kung bumibiyahe kayo, halimbawa, o di kaya sobrang init ng panahon. Isa pa kapag dumadanas ang bata sa isang stressful na sitwasyon at hindi relaxed pati ang kanyang sistema.

    Mga sintomas ng constipation

    Bukod sa paghirap dumumi, may ilang palatandaan na may constipation ang bata. Ilan sa mga iyan, ayon sa Mayo Clinic, ang:

    • Hindi umaabot sa tatlong beses ang pagdumi sa isang linggo
    • Pananakit ng tiyan
    • May liquid o pasty stool sa underwear ng bata
    • May kasamang dugo ang matigas na dumi

    Mga puwedeng gawin bilang gamot sa constipation

    Payo ng mga eksperto sa mga magulang na kausapin ang doktor ng anak para mabigyan ng gamot na pampalambot ng dumi. Pero mahigpit nilang bilin na huwag bigyan ang bata ng laxative o enema upang mapadali at mapabilis ang kanyang pagdumi. Tandaan daw na may mas tamang paraan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Unang-una raw gawin mong gawin ay ayusin ang diet ng anak. Dagdagan ang fiber sa kanyang pagkain at dalasan ang pagbibigay ng tubig.

    Sang-ayon naman ang mga mommy sa Parent Chat. Kuwento ng isang miyembro na may anak na hirap ding dumumi, tinaasan niya ang water intake ng bata at pinapakain ng prutas tulad ng grapes. Pero wala daw balat dahil iyon ang gusto ng kanyang anak. Pinapakain din daw niya ng raisins at pinapainom ng prune juice na may halong softdrinks bilang gamot sa constipation.

    Sabi naman ng isa pang mommy, oatmeal ang nakatulong sa kanyang anak na makadumi nang maayos. Iyon daw ang pinakakain niya sa bata araw-araw simula one year old ito at effective naman daw. Suhestiyon ng kapwa niya nanay ang herbal drink na dalandan ang flavor at may sangkap na malunggay powder kasama ng dahon ng sili, saluyot, kulitis, at talbos ng kamote.

    Kung hindi umubra ang fiber, juice, at tubig bilang gamot sa constipation, payo ng isa pang mommy na ipatingin na talaga ang bata. Iyon daw kasi ang ginawa niya sa kanyang anak kaya nalaman nilang may problema pala ang bata sa intestines.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles