-
Ang Kati, Nanay! Ang Eczema ay Isa Sa Mga Kinakatakutan Pagdating sa Sakit sa Balat
Hanggang sa kasalukuyan wala pa ring natutukoy na gamot sa eczema.by Dinalene Castañar-Babac . Published Mar 11, 2019
- Shares
- Comments

Talaga namang nakakaawa ang ating baby kapag nagkakasakit. Hindi madali para sa mga mommy kapag nasa ganitong sitwasyon ang kanilang baby. At pagdating sa sakit sa balat, tila hindi mo mawari kung ano ang dapat gawin matigil lamang sa pagkakamot si baby. Kaya naman takot tayo sa eczema na karaniwang lumalabas o nararanasan ng mga baby sa anumang edad.
Sanhi ng eczema
Ang eczema o atopic dermatitis ay isang uri ng kondisyon sa balat na nagdudulot ng pamumula, pangangati, panunuyo o pagbabalat, at pangangapal ng balat. Palaging tanong ay kung bakit ito nararanasan ng ating anak. Madalas pa na lumalabas ito sa kanila simula ng pagkapanganak. Sa katunayan, patuloy ang pag-aaral ng mga eksperto upang malaman ang eksaktong sanhi ng sakit na ito. Ayon pa sa kanila, maraming bagay ang sanhi ng eczema.
Bukod sa mga bagay na nasa paligid, maaari din kasi itong namana sa magulang. Kaya mahalaga na matukoy ang dahilan ng pagkakaroon ng kanilang mga anak nito upang malaman kung paano ito gagamutin.
Malaki ang posibilidad na magkaroon nito kung may family history ng ganitong sakit. Maaaring depende ito sa genes nang kawalan ng kakayahan ng balat na magbigay ng proteksyon laban sa mga allergies o pagiging sensitibo ng balat kaya madaling maapektuhan ng mga bagay sa paligid na nakapagpapairita nito.
What other parents are reading
Gamot sa eczema
Itinuturing na chronic ang ganitong sakit sa balat dahil maaari itong mawala at bumalik muli o hindi na mawala pa. Puwede ring may kasabay ito ng asthma o allergies, pagluluha, pagbahing (hay fever) na sanhi ng alikabok o kaya pollutants.
Hanggang sa kasalukuyan wala pa ring natutukoy na gamot sa eczema kundi ang paglalapat ng lunas lamang para sa pangangati at pagbibigay ng proteksyon upang maiwasan ang paglala nito. Narito ang ilang payo upang maiwasan ito o bahagyang malunasan:
1. Gumamit ng mga gentle soap.
Piliin ang mga sabon na mild lamang. Ang matatapang na sabon ay nakapagpapawala ng natural na oil at nakapagpapa-dry ng ating skin.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW2. Magpatuyong mabuti matapos maligo.
Tiyakin na napupunasang mabuti ang katawan gamit ang malambot na tuwalya. Dahan-dahan lamang na dampi sa pagpunas at hindi tipong kinukuskos nang sobra ang balat. Pagkatapos, mag-aplay agad ng moisturizer dahil ayon sa mga pag-aaral mas nararapat daw ang paglalagay habang medyo mamasa-masa pa ang balat mula sa pagligo.
What other parents are reading
3. Maligo o mag-shower nang mabilis lamang.
Ipinapayo ng mga eksperto na limitahan o bawasan ang dalas ng pagligo dahil ang labis na pag-exposure ng balat sa tubig at sabon ay nakakapagpa-dry ng skin. Kung maaari din na tatagal lamang ng 10-15 minuto kada pagligo. Mas makabubuti rin ang maligagam sa hailp na mainit na tubig upang mapanitili ang natural oil ng ating balat.
4. Bawasan na ma-expose sa mga bagay na magpapalala ng kondisyon.
Gaya ng labis na pagpapawis, matatapang na sabon sa katawan, fabric conditioner at detergents sa damit. Alamin din ang mga pagkain na maaaring nagiging sanhi ng pagkakaroong allergies. Pumili rin ng damit na susuutin, mas makabubuti iyong cotton na tela.
CONTINUE READING BELOWwatch now5. Ugaliing gumamit ng mga lotion o moisturizer
Maglagay dalawang beses sa isang araw ng mga moisturizer gaya ng medical cream, lotion o ointments. Maaaring gawing maintenance ito kahit walang mga pantal. Piliin lamang iyong mas hiyang ang iyong baby o epektibo sa kaniyang balat. Ang pag-aaplay din ng petroleum jelly sa balat ni baby ay maaaring makatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng atopic dermatitis.
What other parents are reading
Ang komplikasyon na maaaring maidulot ng eczema ay labis na pangangati at pagdami ng pantal sa balat. Nagsisimula lamang sa pagkamot ng isang maliit na bahagi na mas lalong nagpapala ng sitwasyon ng balat. Kapag naging labis din ang pagkakamot, maaaring magsugat ang balat at magkaroon ng tendensiya ng impeksyon sa balat sanhi ng bakteriya at virus. Dagdag pa rito ang suliranin sa pagtulog. Nahihirapan na makatulog nang maayos dahil sa nararamdamang pangangati.
Maaaring tumagal ang gamutan ng eczema depende sa sitwasyon. Kailangan lamang maging matiyaga lalo na sa paghahanap ng nararapat o aakmang lunas para kay baby. Huwag bigyan si baby ng antibiotics hangga't hindi ito prescription ng doktor. Ang pagbibigay ng antibiotics at steroids ang pinakahuling opsyon sa mga doktor kapag malala na talaga ang eczema sapagkat nangangailangan ito ng tama at wastong paggamit. Mahalaga rin ang pagsunod nang mabuti sa ibinigay na tagabulin ng doktor.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKapag ang baby ay na-diagnose ng eczema, maaaring dalhin na niya ito hanggang pagtanda. Ngunit, hindi naman ibig sabihing permanente na ang pangangati ng kaniyang balat, ang mahalaga pa rin ang tamang pangangalaga nito. Tandaan lamang ang patuloy na paggamit ng mga moisturizers at gawin ang mga bagay na makatutulong kay baby para maiwasang magkaroon siya ng anumang rashes o allergies. Sumangguni rin agad sa inyong pediatrician upang makahingi ng advice tungkol dito.
Ang mga impormasyon na nakalahad dito ay nanggaling sa:
Eczema Quick Guide: What You Need to Know From Diagnosis to Treatment
Try the "Soak and Smear" Technique to Ease Eczema, Says Research
What other parents are reading

- Shares
- Comments