embed embed2
Naghahanap Ng Gamot Sa Sakit Ng Tenga? Alamin Muna Kung Primary Ba O Secondary Ear Pain
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang mga maliliit na bata, kumpara sa older children at adults, ang madalas na sumakit ang tenga o earache (ear pain), ayon sa Cleveland Clinic. Maaaring may pinasok silang matulis na bagay sa kanilang tenga o di kaya kusang pumasok ang kulisap sa tenga. Puwede ring mali ang paglilinis ng tenga o di kaya sadyang may ibang sakit ang bata.

    Kaya bilin ni Dr. Dwight Alejo, isang espesyalista sa ear, nose, throat (ENT), na patignan ang anak nang mabigyan ng tamang diagnosis at gamot sa sakit ng tenga.

    Aniya sa panayam ng Smart Parenting, "Ang daming puwedeng reason kung bakit may ear pain. Hindi natin alam kung infection siya, or ear wax. So if you do one thing, and you judge na accordingly, ’tapos mali pala ang judgment, there you go. Maga-add ka ng more problem."

    Mga uri ng sakit ng tenga

    Totoong maraming dahilan para sumakit ang tenga, sabi ng mga eksperto. Nahahati ang mga uri ng sakit sa tenga sa dalawang katergorya.

    Primary ear pain

    Pag sinabing primary ear pain, nanggagaling ang sakit sa tenga mismo. Ang ear infection, halimbawa, ay nagdudulot ng primary ear pain. Lumalala ito sa paglipas ng panahon kapag hindi nagamot. Tinatayang 80 percent ng mga bata ay nagkakaroon ng ear infection bago tumungtong ng 3 years old.

    Mga halimbawa:

    Foreign objects—Mga bagay na nailalagay ng mga maliliit na bata sa kanilang tenga dahil curious lang sila. Nagkakaroon tuloy ng bara kaya kumikirot at hirap makarinig.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Eustachian tube dysfunction—Ang Eustachian tube ay ang makipot na daan na kumukonekta sa lalamunan at gitnang parte ng tenga (middle ear). Kapag may problema sa dito, nakakaramdam ng kirot at pakiramdam na umaapaw sa tenga. Meron ding naririnig na tunog (ringing in the ear), na tinatawag na tinnitus.

    Swimmers ear (otitis externa)—Isa itong infection na nangyayari sa ear canal, o ang lagusan mula sa labas ng tenga (outer ear) hanggang sa eardrum. Kapag may tubig na nakulong sa ear canal, maaaring tubuan ito ng bacteria at magdulot ng kirot.

    Otitis media (middle ear infection)—Ang mga infection na nangyayari sa gitnang parte ng tenga (middle ear) ay kadalasang nangyayari sa mga bata kapag meron silang upper respiratory infections (sipon o common cold, sore throat, sinusitus). May pagbabara kasi sa bahaging upper respiratory, at damay ang Eustachian tube. Mahahalata mo ito kapag panay ang hila o kalikot ng  maliit na bata sa kanyang tenga.

    Otitis interna (inner ear infection)—Ilan sa mga sintomas nito ang pagkahilo, pagkabingi, pagsusuka, at mabilis na paggalaw ng mga mata (rapid involuntary eye movement).

    Barotrauma—Sanhi ito ng bigla at magkasalungat na pagbabago ng pressure sa kapaligiran. Nangyayari ito kapag nakasakay sa eroplano o di kaya sa scuba diving. Maaaring magdulot ang barotrauma ng pagkabasag ng eardrums.

    Secondary ear pain

    Sinasabing secondary ear pain kung hindi sa tenga ang problema bagkus sa ibang sakit. Kumbaga, nadadamay lang ang tenga dahil malapit ito sa talagang ugat ng problem at nagsasalo sa parehong nerves sa brain. Kaya tinatawag din itong referred pain.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mga halimbawa:

    Sore throats (pharyngitis) o di kaya tonsillitis—Kapag grabe ang namamaga ng lalamunan, maaaring madamay ang tenga dahil konektado sila ng Eustachian tube.

    Dental problems—Kapag bulok na ang ngipin at may nana pa, mamamaga ito at puwedeng madamay ang tenga.

    Gastroesophageal reflux disease (GERD)—Kapag umakyat ang stomach acid sa esophagus dahil sa acid reflux, na sintomas ng GERD, maaaring umabot ang pagkirot hanggang tenga.

    Temporomandibular joint syndrome (TMJ)—Kapag may problema sa panga, tulad ng TMJ, nagiging mahirap ang pagbuka ng bibig at pagnguya. Puwede itong lumala at umabot ang kirot sa tenga.

    Gamot sa sakit ng tenga

    Bilin ni Dr. Alejo na ipatingin ang anak sa doktor kung hindi tumitigil ang pananakit ng kanyang tenga o pabalik-balik ito. Makukumpirma ng doktor ang suspetsa mong may naipasok o naitusok sa tenga kaya sumasakit ang tenga ng bata, at magagawan ito ng solusyon.

    Malalaman din ng doktor kung tutuli o earwax ang problema. Madali niya itong mabibigyan ng lunas. Papatakan niya ng hydrogen peroxide ang loob ng tenga para lumabot (kung matigas) at lumuwag ang kapit ng earwax nang matanggal ito. Ituturo rin ng doktor ang tamang paglilinis ng tenga nang hindi gumagamit ng cotton buds.

    Kung may infection at iba pang primary ear pain, magrereseta ang doktor ng gamot at instructions ng paggamit nito. Kung secondary ear pain naman, magsasabi siya na komunsulta sa tamang espesyalista.

    Mainam ding tanungin ang doktor kung kailangang gumamit ng anak ng earplugs sa swimming, ayon sa Kids Health. Dagdag pang pag-iwas sa infection ang hindi pagbibigay sa batang dumedede sa bote ng gatas kapag nakahiga ito. Malaking tulong ang ganitong mga hakbang maiwasan ang ear pain at hindi na maghanap pa ng gamot sa sakit sa tenga.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles