Updated on January 22, 2024
Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Isa ang pananakit sa tiyan sa mga kadalasang dinadaing ng mga bata. Bagamat kadalasang lumilipas din ito, hindi naman madaling tiisin ang kirot. Kaya mainam na alamin ng magulang ang mga paraan bilang gamot sa sakit sa tiyan nang matulungan na guminhawa ang pakiramdam ng anak.
“Stomach pain is a common complaint ng maraming mga kids," lahad ni Dr. Caroline Anne Castro, isang pediatric gastroenterologist, sa panayam niya noon sa Smart Parenting.
"Most of the causes of stomach pain are benign, meaning mild lang siya. So, usually hindi siya delikado. They’re also self-limiting, meaning short-term lang and they go away on their own.”
Pero dagdag ni Dr. Castro, may mga pagkakataong hindi lang pananakit ng tiyan ang nararamdaman ng bata. Maaari raw may mas seryosong dahilan ang kanyang kondisyon. Kaya kailangang mas maging alerto ang magulang sa iba pang sintomas.
Dapat gawin kapag masakit ang tiyan ng bata
May ilang hakbang na rekomendado ang mga eksperto para matulungan ng magulang ang anak na maibsan ang masamang pakiramdam at bilang paunang gamot sa sakit sa tiyan.
Alamin ang uri ng kirot
Payo ng Medline Plus, ang information resource ng United States National Library of Medicine, na tanungin ang anak kung anong klaseng sakit sa tiyan o abdominal pain ang kanyang nararamdaman. Mga halimbawa:
Generalized pain—kung damay ang higit sa kalahati ng tiyan. Maaaring dulot ito ng:
- Stomach virus
- Indigestion
- Gas
- Constipation
Cramp-like pain—kung humihilab ang tiyan. Kadalasang kasunod nito ang diarrhea at karaniwang hindi naman seryosong kondisyon.
Colicky pain—kung may pakiramdam na umaalon sa tiyan. Karaniwang nagsisimula at nagtatapos ito nang biglaan. Malaki ang posibilidad ang seryoso ang kondisyong ito.
Localized pain—kung isang parte lang ng tiyan ang sumasakit. Maaaring may problema siya sa:
- Appendix
- Gallbladder
- Hernia (twisted bowel)
- Ovary
- Testicles
- Stomach ulcers
Para sa anak na baby o toddler, malalaman mong may iniinda siyang sakit sa tiyan kung:
- Mas nagiging maselan at hindi mapakali
- Nilalapit ang mga binti sa tiyan
- Hindi makadede o makakain nang tama
Pahigain ang bata
Hayaang makapagpahinga nang tahimik ang anak habang inoobserbahan kung kusang mawawala ang sakit.
Painumin ng tubig
Paunti-unti lang ang bigay ng maiinom na tubig, basta tandaan lang na puwede lang itong gawin sa anak na lampas 6 months old.
Hikayating dumumi
Maaaring constipated ang bata kaya sumasakit ang kanyang tiyan, at malalaman mo ito kung nakadumi na siya.
Huwag munang bigyan ng solid food
Sa loob ng ilang oras, pakainin na lang muna ang bata ng sabaw o konting lugaw, pati na biskwit.
Iwasan ang mga inuming nakakairita sa tiyan
Mga halimbawa:
- Carbonated—soda o softdrinks
- Caffeinated—kape, tsaa, o mga katulad na inumin
- Dairy—gatas, yogurt drink, at iba pa
Iwasan bigyan ng gamot
Bago painumin ng aspirin, ibuprofen, acetaminophen, o mga katulad na gamot, kailangan komunsulta muna sa doktor.
Bigyan ng warm compress
Kung walang hot compress bag, maaaring maglagay ng mainit na tubig sa bote at balutan ito ng bimpo o tuwalya bago ilapat sa tiyan ng bata. Makakatulong ito lalo na kung kabag ang dahilan ng sakit ng tiyan.
Pahiran ang tiyan ng mentholated ointment
Makakatulong din ang ganitong produkto para mainitan ang tiyan at mawala ang hangin na sanhi ng kabag.
Kailan dapat dalhin ang batang masakit ang tiyan sa doktor?
Kung hindi guminhawa ang pakiramdam na bata at nagpatuloy o lumala pa ang kanyang kalagayan, posibleng sintomas ito ng isa sa mga uri ng sakit sa tiyan. Maging alerto rin sa mga gantiong sintomas:
- Kirot sa ibabang parte ng kaliwang bahagi ng tiyan (lower right side) dahil baka dulot ito ng appendicitis
- Kirot sa pag-ihi dahil baka dulot ito ng urinary tract infection (UTI)
- Lagnat at masamang ubo
- Pagsusuka ng kulay green o di kaya may kasamang dugo
- May dugo sa dumi
Dapat gawin para maiwasan ang sakit sa tiyan ng bata
Kung napapadalas ang constipation, indigestion, at iba pang common causes ng stomach ache, makakatulong ang mga ganitong hakbang nang hindi na humantong sa pagbigay ng gamot sa sakit sa tiyan ng bata:
- Itama ang diet at eating habits
- Iwasang pagsuotin ng masikip na damit
- Iwasan ang pagbibigay ng anti-inflammatory medicines, tulad ng ibuprofen
- Sikaping regular ang pagdumi
- Bawasan ang stress dahil maaaring sintomas ng anxiety ang panay na pagsakit ng tiyan
Frequently asked questions (FAQs) ukol sa pananakit ng tiyan ng bata
1. Ano ang mga karaniwang dahilan ng pananakit ng tiyan sa mga bata?
Ang karaniwang mga dahilan ng pananakit ng tiyan sa mga bata ay maaaring mabawasan sa pamamagitan ng mga karaniwang kondisyon tulad ng stomach virus, indigestion, gas, at constipation. Ayon sa American Academy of Pediatrics, karamihan sa mga kaso ay mild at self-limiting, subalit dapat pa ring maging maingat ang mga magulang sa iba pang sintomas na maaaring maging senyales ng mas seryosong kondisyon.
2. Paano ko malalaman kung ang aking anak ay constipated?
Ayon sa Mayo Clinic, maaaring malaman kung constipated ang isang bata kung madalang siyang dumumi, nagkakaroon ng matigas o malaki at masakit na dumi, o kung nahihirapan siyang dumumi. Ang pag-observe sa kanyang pattern ng pagdumi at ang pagtukoy sa mga senyales ng discomfort ay makakatulong sa pagtukoy kung constipated ang bata.
3. Mayroon bang partikular na pagkain na makakatulong na maibsan ang pananakit ng tiyan sa mga bata?
Ang Healthy Children ng American Academy of Pediatrics ay nagbibigay-diin na ang pagpili ng malusog na pagkain tulad ng prutas, gulay, at whole grains ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa pananakit ng tiyan. Ang pag-iwas din sa mga pagkain na maaaring mag-irita sa tiyan, tulad ng masyadong matamis o maalat, ay makakatulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng tiyan.
4. Kailan ligtas na bigyan ng over-the-counter na gamot ang bata para sa pananakit ng tiyan?
Ayon sa Mayo Clinic, bago bigyan ng over-the-counter na gamot ang bata, mahalaga ang konsultasyon sa doktor. Ang pagbibigay ng gamot nang walang reseta ay dapat gawin base sa tamang dosis at sa payo ng propesyonal sa kalusugan. Hindi lahat ng gamot ay ligtas para sa lahat ng edad, kaya't mahalaga ang pangangasiwa ng doktor.
5. Maaaring dahilan ba ang stress at anxiety sa pananakit ng tiyan ng mga bata?
Ayon sa National Institute of Mental Health, ang stress at anxiety ay maaaring magkaruon ng pisikal na epekto sa katawan, kabilang ang pagdama ng pananakit ng tiyan. Sa mga bata, maaaring ito ay reaksyon sa mga pangyayari sa paaralan, pamilya, o iba pang mga sitwasyon sa paligid. Mahalaga ang maayos na komunikasyon at suporta mula sa pamilya at guro upang matulungan ang bata na maibsan ang stress.
Basahin dito para sa pananakit ng tiyan kung buntis naman.