anxieties,anxiety,school,schoolwork,school performance,prepare preschoolers,parenting,anxious,sc23,Tips Para Sa Pagkabalisa Sa Paaralan | Smart Parenting,Anxiety & Stress,Medical Health,Mental Health,Diseases and Conditions,anxiety,school anxiety,preschool,preschooler,back to school,parenting,kids anxiety,school,growth mindset,pressure,symptoms,Ito ang mga puwedeng gawin ng magulang para tulungan ang batang nakakaranas ng pagkabalisa sa paaralan
ParentingBig Kids

Anxiety Ng School-Age Children, Dapat Bang Ikabahala? Paano Tulungan Ang Iyong Anak

Normal na makaranas ng pagkabalisa ngunit paano kung nakaaapekto na ito sa iyong anak?
PHOTO BYADOBE

Makulay at masaya ang panahon ng kabataan. Puno ito ng curiosity at munting mga kasiyahan na bata ang karaniwang nakararamdam. 

Kapag nanay ka na, halos wala ka nang ibang iniisip maliban sa ikabubuti ng iyong anak. Kung makakakuwentuhan mo ang kapwa mo mommies, malalamang pati sila pala ay kapareho mo ng pinagdaraanan. Halimbawa na lamang dito ang pagiging magulang ng school-aged kids. Hindi maiiwasang mayroong mga batang nakararanas ng pagkabalisa sa paaralan. Ano nga ba ang dapat malaman tungkol sa anxiety? Paano matutulungan ang mga batang balisa sa paaralan, lalo na kung anak mo ito?

Natural na emosyon o damdamin ang anxiety. Kahit nga mga matatanda ay nakararamdam nito. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), kapag hindi napangingibabawan ng bata ang tipikal na mga takot at pag-aalala ng mga bata sa edad niya, o napakarami nitong alalahaning nakaaapekto na sa kanyang buhay sa paaralan at bahay, posibleng mabigyan siya ng diagnosis na anxiety disorder. Isa sa walong mga bata naman ang mayroong anxiety, paliwanag ng Anxiety and Depression Association of America (ADAA).

Kung mapapansin sa anak ang pagkabalisa sa paaralan, kailangan mo ring mag-relax muna at huwag siyang sabayan sa bigat ng nararamdaman. Mas magkakaroon din ng kumpiyansa sa sarili ang isang bata kung ang pinanggalingang pamilya ay ginagabayan siya. 

Isang paraan upang magawa ito ang pakikipagkuwentuhan sa kanya tungkol sa nangyari sa kanyang araw o linggo. Mainam ding ipaliwanag unti-unti sa anak kung kaya na nitong makinig nang mabuti. Tandaang ang approach ay dapat angkop sa kanyang edad. 

Ano-ano ang mga sintomas ng pagkabalisa?

  • labis na pag-aalala
  • pananakit ng ulo at tiyan
  • mabilis mairita at hindi mapakali
  • umiiwas sa mga tao sa paligid
  • hirap sa pagtulog
  • hirap sa paghinga
  • labis na pagod o fatigue
  • pagkahilo at panginginig
  • panic disorder (at matinding pagpapawis)

Tandaang magkakaiba rin ang mga sintomas na nararanasan ng mga batang may anxiety o pagkabalisa sa paaralan. Posibleng maraming sintomas sa isang bata, at isa o dalawang sintomas lamang ang kapansin-pansin sa iba. 

watch now

Maaaring magmula ang pagkabalisa sa paaralan sa sumusunod: 

Academic pressures

  • exams at grades
  • takdang aralin at mga proyekto

Habang patagal nang patagal, mas nadaragdagan din ang dami ng asignatura kaya mas tumitindi rin ang pressure sa mga bata. 

Social anxieties

  • bullying
  • pakikipagkaibigan
  • peer pressure

Hindi maitatangging malawak na problema ang bullying anomang estado sa buhay. Isama na rin natin dito ang social isolation na maaaring dulot na rin ng bullying. May mga bata ring takot sa rejection kung kaya't lumalaki silang tahimik at nakahiwalay sa ibang mga kaklase. 

Separation anxiety

Karaniwang nakararanas ng separation anxiety ang Nursery hanggang Pre-school na mga estudyante. Hindi pa kasi sila sanay na mawalay sa kanilang magulang at caregivers. 

Pressure mula sa magulang

Dahil sa mga nabanggit, posibleng nakararanas ng stress at pagkabalisa sa paaralan ang iyong anak. Ito rin ang sanhi ng perfectionism.

Generalized anxiety

Dito naman nakararanas ng pag-aalala tungkol sa kahit anong bagay lalo na ang mga mangyayari kinabukasan o sa susunod na mga araw. Kasama rin dito ang takot at stress sa mga hindi maganda at mabuting bagay na maaaring mangyari.

Ilan pa sa mga triggers ng childhood anxiety ang sumusunod:

  • Biological factors 
  • Media Exposure (TV, social media, atbp)
  • Family Dynamics (problema sa pamilya)
  • Phobias at traumas (takot sa istriktong guro)
  • Helicopter Parenting (Overprotectiveness)

Posibleng magpakita ng pagkabalisa sa paaralan ang preschoolers kapag iniiwan na sila ng kanilang nanay o guardian. Takot din silang masaktan o magkasakit. 

RELATED: ‘Iiwan Na Kita’ And Other Phrases Parents Need To Stop Saying To Kids

Sa mga mas matatandang bata, nagdudulot ng pagkabalisa sa paaralan ang mga scary o ghost stories, social situations kung saan haharap sila sa mas malalaking pangkat, pagpuna ng guro o kaklase sa kanila, exams, at bullying.

Sa mga edad walo pataas, nasa isip na rin nila ayon sa mga eksperto ang hindi pagiging magaling sa sports at pag-aaral.

Ilan pa sa binanggit ng Australian Parenting Website na Raising Children, kasama rin ang sumusunod sa mga inaalala ng school-aged kids: 

  • gera
  • pandemya
  • kapaligiran at kalikasan
  • pamilya  

Mga pratikal na estratehiya upang maibsan at maiwasan ang anxiety

  • Growth Mindset
  • Support Group (Pamilya, Paaralan, Komunidad)
  • Aktibong Pakikinig (Active listening)
  • Paghikayat na i-express ang sarili sa malikhaing mga paraan (tula, sining, paglalaro)

Paliwanag din ng Child Mind Institute, hindi makatutulong kung poprotektahan ang anak laban sa pagkabalisa o ilalayo sa triggers nito palagi. Higit na mainam ang pagtuturo kung paano haharapin at ima-manage ang mga nagdudulot ng anxiety.  

'Tandaan ding mahalaga ang kolaborasyon sa pagitan ng paaralan at pamilya.'

Makatutulong din ang pagsasaliksik tungkol sa mindfulness techniques para sa mga bata. Ilan dito ang sumusunod: 

  • Deep breathing 
  • Grounding exercises
  • Pagkakaroon ng pinagkakaabalahan (hobbies at mga interes) labas sa academics (halimbawa, sports at pagsasayaw)
  • Pag-e-ehersisyo
  • Sapat na tulog at wastong nutrisyon

Kabilang din sa healthy coping mechanisms ang sumusunod:

  • Turuan at sanayin ang iyong anak sa problem-solving. Ipaliwanag na life skill ito. 
  • Tulungan siyang i-reframe o i-manage ang negatibong mga bagay na naiisip. 
  • Turuan siyang mag-relax gamit ang mga teknik na progressive muscle relaxation at guided imagery.

Tandaan ding mahalaga ang kolaborasyon sa pagitan ng paaralan at tahanan (pamilya). Kausapin ang kanyang mga guro upang malaman kung kumusta ang iyong anak sa klase at sa pakikitungo sa kanyang mga kamag-aral.

Makatutulong din na matukoy ang resources at support services na available sa paaralan at komunidad.

Ang pagkakaroon ng balanseng pamumuhay sa pag-aaral at relasyon sa pamilya ay makabubuti rin sa anak upang lumaki siyang alam kung paano ang time management at pagbuo ng mga prayoridad.

Anomang malalaman mong pinagdaraanan ng iyong anak, dito ka rin nagkakaroon ng oportunidad upang iparamdam sa kanya na nandiyan ka lamang para gabayan at suportahan siya. Mainam ding ipaalam sa kanya na karaniwan at ayos lang ang kanyang mga nararamdaman at alalahanin, maging ang kanyang mga iniisip. Dito siya makararamdam na valid ang kanyang mga nararamdaman at hindi dapat kimkimin o itago sa iyo dahil sa hiya o sa takot. 

Kailan dapat komunsulta sa doktor?

Kung sa palagay mo, hindi mo kayang bigyan ng wastong gabay at suporta ang iyong anak, mayroong mga healthcare professionals na higit na maalam at trained sa ganitong mga sitwasyon. Mas okay rin kung maaagapan ang ganitong medical condition o matutukoy agad ang ganitong kondisyon. Mainam kung lalapit ka sa isang mental health specialist para sa komprehensibong ebalwasyon at wastong suporta at/o treatment.

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bukas na komunikasyon, pagpapatibay sa loob ng anak, at paghikayat na magkaroon ng healthy coping mechanisms, matutulungan mo siyang magkaroon ng kakayahang harapin anomang pagsubok sa kanyang pag-aaral katulad ng pagkabalisa sa paaralan. 

Tandaan ding nagsisimula sa loob ng tahanan ang healthy coping mechanisms ng isang tao. Bilang magulang, ikaw ang una niyang kakampi at karamay sa kanyang paglalakbay bilang estudyante, bilang bata at bilang indibidwal. 

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close