embed embed2
  • Pwede Daw Ang Tawas At VCO Sa Singaw Sa Bibig Ng Bata?

    Sa mga batang lampas 5 years old, canker sore ang kadalasang sanhi ng singaw sa bibig.
    by Jocelyn Valle .
Pwede Daw Ang Tawas At VCO Sa Singaw Sa Bibig Ng Bata?
PHOTO BY Shutterstock
  • Tunay na mahapdi ang singaw sa bibig, lalo na kapag nababasa at nagagalaw. Pero hindi kailangang magtiis na lang dahil may magagawa bilang gamot sa singaw.

    Una sa lahat, alamin muna kung anong klase ng singaw ang tumubo sa bibig ng bata o maging adult na. Maaaring kabilang ito sa grupo ng mga tinatawag na mouth ulcers o sores. Kadalasan silang sumusulpot sa paligid ng bibig, gilagid, dila, at loob ng pisngi (inner cheeks).

    Mga posibleng dahilan ng singaw

    May ilang posibleng dahilan ng mouth ulcers o sores, ayon sa mga eksperto, at may partikular na paraan para matugunan ang bawat isa.

    Canker sores

    Ang karaniwang singaw na kilala ng mga Pinoy ay tinatawag na canker sore at aphthous ulcer. Kapag lampas 5 years old ang bata, sabi ng Children’s Hospital Colorado, canker sore ang kadalasang uri ng mouth ulcer na tumutubo sa kanya.

    Ito iyong mapupula at namamagang medyo bilugang sugat na may puti sa gitna (white-reddish inflamed spots). Puwedeng dalawa hanggang apat silang sabay-sabay na tumubo sa loob ng bibig, at posible pang sumulpot ulit.

    Wala raw eksaktong sanhi ng canker sore, sabi naman ng Mayo Clinic. Pero maaaring sumulpot ito dahil sa:

    • Minor injury kapag napadiin ang iyong pagtu-toothbrush, napakain ka ng matulis na pagkain, o di kaya nakagat mo ang loob ng iyong bibig
    • Toothpaste at mouthwash na mayroong sodium lauryl sulfate
    • Food allergy at sensitivity, partikular ang keso, kape, itlog, tsokolate, maanghang, at maasim
    • Vitamin deficiency o kulang ka sa mga nutrisyon tulad ng vitamin B-12, zinc, folate, o iron
    • Hereditary o nasa lahi ninyo ang madaling tumuan ng singaw
    • Helicobacter pylori, na siya ring nagdudulot ng peptic ulcer
    • Hormonal changes, tulad ng pagkakaroon ng menstruation
    • Emotional stress
    • Weakened immune system
    • Medical conditions, gaya ng celiac disease, Crohn’s disease, at ulcerative colitis
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mga puwedeng gawin bilang gamot sa singaw

    Kadalasang gumagaling ang canker sore nang kusa, ayon pa sa mga eksperto. Maaari lamang mabawasan ang hapdi sa tulong ng gel, cream, at mouthwash na mayroong painkilling o anti-inflammatory medication.

    Samantala, may mga nakasanayan ng gamitin o gawin ang mga Pinoy bilang gamot sa singaw. Ito ay ang pagpapahid sa affected area ng tawas o di kaya virgin coconut oil (VCO). 

    Pero payo ng mga doktor na mas mainam na kumain ng yogurt, uminom ng vitamins, at palitan ang toothpaste na ginagamit. Makakatulong din daw kung maghinay-hinay sa pagtu-toothbrush at pagnguya ng pagkain nang hindi nasasaktan ang loob ng bibig. Palakasin din daw ang immune system at iwasan ang stress.

    Paalala lang ng mga eksperto na komunsulta sa doktor kung hindi umiigi ang kondisyon. Baka kasi hindi na lang canker sore ang problema. Narito ang mga palatandaan:

    • Lumalaki at lumalala ang singaw
    • May mga nagsusulputan na bagong singaw kahit hindi pa gumagaling ang mga nauna pa
    • Tumatagal ng higit pa sa dalawang lingo ang singaw
    • Grabeng sakit na dulot ng singaw
    • May sumusulpot na singaw sa paligid ng labi
    • Hindi na makakain at nilalagnat pa

    Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD)

    Ang mga singaw na dulot ng HFMD ay karaniwang sumusulpot sa dila at paligid ng bibig. Bukod diyan, nagkakaroon pa ng mga malalim na paltos (deep blisters) sa mga palad at talampakan ang mga batang mula 1 to 5 years old. (Basahin dito.)

    Herpes Simplex Virus (Cold sore virus)

    Sa unang atake ng infection, malala na kaagad ang epekto. Higit pa sa 10 ang mga susulpot na singaw sa gilagid, dila, at labi. Meron pa minsang lumalabas sa paligid ng mga labi at sa balat palibot ng bibig.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kadalasang nahahawa ang mga batang mula 1 hanggang 3 years old kapag nagkakaroon sila ng contact sa mga adult na may cold sores. Kaya mainam ang dagdag na ingat sa paghalik sa bata at huwag mag-atubili ang magulang na pagsabihan ang ibang tao (basahin dito).

    Cold Sores (Fever Blisters)

    Ang singaw hatid ng fever blisters ay susulpot lamang sa labas ng bibig, bandang outer lip. Bumalik-balik ang singaw sa eksakto lugar mula dalawa hanggang tatlong beses kada taon. Ang adult cold sores ang sanhi ng Herpes Simplex infections sa mga bata. May nirereseta ang doktor na gamot para sa ganitong klase ng singaw.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles