embed embed2
  • Di Lang Kagat Ng Aso Ang Dapat Bigyan Pansin. Kalmot Ng Pusa Din

    Bukod sa rabies, mayroon pang cat scratch disease na dapat iwasan.
    by Jocelyn Valle .
Di Lang Kagat Ng Aso Ang Dapat Bigyan Pansin. Kalmot Ng Pusa Din
PHOTO BY Pexels
  • Bagamat marami nang napatunayan na benepisyo ang pagkakaroon ng mga alagang hayop (pets) para sa adults, kids, at babies, nangangailangan din ito ng ibayong responsibilidad at pag-iingat. Hindi biro ang pag-aalaga ng pets at hindi dapat balewalain ang hatid nitong disgrasya, maging kagat man ng aso o kalmot ng pusa.

    Ang pagiging responsible pet owner ay higit pa sa pagpapakain, pagpapaligo, at paglalaro ng alagang hayop. Ang mga aso, halimbawa, ay kailangang turuan ng simple ngunit importanteng mga utos para alam nila kung kailan dapat tumigil sa pagkagat at saan lang puwedeng umihi o dumumi.

    Obligasyon din ng pet owner na regular na dalhin ang kanyang pet dog o cat sa veterinarian kahit wala itong malalang sakit. Maaaring ikonsulta sa doktor ang mga kakaibang obserbasyon tungkol sa alaga. Rekomendado naman ang pagpapabakuna sa aso tuwing tatlo o apat na linggo hanggang umabot sa edad 16 weeks. 

    What other parents are reading

    Maging ang pet owner ay dapat na magpabakuna laban sa rabies, isang viral disease na naipapasa sa pamamagitan ng laway (saliva). Nangyayari ito kapag nakagat o nakalmot ng isang hayop na may ganyang sakit, at kadalasan na humahantong sa kamatayan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nararapat na bigyan ng bakuna o rabies vaccine ang mga pamilyang may alagang aso, ayon sa rabies fact sheet na nailathala sa Pediatric Society of the Philippines (PSP) website. Ang tawag dito ay pre-exposure prophylaxis at rekomendado ito lalo na sa mga bata dahil wala pa silang kamalayan sa panganib dulot ng kagat ng hayop.

    Binanggit ng PSP ang Rabies Act of 2007 na nag-uutos ng pagbibigay ng bakuna sa mga batang edad 5 hanggang 14, lalo na iyong mga nakatira sa lugar na maraming kaso ng rabies. Nagbigay din ng paalala ang PSP sa pet owner na ang aso ay dapat mabigyan ng rabies vaccine kada taon.

    Ayon pa sa PSP, makukuha din ang rabies mula sa kalmot ng pusa at kagat ng daga, o kapag may sugat at nadilaan ng hayop na may ganyang sakit. Pinakadelikado ang mga parteng ulo, mukha, at leeg ng biktima. (Basahin dito ang karagdagang kaalaman sa rabies.)

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Bukod sa rabies, may iba pang sakit na mula sa kalmot ng pusa. Ito ang tinatawag na cat scratch disease, isang bacterial infection na makukuha din kapag nakagat at nadilaan ng pusa, kahit kuting pa ito. 

    What other parents are reading

    Paliwanag ng Kids Health, ang bacteria na sanhi ng sakit na ito ay nabubuhay sa laway ng pusa na kontaminado na, pero hindi naman daw nagpapakita ang pusa ng senyales ng pagkakasakit. Kaya walang makakapansin kahit ilang buwan nang nakatira ang bacteria sa pusa. Naipapasa naman ang bacteria ng mga pulgas (fleas) sa iba pang pusa.

    Ang taong may cat scratch disease ang siyang makakaramdam ng sintomas. Una rito ang paltos (blister) na parang kagat ng insekto. Ang tawag dito ay inoculation lesion, o sugat sa katawan kung saan nakapasok ang bacteria. Madalas itong matagpuan sa mga braso, kamay, ulo, o anit. Pero hindi naman daw masakit.

    Pagkaraan ng ilang linggo simula nang makagat o makalmot ng pusa, mamamaga ang kulani (lymph nodes) na malapit sa inoculation lesion. Kung nasa braso ang inoculation lesion, halimbawa, ang kulani sa siko o kilikili ang mamamaga. Ang balat sa paligid nito ay maaaring mamula at uminit. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang namamagang kulani ang pangunahing sintomas para sa mga batang nagkakaroon ng cat scratch disease. Minsan may kasama itong lagnat, pantal, sakit ng ulo, pangangati ng lalamunan, at mabigat na pakiramdam. Tumatagal ng mula dalawa hanggang apat na buwan bago mawala ang pamamaga ng kulani, at sa mga pambihirang kaso, maaaring magkaroon ng kumplikasyon sa ibang parte ng katawan.

    Kapag napansin na may kalmot ng pusa ang bata, hugasan ito kaagad gamit ang tubig at sabon. Obserbahan kung mamaga ang kulani at kung may kasama itong iba pang sintomas, tulad ng hindi paggaling ng sugat mula sa kalmot, pagkalat ng pamumula sa katawan, at pagkakaroon ng lagnat ng ilang araw. Mainam na matignan na ang bata ng doktor.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close