embed embed2
  • Maaaring May COVID-19 Ang 80% Ng Mga Bata Sa U.S., Hula Ng Isang Pediatrician

    Ayon sa kanya, hindi daw kasi nasusuri ang mga bata dahil sa kakulangan ng COVID-19 test kits.
    by Jocelyn Valle .
Maaaring May COVID-19 Ang 80% Ng Mga Bata Sa U.S., Hula Ng Isang Pediatrician
PHOTO BY iStock
  • Naniniwala ang isang pediatrician sa United States, nasa 80 porsiyento ng mga bata ang may may COVID-19 sa U.S at mula 80 hanggang 90 porsiyento ang asymptomatic, o walang nararamdamang sintomas, sa mga ito.

    Ayon kay Dr. Dyan Hes ng New York City’s Gramercy Pediatrics, hindi daw kasi nasusuri ang mga bata. Sa lugar daw niya sa New York City, hindi niya mapakuha ng test ang kanyang mga pasyente.

    Ayon sa April 20 datos mula sa John Hopkins University Center for Systems Science and Engineering, pinakamataas pa din ang coronavirus cases sa New York sa buong U.S. Sa kabuuang 149,082 confirmed cases sa U.S. mula sa datos noong April 2, kung saan hindi tukoy ang mga edad, ang 2,572 doon — o 1.7 percent — ay mga batang below 18 years old. Naospital ang 147 sa mga ito, kasama na ang 59 na wala pang isang taong gulang.

    What other parents are reading

    Hindi naniniwala si Dr. Hes, na nainterbyu nitong April 14, 2020 ng CBN News sa pamamagitan ng news anchors na sina Anne-Marie Green at Vladimir Duthiers, sa opsiyal na bilang ng COVID-19 cases bilang batayan kung gaano na kalala ang sitwasyon. Kulang pa daw kasi sa widespread testing.

    Maliit ang 0.5 porsiyento ang mortality rate, o bilang ng mga namamatay, para sa mga bata dahil laganap na ang COVID-19. Kung sa trangkaso nga daw ay libong kabataan na ang namamatay kada taon, at hindi pa iyon masyadong nakakamatay para sa mga bata kumpara sa bagong sakit ngayon.

    Dagdag pa pediatrician, mas malaking panganib sa sitwasyon na ito ay kung ang mga asymptomatic na bata ay makahawa sa mga taong delikado sa sakit. Aniya maaaring naikakalat na nila ang coronavirus nang hindi nila nalalaman dahil wala silang naipapakitang sintomas ng COVID-19.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya mali daw na hindi kaagad isinara ang mga public school sa U.S. May mga guro kasing matanda na o mababa ang resistensya dahil mayroong diabetes o cancer pero kinailangan nilang magtrabaho at gumamit ng pampublikong sasakyan.

    Nitong April 13, inanunsyo ng New York City Department of Education na 21 guro ang namatay dahil sa coronavirus. Kinikilala naman ng CDC report ang papel ng mga batang may konti o wala man lang sintomas sa pagkalat ng COVID-19.

    What other parents are reading

    Payo ni Dr. Hes sa mga magulang sa ganitong sitwasyon, ipalagay na lang na may COVID-19 ang kanilang mga anak kung ang mga ito ay nagpapakita ng mga sintomas dahil may kakulangan nga sa test kits. Kapag daw ang bata ay may low-grade fever o sinat at saka sipon, kailangan daw ipalagay na COVID-19 na ito dahil, halimbawa sa New York City, hindi mabibigyan ng test kit ang bata.

    Sinabi din ni Doktora na iwasan dalhin ang maysakit na bata sa pediatrician. Mayroon naman daw mga doktor ang nagbibigay ng video consultation at doon na lang magpakonsulta. Diin niya na bukod sa bakuna, ang tanging dahilan lamang para pumunta ang bata sa doktor ay kapag hirap itong huminga. 

    Kapag daw ang magulang ay sinusunod naman ang social distancing at ang anak nito ay biglang nilagnat, mainam daw na ipirmi ang bata sa bahay ng 14 araw na malayo sa ibang miyembro ng pamilya.

    Pagkatapos nito, suotan na ng face mask ang bata kung lampas dalawang taon na ito. Pansin niya kasi hindi mapakali ang mga mas bata pa dito kapag nakasuot ng face mask.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Ayon pa sa CDC report noong April 6, na may pamagat na “Coronavirus Disease 2019 in Children,” kahit na hindi malala ang mga kasong naiulat sa mga bata, kailangang ituloy ng mga doktor ang pagiging mapagmatyag sa paglala ng sakit, lalo na sa mga sanggol at bata na may iba pang karamdaman.

    Kaya mahalaga daw na sundin ng lahat ang social distancing at ilan pang hakbang para mapigilan ang pagkalat ng virus. Importante din na hindi overloaded ang mga ospital at mabigyan ng proteksyon ang mga matatanda at sino mang may iba pang sakit.

    Ani Dr. Hes, walang COVID-19 test at walang swab sample ang kinunan sa mga bata kahit daw ang mga batang ito ay may mataas na lagnat at may magulang na positibo sa coronavirus. Noong una, sinasabihan ang mga ganitong kaso na pumunta sa ospital. Pero pinapauwi lang sila dahil walang sapat na test kits at mukha namang masigla ang mga bata.

    Ayon sa ulat ng Centers for Diseases Control and Prevention (CDC), may tatlong kabataaan na sa U.S. ang binawian ng buhay mula sa COVID-19. Ang mga sanggol naman ay napag-alaman na vulnerable sa mga malalang impeksyon.

    For the latest COVID-19 cases, check out our reportr COVID-19 case tracker link.

    For the latest news and updates on COVID-19, check out reportr.world/covid-19.

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles