embed embed2
  • Narito Ang Sintomas Ng COVID-19 Sa Bata At Ang Mga Dapat Alalahanin

    Mas kaunti ang bilang ng nagkakasakit ng COVID-19 sa mga bata.
    by Jocelyn Valle .
Narito Ang Sintomas Ng COVID-19 Sa Bata At Ang Mga Dapat Alalahanin
PHOTO BY iStock
  • Bagamat walang pinipiling edad ang coronavirus, mas kaunti ang nagkakasakit nito sa mga kabataan at malimit ay pangkaraniwang at mild sintomas ng COVID-19 lamang ang kanilang nararanasan. 

    “Hindi sila nababalita na grabe ang epekto,” pahayag ni Dr. Anna Ong-Lim, isang pediatric infectious disease specialist, sa panayam sa kanya ni Dr. Freddie Gomez sa programang The Doctors Are In! na umere sa CNN Philippines noong April 1, 2020. (Mag-scroll pababa para mapanood.)

    Dagdag pa ni Doktora, “Kung meron man, ubo, sipon, at pangkaraniwang trangkaso ang nakikita natin sa bata.”

    More for parents like you

    Sintomas ng COVID-19 sa bata

    May mga paalala si Dr. Ong-Lim sa mga magulang para malaman kung may sintomas ng COVID-19 ang kanilang mga anak. Aniya, “Meron ba siyang lagnat? Or ubo or pananakit ng lalamunan? So ang sintomas na ito, puwedeng hindi sabay-sabay lumabas. Puwedeng pa-isa-isa lang. Puwedeng ang presentation ng bata, ubo lang o sore throat lang o lagnat. Or magkakasama ’yong tatlo.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dugtong pa ng dating presidente ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP): “Kung ’yon ang pagbabasihan natin e di lahat ng ubo, sipon, trangkaso parang gano’n ang sintomas. And the parents will get very confused. In fact, even sa mga doktor, very confusing ito.

    “Kaya ngayon, the only way to know kung ang nararamdaman ng bata na nagpe-present ng fever, or cough, or sore throat is a test. Dahil walang naibibigay na gamot para kontrahin itong mikrobyo, and only thing we give are supportive na gamot katulad ng para sa lagnat or sa ubo, ang advice natin, que COVID ’yan o hindi, is magpapahinga sa bahay and give supportive care.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More for parents like you

    Kaibahan ng pagsusuri sa bata at matanda pagdating sa COVID-19

    Nagbigay paliwanag din siya sa pagkakaiba ng pagsusuri sa mga bata at matanda. Aniya, “Ngayon pag meron tayong adult na pasyente, meron siyang ubo, meron siyang pananakit ng lalamunan o eventually hirap sa paghinga, ang doktor, ang una niyang iisipin, COVID siguro ’to — and kailangan niyang patunayan na hindi ito COVID. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “In contrast sa bata, dahil karamihan sa bata ay mild ang sakit, kung may makita tayong may matinding pulmonya o hirap sa paghinga, baligtad ’yong mindset. Mas iisipin natin na nanggagaling siguro ’to sa mga common na mikrobyo na nagiging sanhi ng pulmonya bago ko isipin na COVID ’to. 

    “So how does that translate to parents? Gano’n pa rin. Kung nakikita natin na instead na very mild illness ang nararamdaman ng bata and hindi siya nakakakain nang maigi, hindi dumedede, may hirap sa paghinga, kailangan talagang patignan. Kung makita siya, may irereseta o ia-advise na ma-admit. Kung ano COVID man ’yan o hindi COVID, gagamutin din naman ’yong bata.”

    Ilan daw sa mga hakbang para maibsan ang mga posibleng sintomas ng COVID-19 tulad ng simpleng ubo at konting lagnat ay ang pagbibigay ng paracetamol at pagsisiguro sa bata na makakain at makainom ito nang maayos.

    More for parents like you

    Paliwanag ni Dr. Ong-Lim na hindi pa matukoy kung anong age group ng bata ang mas delikado dahil kulang pa ang impormasyon sa COVID-19. Sa huling ulat na kanyang nabasa ay mayroon lamang daw 63 na tinatawag na case series na naitala sa medical literature.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ibinahagi ni Bataan Governor Albert Garcia sa kanyang Facebook page nitong Linggo, April 5, na isang 1-month-old baby boy mula sa bayan ng Mariveles ang nag-positibo. Dagdag ito sa kaso ng 21-month-old baby girl sa Calapan City sa Oriental Mindoro noong March 27. 

    Naiulat naman noong April 1 na ang pinakabatang biktima ay isang 7-year-old girl mula sa bayan ng San Fabian sa Pangasinan. Nangyari ito ilang araw makaraan bawian ng buhay ang bata noong March 26 at lumabas na positibo ang kanyang test result noong March 31. Pero batay sa report ng DOH, may underlying conditions na maaaring naging malala nang makuha niya ang COVID-19. Meron siyang “hypovolemic shock secondary to acute gastroenteritis, severe dehydration, and pediatric community-acquired pneumonia.” 

    Mula sa mga naitatalang data sa mga pasyente na may COVID-19, hindi ganoon kadami ang mga bata. May ilan ay hindi nakakaramdam ng kahit anong sintomas. Ganito rin ang nangyarin nung panahon na meron Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) and Middle Eastern Respiratory Syndrome (MERS).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basahin dito ang karagdagang impormasyon pagdating sa coronavirus at mga bata.

    More for parents like you

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles