;
embed embed2
Sore Throat, Strep Throat, Tonsillitis: Anong Pagkaka-iba Kung Makati Ang Lalamunan
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Isa ang makating lalamunan sa mga posibleng sintomas ng COVID-19, ayon sa World Health Organization (WHO), kaya naman hindi maiwasang mag-alala kung biglang makaramdam ka nito. Marahil mas mag-aalala ka kung sumakit ang lalamunan ng anak mo. Pero bago mataranta, mainam na obserbahan muna ang bata.

    Kadalasang inuugnay sa makating lalamunan ang sore throat, strep throat, at tonsillitis. Taliwas sa akala ng karamihan, hindi sila iisang kondisyon lamang bagkus tatlong magkakaibang sakit.

    May paliwanag ang mga eksperto sa Healthy Children information resource ng American Academy of Pediatrics (AAP). Anila, tonsillitis kapag namamaga ang tonsils. Mas namamaga pa ang mga ito kapag mayroon namang strep throat. Pero kung sore throat, namamaga ang lalamunan at hindi ang tonsils.

    Makating lalamunan dahil sa sore throat

    Ang sore throat ay kadalasang nangyayari dahil sa madalas na pagpapalit ng panahon. Puwede rin itong sintomas rin ng allergy o allergic reaction. Marami pang ibang dahilan, sabi ng mga eksperto.

    Infection hatid ng bacteria o di kaya virus

    Pangunahing sanhi ng sore throat para sa mga bata ang viral infection, sabi ng mga eksperto. Pero maaring maging sanhi rin ang bacterial infection. Ang infection na iyon ang  dahilan ng pagsisimula ng pamumula o pamamaga ng lalamunan, pati na pag-ubo.

    Ang mga karaniwang viral infection na nagdudulot ng makating lalamunan ay:

    • Sipon (common cold)
    • Tigdas (measles)
    • Bulutong (chickenpox)
    • Croup
    • Whooping cough (pertussis)
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Allergic reaction

    Maaring mangati ang lalamunan ng bata kapag nakalunok siya ng alikabok o nakakain ka ng pagkain na nagdudulot ng allergies. (Basahin dito ang tungkol sa common allergens.)

    Gastroesophageal reflex disease (GERD)

    Isa pang posibleng sanhi ng pangangati ng lalamunan ang GERD. Ito ang madalas na pagkakaroon ng acid reflux, na nagdudulot ng pag-init at tila pagsunog sa may lalamunan. Heartburn ang tawag diyan. Umakyat kasi ang stomach acid pabalik sa dinaanan na nitong esophagus, o ang tubo na kumukonekta sa bibig at tiyan.

    Bukod sa mga iyan, puwede ring magkaroon ng sore throat ang bata sa sobrang pagkapagod, madalas na pagsigaw, at iritasyon ng lalamunan dala ng init ng panahon. (Basahin dito para sa mga sintomas at gamot sa makating lalamunan).

    Bilin ng mga eksperto na kung ayaw gumaling ng sore throat ng bata, kailangan mo na siyang ipatingin sa doktor kahit wala siyang nararamdamang ibang sintomas (lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng tiyan, sobrang pagkapagod). Huwag ka na raw magdalawang-isip, lalo na kung gumagrabe ang kalagayan ng anak at hirap na siyang huminga o di kaya hirap nang lumulon kaya naglalaway.

    Makating lalamunan dahil sa strep throat

    Malimit tamaan ng strep throat ang mga batang may edad 5 hanggang 15, sabi ng mga eksperto. Dulot ito ng isang grupo ng Streptococcus bacteria. Maaari itong kumalat sa pamamagitan ng pagbahing at pag-ubo.

    Paliwanag pa ng mga eksperto na depende sa edad ng bata ang uri at antas ng sintomas na kanyang mararanasan. Sa infants, halimbawa, baka sinat lang pero may hatid na makapal o di kaya madugong uhog (nasal discharge).

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa toddlers, puwede ring may makapal at madugong nasal discharge, pero nilalagnat na. Kaya huwag kang magtaka kung maging masungit na ang anak mo. Malamang mawawalan din siya ng ganang kumain at mamamaga ang kanyang kulani (lymph nodes). Baka ireklamo niya rin ang masakit na tiyan kaysa makating lalamunan.

    Para sa mga batang lampas 3 years old, mas grabe ang sakit na mararamdaman nila sa lalamunan. Mas mataas din ang kanilang lagnat, na puwedeng higit pa sa 38.9 degrees Celsius. Bukod diyan, mamamaga ang kanilang lymph nodes sa leeg at magkakaroon ng nana (pus) sa kanilang tonsils.

    Paalala ng mga eksperto na dapat matukoy kung sore throat o di kaya strep throat ang iniinda ng bata. Ang strep throat kasi maaaring magamot ng antibiotics.

    Makating lalamunan dahil sa tonsillitis

    Talagang may isang pares ng tonsils ang lahat, bata man o adult, sa kanan at sa kaliwa bandang likuran ng lalamunan. Binubuo ang tonsils ng tinatawag na “lymphoid tissue,” na sumusuporta sa immune response ng katawan.

    Bilang isang component ng immune system, pinipigilan ng tonsils ang pagpasok ng mga germs mula sa ilong o bibig. Meron ding mga white blood cell sa tonsils para pumatay ng mga germs. Kapag nagkaroon ng infection ang tonsils dahil sa virus o bacteria, nagdudulot ito ng pamamaga. Tinatawag ang pamamaga ng tonsils bilang tonsillitis.

    Kung hindi pa makapagsabi ang anak mo ng kanyang nararamdaman, puwede mong obserbahan muna ang mga sumusunod na sintomas ng tonsillitis kasabay ng lagnat:

    • Kawalan ng ganang kumain
    • Sobrang paglalaway dahil nahihirapan lumunok
    • Hindi mapakali (fussy)
    • Pagsusuka
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung hindi mawala ang lagnat sa loob ng dalawang araw, payo ng mga eksperto na ipatingin na ang bata sa doktor. Bantayan din kung nahihirapan siyang huminga. Kung oo, magpunta na sa emergency room para mabigyan agad ng tamang treatment. Delikado kasi kapag kumalat ang infection sa ibang parte ng katawan, katulad ng puso. Kaya hindi na lang ito simpleng kaso ng makating lalamunan.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles