hair care,trending now,rare condition,Ano Ang Tinatawag Na 'Uncombable Hair Syndrome',extremely rare condition, kid with rare genetic condition, kid's healthy hair, how to promote healthy hair in kids, what is uncombable hair syndrome,Itim na itim ang buhok ng kanilang anak nang ipanganak ito ngunit unti-unting naging blonde paglipas ng anim na buwan.
HealthYour Kid’s Health

Paano Nadiskubre Ng Isang Nanay Na May 'Rare Uncombable Hair Syndrome' Pala Ang Anak

Nasa 100 lang ang alam na bilang na mayroon ng 'extremely rare genetic condition' na ito.
PHOTO BYinstagram/uncombable_locks

Naranasan mo na rin bang magkaroon ng 'bad hair day?' ang iyong anak? 'Yung tipong kahit anong suklay ang gawin mo, parang hindi pa rin maayos ang kanilang buhok? Ito ang araw-araw na kalagayan ng buhok ng isang 16-month-old mula sa Georgia, USA na diagnosed na mayroong tinatawag na "uncombable hair syndrome."

Kuwento ng nanay na si Katelyn Samples, tulad niya, itim na itim ang buhok ng anak na si Lock Samples nang ipanganak ito. Ngunit paglipas ng anim na buwan, unti-unting itong nag-iiba hanggang sa pagsapit ng 9 months, tuluyan nang naging white-blonde ang buhok ni Lock.

article image
The Samples family
PHOTO BY instagram/uncombable_locks

Bukod sa kulay, kapansin-pansin ding naging malambot at pataas ang tubo ng buhok ng anak. "We were like, huh, what is this?" pagbabahagi ni Katelyn sa isang panayam sa People Magazine. "We knew it was different, but didn't know exactly how. And then it kept growing and growing."

Sa ulat ng FOX 5 Atlanta, sinabi ni Katelyn na tuwing matutuyo ang buhok ni Lock matapos maligo, hindi nila ito masuklay pababa. "As soon as we would dry it, it would not lay flat, even if we brushed it. As soon as it dries, it pops back up."

Paano nila nadiskubre ang "uncombable hair syndrome"?

Bagama't alam ni Katelyn at ng asawa na si Caleb Samples na may iba sa buhok ni Lock, hindi nila naisip na isa na pala itong rare genetic condition.

Hanggang sa isang direct message ang natanggap ng 33-year-old na nanay sa kaniyang Instagram account at tinanong kung diagnosed ang toddler na mayroong "uncombable hair syndrome" (UHS).

watch now

Noon lang nila narinig ang nasabing kondisyon kaya minabuti nilang tawagan ang pediatrician ni Lock para humngi ng payo. Ngunit kagaya nila, hindi rin pamilyar dito ang doktor at ini-refer ang mag-asawa sa isang espesiyalista sa Emory Hospital.

Hindi rin naisip sa naturang ospital na "uncombable hair syndrome" ang kondisyon ni Lock dahil itinuturing itong "extremely rare." Sa isang artikulo sa medical site na WebMD, nasa 100 lang ang known cases ng naturang kondisyon.

Ngunit matapos suriin ang mga samples mula sa buhok ni Lock, nakumpirma na mayroon nga siyang UHS. "The hair strand is like a triangle shape and twisted," ani Katelyn.

Ano ang uncombable hair syndrome?

Ang magandang balita, tanging buhok lang umano ang apektado ng naturang kondisyon. Bukod sa marupok at kakaibang itsura ng buhok ni Lock, wala naman daw dapat ikabahala ang mag-asawa sa kalusugan ng anak.

Dahil kakaunti lang ang mga indibidwal na mayroon ng ganitong kondisyon, kakaunti rin ang nalalamang impormasyon tungkol dito. Pero ayon sa National Institutes of Health (NIH) ng U.S., ilan sa mga sintomas ng UHS ay ang mga sumusunod.

  • Mabagal na pagtubo ng buhok
  • Unti-unting nagiging silvery-blond o straw-colored ang buhok
  • Dry at mahirap ayusin ang buhok
  • Sa ibang pagkakataon, nagiging sanhi ng breakage o pagkasira ng buhok kung pipiliting suklayin ang buhok

Nag-uumpisang ma-obserbahan ang mga sintomas pagtuntong ng baby ng 3 months hanggang 12-years-old

Ang mutation ng tatlong genes na PADI3, TGM3, at TCHH ang itinuturing na sanhi ng UHS, ayon sa NIH. Ang tatlong genes na ito ang repsonsable sa pagbuo ng hair shaft.

May gamot ba para sa UHS?

Wala pang nakikitang gamot o treatment para sa UHS ngunit may tiyansa umano na mag-improve o tuluyan itong mawala pagtuntong ng puberty years. Inirerekomenda ang pag-iwas sa paggamit ng matatapang na hair treatment, madalas na pagsusuklay, at paggamit ng blow dry.

Upang mapangalagaan ang buhok ni Lock, hindi ito madalas na binabasa o hinuhugasan. "His hair doesn't need to be washed much... maybe once a week. It's water-resistant so it takes a minute to saturate with water and gentle shampoo," paglalahad ni Katelyn sa hiwalay na panayam ng Daily Mail.

Aminado si Katelyn na tuwing lalabas sila ay laging napapansin ng iba ang buhok ni Lock, ngunit karamihan umano ay positibo naman ang nagiging komento.

Kuwento niya, "I would say that 98% of people are so kind and love it. They say he's like a little rock star. It brings a smile to peoples' faces."

Patuloy din ang pagbabahagi ni ng nanay ng mga larawan at karanasan ni Lock sa kaniyang social media account. Aniya, paraan ito upang maituro sa anak na magkaroon ng kumpiyansa sa kanilang mga katangian gaano man ito naiiba.

"Right now when he's little, he loves the attention and doesn't mind it. But with both of our kids, we want to teach them to be confident in who they are, no matter what makes them different."

Basahin dito ang kakaibang birthing sotry ng kambal na ipinanganak ng magkaibang taon!

View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close