embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
5 Rason Kung Bakit Lapitin ng mga Lamok ang Iyong Anak
PHOTO BY iStock
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Usong-uso ang dengue at iba pang mga sakit na dala ng lamok tuwing tag-ulan, pero nitong mga nakaraang taon, tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit buong taom. Noong 2018, 38,000 na kaso kabilang ang 195 na namatay ang naitala mula Enero hanggang Mayo, ayon sa Department of Health (DOH).

    “Dati sa Pilipinas, season ang occurrence ng dengue (may panahon ang dengue). Tag-ulan at tag-baha, doon lang ang rise in cases (dumadami ang mga kaso). Now, all year round (buong taon) meron tayong dengue," sabi ng pediatrician na si Dr. Carmina Delos Reyes, isang espesyalista sa mga nakakahawang sakit at fellow ng Philippine Pediatric Society.

    Habang maingat ang mga magulang na iwasan ang sakit (basahin ang mga paraan dito), maaaring nagtataka ka kung bakit ang iyong anak ay tila mas madalas kagatin ng insekto kaysa sa kanyang mga kalaro. Iyon pala, may uri ng taong mas nakakaakit para sa mga lamok, Tinatawag sila ni Jonathan Day, isang propesor ng medical entomology sa University of Florida, USA, na "high-attractor types" sa isang panayam ng NBC News.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Heto ang mga posibleng dahilan kung bakit mas kinakagat ng lamok ang iyong anak kaysa sa iba:

    1. Ang iyong anak ay nag-eehersisyo o nagtatakbo-takbo.

    Ayon sa WebMD, may ilang bahagi ng chemistry natin sa katawan na kapag nagkaroon ng sobra ay nagiging dahilan ng paglapit ng mga lamok. Ang isa dito ay mga acid tulad ng lactic acid, uric acid, ammonia, at iba pa, na lumalabas kasama ng pawis ng tao. Ang dagdag na paggalaw ay nagiging dahilan din ng pagdami ng pawis, na muli, ay ginagawang mas nakakaakit sa insekto ang iyong anak.

    Malakas ang pagdepende ng mga lamok sa kanilang paningin, lalo na sa bandang hapon, sabi ni Day. Kung ang iyong anak ay naglaro sa labas buong hapon, tataas ang kanyang lactic acid at temperatura ng katawan, na mas kaakit-akit sa mga lamok. Ayon kay Day, ang temperatura o pag-init ng katawan ay isa ring kadahilanan, kaya ang mga lamok ay naaakit sa mga buntis-- mas mainit ang temperatura nila kaysa sa iba.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Hinihingal ang iyong anak.

    Isa sa mga paraan kung paano humahanap ang mga lamok ng kakagatin ay sa pamamagitan ng pag-amoy ng carbon dioxide sa hininga – nararamdaman nila ito kahit lampas ng 50 metro ang kanilang layo, sabi ni John Edman, Ph. D., isang entomologist at tagapagsalita ng Entomological Society of America. Mas maraming hangin ang inilalabas ng mas malalaking tao, kaya mas malaki ang posibilidad na makagat ng lamok ang matatanda kaysa sa mga bata.

    Gayunpaman, kapag nagsama na ang pawis, init ng katawan, at sobrang hingal, mas nagiging lapitin ng lamok ang iyong anak, lalo na kung sila ay pagod na pagod.

    More from Smart Parenting

    3. Mabaho ang paa ng iyong anak.

    Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa PLOS One, nalaman ng mga siyentipiko na ang mga lamok ay nahihikayat ng maraming bakterya sa balat, na maaaring lumikha ng isang natatanging amoy. Ang ating mga paa, lalo na, ay maraming bakterya, na maaaring dahilan kung kinakagat ng mga ito ang ating mga sakong at paa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod dito, sinabi ng American Mosquito Control Association na gusting-gusto ng mga lamok ang amoy ng Limburger cheese, na malapit ang amoy sa mabahong paa. Ayon sa The Spruce, ipinapakita rin ng resulta ng pagsusuri ng mga siyentipiko na ang pagsasama ng carbon dioxide at mabahong medyas “increases the attraction of many common species of disease-transmitting mosquitoes (ay umaakit sa maraming species ng mga lamok na karaniwang nagpapakalat ng sakit).”

    More from Smart Parenting

    4. Nakasuot ang anak mo ng damit na madilim ang kulay.

    Ayon kay Day, unang ginagamit ng lamok ang paningin sa paghahanap ng tao. Kitang kita ang mga nakadamit ng madidilim na kulay tulad ng itim, navy blue, o pula. Inirerekomenda ng DOH ang pagprotekta sa sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga damit na may mahabang manggas at pantalong mapusyaw ang kulay. Ito ay bahagi ng '4S' strategy: hanapin at sirain ang mga kung saan nangingitlog ang mga lamok, proteksyonan ang sarili, kumonsulta ng maaga, at suportahan ang fogging/pag-spray sa “hotspot” o lugar na may lamok lamang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    5. Kabilang sa partikular na blood type ang iyong anak.

    Babaeng lamok lamang ang nangangagat, dahil kumukuha sila ng protina sa ating katawan na kailangan nila para mabuo ang kanilang mga itlog. Kaya, posibleng mas maakit sila sa isang uri ng blood type kaysa sa iba.

    Natagpuan sa isang maliit na pag-aaral noong 2004 na sa isang takdang sitwasyon, ang bilang ng pagdapo ng lamok sa mga taong may Type O na dugo ay halos doble ng sa mga Type A. Nasa gitna naman ang Type B.

    Gayunpaman, dapat tandaan na kailangan pa ng dagdag na pananaliksik upang patunayan ang teoryang ito. Pero kung sakali, baka gusto mo na rin dagdagan ang pag-iingat at magpahid ng insect repellent sa iyong mga anak sa panahong uso ang dengue, anuman ang kanilang blood type. (Magbasa tungkol sa mga epektibong lotion at cream dito.)

    Madalas mang makagat ng lamok ang iyong anak o hindi, mahalagang gumawa ka na ng mga hakbang para masigurong ligtas siya sa mga sakit na dala ng lamok. Bukod sa tamang pananamit, ang mga mosquito repellent na may DEET, picaridin, IR 3535, at langis ng eucalyptus at lemon ay napatunayang ligtas at epektibo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Recommended Videos
View more articles