embed embed2
  • Walang Labas-Labas, No Problem! 5 Paraan Para Aliwin Ang Mga Bata Sa Bahay

    Pati kayo ni daddy maaaliw din sa mga activities na ito.
    by Ana Gonzales .
Walang Labas-Labas, No Problem! 5 Paraan Para Aliwin Ang Mga Bata Sa Bahay
PHOTO BY courtesy of Mary Fatima Ramilo Macabale and Vanessa Salva
  • Papaubos na ba ang mga ideas ninyong mag-asawa kung paano pa aaliwin ang inyong mga anak habang naka-enhanced community quarantine ang buong Luzon? Anu-ano na ang mga activities na nagawa ninyo? Kung kailangan ninyo ng backup, narito ang ilan sa mga naisip na activities ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village:

    Maglaro ng mga old-school games

    Ipinanganak at nagkaisip ang mga anak natin sa panahon ng social media, internet, at online games. Bakit hindi mo gamitin ang panahon mo ngayon para turuan sila ng mga larong naeenjoy mo dati?

    Ganyan ang ginawa ni mommy Facebook user Pistol Press. Kasama niya ang anak niya sa paglalaro ng Tic Tac Toe at itong old-school na laro sa papel na wala pa talagang tawag.

    Kailangan niyo lang ng papel at lapis. Pipili lang kayo ng shapes at "magbabarilan". Unahan itong magkaubusan ng shapes.
    PHOTO BY courtesy of Pistol Press
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Tinuturuan din niya ang anak niya na gumawa ng mga paper airplanes at 'boomerang airplanes' na bumabalik kapag pinapalipad. May mga laruang old-school din na pwede mong laruin kasama ang mga anak mo, tulad ng holen o itong fishing game.

    Siguradong nalaro mo na rin ito noong bata ka!
    PHOTO BY Ana Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Napakadali lang mag-fold ng paper planes. Ang maganda rito, pwede kang gumawa ng maliit at pwede rin naman kasing laki ng ginawa na ito ni baby.
    PHOTO BY courtesy of Pistol Press
    What other parents are reading

    May mga nanay ding gumawa na lang ng sensory activity board para naman sa mga mas maliliit nilang mga anak. Isa na riyan si mommy Whella Sabuya. Kwento ni mommy, tambay siya sa Pinterest kaya na-inspire siyang buuin ang sensory board ni baby. Pwede ka ring gumawa ng sa iyo sa pamamagitan lang ng ilang mga ordinaryong bagay sa loob ng inyong bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Aliw na aliw si baby sa DIY sensory board na ginawa ni mommy para sa kanya.
    PHOTO BY courtesy of Whella Sabuya
    What other parents are reading

    Kung may extra naman kayong space sa inyong bakuran, pwede kayong gumawa ng mud kitchen na katulad ng ginawa ni mommy Vanessa Salva para sa kanyang anak.

    Kumpleto ito ng mga laruang pwedeng gamitin para maglutu-lutuan ang anak niya. Marami ring mga dahon-dahon sa paligid na pwede niyang "lutuin".

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Enjoy na enjoy si baby sa kanyang mud kitchen.
    PHOTO BY courtesy of Vanessa Salva
    Ano kayang niluluto ni baby?
    PHOTO BY courtesy of Vanessa Salva
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Maglinis ng bahay

    Bukod pa sa paglalaro, pwedeng-pwede ring turuan ang mga bata kung paano maglinis ng bahay.

    'Yan ang ginawa ni mommy Marie Del Rosario-Go. Mayroong siyang maliit na walis para sa kanyang anak na tuwang-tuwa naman ginamit nito.Tumutulong ding maglinis ng bahay ang anak ni mommy Mary Fatima Ramilo-Macabale. Ayon sa kanya, hindi mahalaga ang resulta ng paglilinis ng anak niya—mas mahalaga ang proseso.

    Magtatapon na ng basura si baby!
    PHOTO BY courtesy of Mary Fatima Ramilo Macabale
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    "The process matters more—the process of setting the culture within them that they can do things on their own, that they are member of the family, and that they can contribute in their little ways," sabi niya. "The more they are encouraged to help, the more you allow them to contribute, the more it becomes part of their daily life."
    Tumutulong din ito sa paghuhugas ng mga plato at iba pa. PHOTO BY courtesy of Mary Fatima Ramilo Macabale‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Dalawang ibon naman ang tinatamaan ni mommy Den Ibuki gamit ang isang bato, sa tuwing isinasabay niya sa paliligo ng anak ang toy cleaning. Bath games ito na dumoble na lang bilang toy cleaning hack.

    Bagay na bagay sa mga nanay na may anak na ayaw na ayaw maligo—mapapaliguan mo na si baby, malilinis mo pa ang toys niya.

    Ilan sa mga larong ginagawa nila ay ang "Car Wash" kung saan "ipaparada" ng anak niya ang mga toy cars at huhugasan ito isa-isa.

    Ito ang "car wash" na naisip ni mommy para aliwin si baby habang naliligo.
    PHOTO BY courtesy of Den Ibuki
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon din siyang "Animal Bath" kung saan ilulubog naman niya ang mga toy animals ng anak niya, saka ito "papaliguan" ni baby.

    Ito naman ang kanilang "Animal Bath"
    PHOTO BY courtesy of Den Ibuki

    Naglalaro rin sila ng sorting, kung saan toy balls naman ang gamit ni mommy. Pwede rin dito ang building blocks o iba pang mga laruan ni baby na iisa lang ang kulay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Ito naman ang mga laruang sinosort ni baby.
    PHOTO BY courtesy of Den Ibuki
    What other parents are reading

    Sumubok ng iba't-ibang arts and crafts

    Augmented reality naman ang katuwang ni mommy Rachel Jasmine Bravo Uangag sa pag-aliw sa anak niya.

    Nagdownload siya ng coloring pages mula sa website ng Oddbods (Facebook: @OddbodsOfficial). Pagkatapos ay pinakulayan niya ito sa anak niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang matapos, nagdownload si mommy gn Oddbods app at saka itinapat ang tablet sa kinulayang drawing ni baby. "Nabuhay" ang drawing kaya naman aliw na aliw ang anak niya.

    Siyempre, para sa kaligtasan ng bata, nililimitahan pa rin ni mommy ang screen time nito.

    Bukod sa chores na pinapayagan ni mommy Mary Fatima na gawin ng kanyang anak, hinahayaan din niyang mag-explore ito ng iba't-ibang uri ng artworks. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Ang ganda naman ng artwork ni baby!
    PHOTO BY courtesy of Mary Fatima Ramilo Macabale
    Math and art in one!
    PHOTO BY courtesy of Mary Fatima Ramilo Macabale
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Magluto at magbake

    'Yan naman ang napiling gawin ni mommy Maria Rodenel Dela Cruz. Kwento ni mommy, hindi naman daw siya talagang artistic. Pero dahil isa sa mga pangunahing pangangailangan ang pagkain, naisip na niyang isabay sa pagluluto ang bonding nilang mag-ina.

    Ito ang recipe na na-prepare nila.
    PHOTO BY courtesy of Maria Rodenel Dela Cruz‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Mag-aral ng mga lessons

    Bago maglaro, huwag kalimutang tutukan din ang aralin ng mga bata. Maraming mga online resources na pwede mong gamitin para hindi ma-take for granted ng anak mo ang kanyang mga aralin. 

    Para kay mommy Pinky Salazar Minardo-Pena, pinapraktis na niyang magsulat ang anak niya para hindi ito mabigla sa pasukan. 

     

    Practice na lang muna sa bahay kasama si mommy!
    PHOTO BY courtesy of Pinky Salazar Minardo-Pena
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Nagawa niyo na ba ang mga halimbawa na isinama namin dito? Anu-ano ang mga ginagawa ninyo para aliwin ang anak ninyo ngayong #TeamBahay ang mga tao? I-share niyo na 'yan sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles