-
Imbento Pa More! Things You End Up Doing During A Quarantine
Imagination niyo lang ang limit!by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Walang pasok sa eskwelahan ang mga bata. Wala ring pasok sa mga opisina. Malaking problema man ito para sa mga magulang pagdating sa kanilang buwanang kita pati na rin sa pag-aaral ng mga bata, pero ito ang magagawa ng nakararami para tuluyan nang pigilan ang pagkalat ng COVID-19.
What other parents are reading
Kaya naman para sulitin ang mga linggong nasa bahay lang tayong lahat, maraming mga DIY projects at kung anu-ano pa ang sinubukan ng mga magulang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Narito ang ilan sa kanila:
Arts and crafts
Hindi ka man magaling sa art, matututo ka talaga kapag mayroon ka nang anak. Bukod sa love letters na ginawa ng mga bata para sa mga frontliners, mayroon ding isa pang trending artwork na sinubukan din nila.
Ito ay ang pag-trace ng kamay mo, kamay ni daddy, at kamay ng mga anak ninyo para makabuo ng isang memorabilia sa pinagdadaan nating ito.
Nakagawa ka na ba ng ganito ng inyong pamilya?PHOTO BY courtesy of Achelle Limjuco LopezADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNarito ang isa pang version mula sa ibang pamilya na miyembro ng Smart Parenting Village.PHOTO BY courtesy of Mary Grace Baluyut ManuelWhat other parents are reading
DIY laruan, playhouse, at pasyalan
Mabilis magsawa ang mga bata sa mga laruan. Kung dati ay pwede kayong lumabas at bumili ng bago, ngayon ay kailangan mong maging mas creative. Si mommy Alelly Hernane, ginawan ng 'movie house' ang anak niya. Si mommy Phoebe Cates naman, gumawa ng DIY kitchen cabinet, habang si mommy Riza Reyes naman ay bumuo ng 'food truck' gamit ang bunk bed ng mga anak niya.
"Mega Tower" naman ang ginawa ng anak ni mommy Ging Xa. Pinagpatong-patong lang niya ang mga lata ng sardinas na mayroon sila sa bahay.
'Mega' talaga ang tower na ito ng anak ni mommy!PHOTO BY courtesy of Ging XaCONTINUE READING BELOWRecommended VideosKwento naman ni mommy Xbee Barranda, araw-araw siyang kinukulit ng anak niya para pumunta sa 7/11. Kaya naman gumawa siya ng logo at idinikit ito sa dingding ng bahay nila—instant 7/11 na!
Feel na feel naman ni baby na nasa 7/11 siya dahil sa gawa ni mommy.PHOTO BY courtesy of Xbee BarrandaSobrang bongga naman ng playhouse na ginawa nina mommy Rose Ann at daddy Michael Bautista para sa mga anak nila. Kwento niya, first time lang nilang mag-asawa na gumawa ng DIY project. "May nakita [lang] akong nag-share [online] ng playhouse idea," sabi ni mommy. "Sinend ko kay hubby [at] pumayag naman siya."
Hindi pa nabubuo, andiyan na si baby!PHOTO BY courtesy of Rose Ann and Michael BautistaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaswerte naman na kamakailan ay giniba ang lumang bahay ng in-laws ni mommy kaya mayroon silang mga kahoy na nagamit. "Binuo muna 'yung pinaka brace niya," paliwanag ni mommy. "Tapos, nilapat na lang 'yung mga kahoy."
Ang ganda ng tandem nina mommy at daddy sa pagbuo ng playhouse ng mga anak nila.PHOTO BY courtesy of Rose Ann and Michael BautistaUnti-unti nang nabubuo ang playhouse!PHOTO BY courtesy of Rose Ann and Michael BautistaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi mo na kailangan pa ng background sa pagpipinta at pagkakarpentero. Bukod kasi sa marami nang instructional videos online, marami ka na ring patterns na pwedeng sundan.
Pintura na lang, okay na!PHOTO BY courtesy of Rose Ann and Michael BautistaTalagang nakataas pa ang paa ni baby!PHOTO BY courtesy of Rose Ann and Michael BautistaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Last January, nagpagawa kami sa karpentero ng personalized tables, then pinapinturahan namin sa kakilala naming pintor," pagbabahagi ni mommy. "Kami ang bumili ng mga gamit, minessage lang ito sa amin. At dahil hands-on kami sa paggawa nila, nakita namin ang mga procedures. 'Yun ang inapply namin sa pagpipuntura ng playhouse."
Recipes at iba't-ibang meryenda
Baking naman ang pinagkakaabalahan ng mag-ina ni daddy Gabie Solis Orprecio. Sobrang cute dahil may apron pa si baby at talaga namang tutok na tutok sa ginagawa niya.
Seryosong-seryoso ang mag-ina sa pagbabake!PHOTO BY courtesy of Gabie Solis OrprecioKakaiba naman ang creations ni mommy Alelly Hernane. Gumawa siya ng mga Disney Princess-inspired hotdogs! Mayroon siyang Arieldog, Belledog, Pocahotdog, at Rapunzeldog. Sabi nga niya, kung mas ma-extend pa ang quarantine, baka kung ano pang maimbento niya.
Belledog! (LOL!)PHOTO BY courtesy of Alelly HernaneADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng cute ni Arieldog!PHOTO BY courtesy of Alelly HernaneIba't-ibang mga meryenda na rin ang nakita namin sa Village. May gumawa ng cake, may sumubok ng Dalgona coffee, at may gumawa na rin ng hotdog and cheese wrap.
Dalawang linggo pa ang bubunuin natin bago matapos ang community quarantine. Anu-ano pa kaya ang mga maiimbento ng mga nanay at tatay sa susunod na mga araw.
Kayo? Anu-anong mga naimbento ninyo ngayong quarantine? I-share mo iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Para sa iba pang kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments