-
No Sine, No Problem! DIY 'Movie House' Ang Solusyon Ni Mommy
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Aminado si mommy Alelly Hernane, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, na nauubusan na rin siya ng mga ideya kung paano aliwin ang kanyang anak ngayong lahat tayo ay nakapirmi lang sa bahay dahil sa enhanced community quarantine.
Maaalala na nang magsimula ang lahat ng ito, kanya-kanyang paraan ang mga nanay kung paano nila sisiguraduhing hindi lang nakatutok sa gadgets, social media, at telebisyon ang kanilang mga anak. May 'nagpatayo' ng tindahan sa loob ng bahay, may gumawa ng DIY play kitchen, at mayroon ding nagswimming na lang sa loob ng bahay gamit ang batya at timba.
Ngunit ngayong halos tatlong linggo na tayong naka-community quarantine, sagsag na sa pag-iisip ng ibang pakulo ang mga nanay. Para may matutunan pa rin ang anak niya at makanood na rin ng mga paborito nitong mga cartoons, naisipan ni mommy Lely na magkaroon ng movie house sa kanilang house! "Sa panahon ngayon, marami sa atin [ang pumapayag] na manood ang mga chikiting para pampalipas ng oras, kaya naman ito ang naisip namin—Mommy's Movie House!" paliwanag niya.
Ready na ba kayong manood ng sine?PHOTO BY courtesy of Alelly HernaneADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGrabe, sold out nanaman ang Frozen 2!PHOTO BY courtesy of Alelly HernaneAng daming pagpipilian--ano kayang magandang panoorin?PHOTO BY courtesy of Alelly HernanePaano ito? Madali lang!
"Limitado ang screen time dahil sinasabi namin [sa anak namin] na 'hindi pa showing'" kwento ni mommy. "Kaya alam niya na na may oras lang ng panonood."
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Siyempre hindi kumpleto ang sinehan kung walang snack bar kaya mayroon din si mommy niyan! "Bawat food [ay] may [kaakibat] na task," ayon kay mommy Lely. Ibig sabihin, bago pa makain ni baby Audrey ang ano man sa mga snacks na 'tinda' ni mommy, kailangan niya munang gawin ang mga tasks.
Ang daming pagpipiliang snacks!PHOTO BY courtesy of Alelly HernaneSiyempre, dahil nagawa ni baby Audrey ang tasks, sitting pretty na siya na nanonood ng 'showing' na movie.PHOTO BY courtesy of Alelly HernaneADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHappy Feet ang napili niya!PHOTO BY courtesy of Alelly HernaneHalimbawa, kung gusto ni Audrey ng ponkan, hug muna kay mommy! Kung gusto naman niya ng Munchables, kailangan munang sagutin niya ang tanong na 'What is your name?' Pwede mo pang gawing mas challenging ang mga tasks tulad ng paghuhugas ng plato, pagliligpit ng toys, pag-aayos ng higaan at iba pa—depende sa edad ng anak mo. Kapag nagawa nila ang task, ibigay mo ang karampatang reward.
Nagagawa naman ni Audrey ang mga tasks ni mommy kaya naman nakataas pa ang paa niya na nanonood ng pelikula na 'showing' sa sinehan ni mommy.
Sa panahon ngayon na parami na nang parami ang mga dinadapuan ng COVID-19 at pahirap na rin ng pahirap ang ating sitwasyon dahil sa community quarantine at kawalan ng kasiguraduhan sa mga mangyayari sa hinaharap, nakakagaan ng loob ang ganitong mga pakulo ng mga nanay.
Ang mga bata nga ang pag-asa ng bayan. Kaya naman hindi humihinto ang mga magulang na palawakin ang kaalaman ng kanilang mga anak sa kabila ng banta ng COVID-19.
Kayo? Paano ninyo ipinapaliwanag sa mga anak ninyo ang nangyayari? Paano ninyo sila inaaliw sa panahon ngayon? I-share lang 'yan sa comments section.
Kung gusto mo pang makabasa ng iba pang kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.
What other parents are reading

- Shares
- Comments