embed embed2
  • Sa Php300 Lang, May DIY Sensory Board, Toy Kitchen, At Toy Car Ka Na

    Lahat ng mga materials mo ay makikita mo lang sa bahay.
    by Ana Gonzales .
Sa Php300 Lang, May DIY Sensory Board, Toy Kitchen, At Toy Car Ka Na
PHOTO BY courtesy of Phoebe Cates
  • Isa sa mga bagay na paborito naming nakikita sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ay ang mga DIY projects ng mga nanay at tatay na kasali.

    Bago pa man ang extended community quarantine, marami na silang mga proyekto na ibinabahagi. Mayroong DIY playground, may DIY andador, at iba pa—hindi talaga sila nauubusan ng mga ideas.

    Isa sa mga nakita namin ngayong linggo ay ang DIY sensory board, toy kitchen, at toy car ni mommy Phoebe Cates. Ayon sa kanya, ginagawan niya ng mga DIY creations ang mga anak niya dahil minsan lang naman sila bata. "Sabayan mo na. Minsan lang sila maging bata kaya patuloy akong gumagawa ng mga [paraan] para mapasaya ko sila araw-araw," kwento niya.

    What other parents are reading

    Paano gumawa ng sensory board?

    Simple lang ang paggawa nito. Kailangan mo lang ng matibay na board at iba't-ibang bagay na pwedeng idikit dito. Hindi kailangang mamahalin ang mga ilalagay mo. Kahit anong makukulay, tumutunog at gumagalaw na bagay ay pwede.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang sensory board kasi ay isang magandang paraan para i-build ang cognitive, sensory, at fine motor skills ng anak mo. Ilan sa mga magagandang ilagay sa iyong sensory board ay liha o sand paper, straw, bigas, o 'di naman kaya ay sintas ng sapatos.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Para sa sensory board ng anak ni mommy Phoebe, gumamit siya ng mga luma at sirang laruan. Gumamit din siya ng empty bottles, mga lumang letters at iba pa. Para sa kanyang board, gumamit siya ng karton, cartolina, tape, at gluestick.

    Mukhang enjoy na enjoy naman si baby sa sensory board na gawa ni mommy!
    PHOTO BY courtesy of Phoebe Cates
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Pati si ate nakiki-join na rin!
    PHOTO BY courtesy of Phoebe Cates

    Nasa Php50 hanggang Php60 lang ang nagastos niya para sa materials ng board. Ang mga laruan at gamit na idinikit niya ay nakuha lang niya sa bahay nila.

    What other parents are reading

    Paano gumawa ng DIY toy kitchen cabinet?

    Ineencourage din ni mommy Phoebe ang mga anak niya na mag-pretend play. Maganda kasi ito para naman sa kanilang imagination.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para mas maengganyo pang mag-pretend play ang mga anak niya, gumawa si mommy ng toy kitchen cabinet. Gumamit siya ng isang carton box na tatlo hanggang apat na layers ang kapal. "Sa likot at grabe maglaro, kailangan matibay [talaga] ang gawa," paliwanag ni mommy. Para rin makatipid, gawgaw ang ginamit ni mommy na pandikit.

     

    Kumpleto ang 'kusina' ni baby! May oven, lababo at may ref pa!
    PHOTO BY courtesy of Phoebe Cates
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Kapag nabuo mo na ang mismong frame, pwede mo na itong balutin ng cartolina. Para sa design, gumamit si mommy ng acetate film para sa bintana ng 'oven'. Gumamit siya ng lumang takip para sa pihitan ng oven, habang lumang lalagyan ng lotion naman at ice cream tub na walang laman ang ginamit niya para sa 'lababo'.

    Sa tantya ni mommy. Gumastos lang siya ng Php100 hanggang Php150 para sa toy kitchen cabinet ng anak niya.

     

    Ano kaya ang unang 'iluluto' ni baby sa kusina niya?
    PHOTO BY courtesy of Phoebe Cates
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Dahil may sobra pa siyang mga karton sa bahay, gumawa na rin siya ng toy car na pwedeng sakyan ng anak niya. Gumamit lang siya ng carton box, cartolina, at tape. Para sa 'gulong' gumamit lang siya ng mga paper plates. Halos Php20 lang ang nagastos niya dahil lahat ng ito ay mayroon na sa bahay nila.

     

    Pagkatapos maglaro ni baby sa kusina niya, bibiyahe naman siya sa bahay sa pamamagitan ng kanyang toy car.
    PHOTO BY courtesy of Phoebe Cates
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    "Excited lagi [ang mga anak ko] kapag may bago akong surprise sa kanila," kwento ni mommy. "Kapag masaya sila, siyempre masaya rin ako."

    What other parents are reading

    Sabi nga nila, madaling magsawa ang mga bata sa mga laruan nila kaya kailangan mo talagang maging creative pagdating sa pag-entertain sa kanila. Patunay si mommy Phoebe na hindi mo kailangang gumastos ng malaki para pasayahin ang mga anak mo. Ang mahalaga ay ang mga memories at moments na ginagawa mo kasama sila.

    Kumusta na kayo ngayong mas pinatagal pa ang community quarantine? Nauubusan na ba kayo ng mga activities for kids? Subukan ninyo ang mga activities na ito.

    Para sa iba pang kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles