-
Tanggal Dumi At Pesticide Residue: 3 Effective Panghugas Ng Prutas At Gulay
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Kung noon ay maingat na ang mga nanay, mas naging maingat pa sila ngayon. Sa dami kasi ng mga bagong karamdamang nagsusulputan, hindi maiwasan ng mga nanay na mag-alala at magdoble effort para bigyang proteksyon ang kanilang pamilya.
Sa katunayan, kani-kaniyang paraan nga ang mga nanay para linisin ang mga groceries na binibili nila bago ipasok ang mga ito sa bahay. Marami na ring mga disinfection techniques na makikita online para sigurado ang mga nanay na walang virus na makakapasok sa bahay.
Kung isa ka sa mga nanay ito na ilang ulit hinuhugasan at dinidisinfect ang mga pinamiling prutas, gulay, at iba pa, pwede mong gamitin ang tatlong fruits and vegetable wash recipes na ito.
Madali lang gawin ang mga ito at ang mga ingredients ay nasa bahay niyo lang.
3 Vegetable Wash Recipes
Vinegar + Water
Napakalaki talaga ng pakinabang sa ordinaryong puting suka. Hindi lang ito masarap na panluto at pangsawsawan, epektibo rin itong panlinis at pandisinfect ng maraming bagay.
May ilan pa ngang mga nanay na hinahaluan ng suka ang mga damit nilang nilabhan para talagang pumuti at luminis ang mga ito.
Hindi katakataka na epektibo ring panlinis ng mga prutas at gulay ang suka. Paghaluin mo lang ang one part vinegar at three parts water.
Lemon Juice + Vinegar + Water
Mabisa ring panlinis ang lemon juice o ang pinagbabaran ng balat ng lemon. May mga nanay pa nga na ginagamit itong panlinis ng maruming oven.
Kung gusto mo itong gamiting panlinis para sa mga prutas at gulay, paghaluin mo lang ang 1 cup vinegar, 4 cups tubig, at isang kutsara ng lemon juice. Haluing mabuti at gamiting pambabad sa prutas at gulay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWater + Lemon Juice + Baking Soda
Isa pang mabisang panlinis ay ang baking soda. Paghaluin mo lang ang 2 cups ng tubig, 2 kutsara ng lemon juice, at 1/4 cup ng baking soda, may panlinis ka na ng mga pinamili mong gulay.
Mas mainam gumamit ng spray bottle para sa vegetable wash na ito. I-spray lang ang mga gusto mong hugasan at hayaan mong nakababad nang hanggang 5 minuto bago mo banlawan.
What other parents are reading
Ilan lamang ang mga ito sa mga natural vegetable wash recipes na pwede mong gamiting panghugas sa ano mang prutas at gulay na bibilhin ninyo.
Pagkatapos gamitin ang mga ito'y siguraduhing magbabanlaw kang mabuti para talagang matanggal ang mga dumi at pesticide residue na mayroon ang mga pinamili mo.
Mayroon ka bang sarili mong vegetable wash recipe? I-share mo lang iyan sa comments section.
What other parents are reading
CONTINUE READING BELOWwatch now

- Shares
- Comments