embed embed2
  • 5 Masustansiya At Masarap Na Quarantine Recipes, Pasok Sa P150 Na Budget

    Madali lang ding hanapin ang mga sangkap sa mga putaheng ito.
    by Ana Gonzales .
5 Masustansiya At Masarap Na Quarantine Recipes, Pasok Sa P150 Na Budget
PHOTO BY Lizlee Medina-Pascua
  • Napakahirap ngang mag-budget ng pera ngayong may banta ng COVID-19 sa ating bansa. Bukod kasi sa karamihan sa atin ay walang pagkakakitaan, pahirapan ding mamili sa mga groceries at palengke.

    Kaya naman para makatipid at maiwasan ang paulit-ulit na paglabas, kung anu-anong mga recipes ang naiimbento ng mga nanay ngayon. Nariyan din ang pagiging picky eaters ng kanilang mga anak, kaya talagang doble kayod para makaisip ng mga pakulong mangeengganyo sa mga bata para kumain.

    Isa si mommy Lizlee Medina-Pascua sa mga nanay na nakilala namin na masipag mag-imbento at maghanap ng paraan para makapaghain ng masasarap at masusustansiyang pagkain nang hindi nakokompromiso ang kanilang budget.

    Narito ang ilan sa mga recipes na kasama sa kanyang ECQ Food Diary:

    Kamote Hash Brown

    Kung dati ay nakakakain ka lang nito mula sa mga fastfood restaurants, ngayon ay pwede mo na itong gawin sa bahay.

    Narito ang mas healthy na version ng paborito ninyong hash brown.
    PHOTO BY Lizlee Medina-Pascua
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mga sangkap:

    • Kamote
    • Sibuyas
    • Harina
    • Itlog
    • Skyflakes o kahit anong crackers na mayroon kayo
    • Mantika

    Paraan ng paghahanda:

    1. Balatan ang kamote, hugasan, gadgarin at itabi.
    2. Tadtarin ng pino ang sibuyas—depende sa gusto ninyong texture.
    3. Ihalo ang itlog sa kamote at timplahan ng sibuyas at asin. Haluing mabuti.
    4. Idagdag paunti-unti ang harina.
    5. Durugin ng pino ang crackers. Ito ang magsisilbing breadcrumbs kung wala kayong breadcrumbs sa bahay.
    6. Ihulma ang kamote mixture para maghugis parisukat o parihaba—depende sa gusto ninyo. I-coat ng breadcrumbs.
    7. Prituhin hanggang maging golden brown.

    Php49 lang ang nagastos ni mommy sa recipe na ito. Pwede na itong pagsaluhan ng apat na bata, edad 1 pataas.

    More from Smart Parenting

    Vegetable Nuggets

    Mas masustansiyang alternative naman ito sa paborito ng mga anak mo na chicken nuggets.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Masarap ito kapag may kasamang sweet and sour sauce o 'di kaya ay gravy.
    PHOTO BY Lizlee Medina-Pascua

    Mga sangkap:

    • Kalabasa
    • Patatas
    • Malunggay
    • Carrots
    • Itlog
    • Harina
    • Bread crumbs o dinurog na crackers
    • Bawang
    • Sibuyas
    • Asin
    • Paminta
    • Mantika

    Paraan ng paggawa:

    1. Ilaga ang patatas, balatan, at durugin. Itabi.
    2. Ilaga ang kalabasa, durugin, at itabi.
    3. Gadgarin ang carrots. Itabi.
    4. Tadtarin ng pino ang bawang, sibuyas, at malunggay. Itabi.
    5. Sa isang lalagyan, pagsama-samahin ang bawang, sibuyas, malunggay, carrots, asin, at paminta. Haluing mabuti.
    6. Ihulma para maghugis nuggets bago i-coat ng breadcrumbs.
    7. Iprito hanggang maging golden brown.

    Php60 ang nagastos ni mommy sa recipe na ito. Pwede itong pagsaluhan ng tatlo hanggang apat na tao. Masarap ito kung may kasamang barbecue sauce o 'di kaya ay ketchup at mayonnaise—depende sa gusto ninyo.

    More from Smart Parenting

    Afritada Tuna Flakes

    Pwede itong ipalaman sa tinapay o 'di kaya ay iulam sa kanin.

    Pwede itong pang meryenda at pwede ring pang-ulam.
    PHOTO BY Lizlee Medina-Pascua
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga sangkap:

    • Tuna flakes in oil
    • Patatas
    • Carrots
    • Bell Pepper
    • Dried Kamatis
    • Tomato Sauce
    • Sibuyas
    • Bawang
    • Asin
    • Paminta
    • Tubig

    Paraan ng paggawa:

    1. Paghiwalayin ang tuna flakes at langis. Itabi pareho.
    2. Gamitin ang langis mula sa tuna para paggisahan ng bawang, sibuyas, dried kamatis, at bell pepper.
    3. Ilagay ang patatas at carrots.
    4. Lagyan ng tubig at hayaang lumambot.
    5. Ilagay ang tomato sauce at tuna flakes. Timplahan ng asin at paminta.
    6. Hayaang kumulo hanggang lumapot ang sauce.
    More from Smart Parenting

    Kamote patties in mushroom sauce

    Para na ring nakakain ng burger steak inyong pamilya sa recipe na ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Burger steak ba ang hanap ninyo?
    PHOTO BY Lizlee Medina-Pascua

    Mga sangkap para sa kamote patties:

    • Kamote
    • Harina
    • Sibuyas
    • Bawang
    • Itlog
    • Asin
    • Paminta
    • Breadcrumbs o durog na crackers
    • Mantika

    Para sa sauce:

    • Button mushroom
    • Toyo
    • Tubig
    • Cornstarch

    Paraan ng paggawa:

    1. Ilaga ang kamote, balatan, at durugin. Itabi.
    2. Tadtarin ang bawang at sibuyas. Itabi.
    3. Paghaluin ang kamote, bawang, at sibuyas. Ihulma para maging patties.
    4. Prituhin hanggang maging golden brown.
    5. Para naman sa sauce, ilagay ang button mushroom sa isang kawali.
    6. Lagyan ng toyo ayon sa iyong panlasa.
    7. Idagdag ang tinunaw na cornstarch hanggang lumapot ng ayon sa gusto ninyo.

    Kung wala namang mabiling button mushroom, pwedeng gumamit ng mushroom powder. Sabi ni mommy pwede itong meryenda, palaman sa burger, o ulam.

    More from Smart Parenting

    Banana Patties

    Maniniwala ka bang gawa ito sa balat ng saging na saba?
    PHOTO BY Lizlee Medina-Pascua
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa ito sa mga pinaka nakakabililb na recipes ni mommy. Alam niyo bang pwede pang ulamin ang balat ng saging na saba?

    Sa katunayan, puno ito ng fiber, potassium, protein, iodine, at iba pang bitamina. "Kapag bumili kayo ng saba, huwag itapon ang balat. Lalo na sa panahon ngayon ng krisis—dapat maging matipid," payo ni mommy.

    Mga sangkap:

    • Nilagang balat ng saging na saba
    • Itlog
    • Sibuyas
    • Bawang
    • Asin
    • Malunggay
    • Harina
    • Mantika

    Paraan ng paggawa:

    1. Tadtarin ang balat ng saging, sibuyas, at bawang. Itabi.
    2. Pagsamahin ang mga tinadtad na sangkap, pati na rin ang malunggay.
    3. Lagyan ng itlog at harina saka timplahan ng asin at paminta, depende sa iyong panlasa. Haluing mabuti.
    4. Ihulma na pormang patties.
    5. Iprito hanggang maging golden brown.
    More from Smart Parenting

    Marami pang ibang recipes si mommy Lizlee na hindi lang masustansiya, kundi abot-kaya rin. "Naisipan kong gawin ito para makatulong sa mga nanay na hindi ganoon kataas ang budget at walang trabaho ngayong may pandemic," kwento ni mommy sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Hindi kailangang mahal para maging malusog," dagdag pa niya. "Kailangan lang maging creative sa pag-iisip ng ulam na lulutuin." Makakatulong din daw kung magtatanim ka ng sarili mong gulay. "Magtanim ng gulay na madaling tumubo," payo ni mommy. "[Hindi magastos ang mga tanim tulad ng] kamatis at pechay."

    Kayo, marami na ba kayong naimbentong recipes ngayong may ECQ? Anu-ano ang mga ginagawa ninyo para makatipid? I-share niyo lang sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles