embed embed2
  • Gugupitan Si Mister Habang Quarantine? Paano Gawin Ito Ayon Sa Sikat Na Hairstylist

    Ito ang pinagkakaabalahan ng ilang celebrity moms noong nakaraang mga linggo
    by Lei Dimarucut-Sison .
  • Maraming mga hidden talents ang ating nadidiskubre sa ating sarili ngayong tayo ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine. May mga sumubok mag-bake, nag-aral tumugtog, at nagsimula ng vegetable garden. Ang iba ay gumawa ng mga painting at crafts, at marami pang iba.

    Nitong mga nakaraang linggo, maraming nag-share sa social media ng larawan o video na nagpapagupit ng buhok habang naka-quarantine, mapa-celebrity man o hindi. At dahil hindi nga makalabas para pumunta sa mga salon, may nadiskubre na namang panibagong talent ang mga misis at nanay: kaya din pala nila ang salon-quality haircut!

    Nag-share si Nico Bolzico ng video nang ginupitan siya ng asawang si Solenn Heussaff noong March 14. Kilala ang dalawa sa kanilang mga nakakatawang videos na naglalarawan ng buhay may-asawa.

    Kahit mukhang ninenerbyos, hinayaan ng Argentinean model at businessman ang kanyang misis na gupitan siya. Paminsan-minsan ay si Nico mismo ang sumusubok mag-shave sa buhok niya, kapag umaalis si Solenn para i-check ang kanilang 3-month-old na anak na si Thylane.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hindi na nila ipinakita kung paano nagtapos ang kanilang gupitan session, pero sa hiwalay na post ay in-upload ni Nico ang litrato niya na may bagong hairstyle, na ikinumpara niya sa "look" ng Hollywood actor na si Brad Pitt.

    What other parents are reading

    Noong April 1, ipinakita naman ni Bianca Gonzalez ang Do-It-Yourself gupit niya sa asawang si JC Intal at sa kanilang panganay na si Lucia, 4 na taong gulang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "DAY 17 & 18. Umabot na po tayo sa ganito. Masaya naman ang mga customer ko," sabi niya sa caption.

    Kahapon, si Nikki Gil naman ang nag-share ng ilang videos kung paano niya ginupitan ang asawang si BJ Albert sa loob ng kanilang bahay. Mayroong isang anak sina Nikki at BJ, ang dalawang-taong gulang na si Finn

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Salon de quarantine," caption niya sa isa sa kanyang Instagram Stories. Pero dinagdagan din niya ito ng text na "Marriage milestone," dahil totoo namang mahirap maging customer ang iyong asawa (lalo pa kung hindi ka naman talaga marunong maggupit). 

     

    PHOTO BY @nikkigil/Instagram Stories
     

    "'Stress level 10' for both of us, hahahaha," caption niya sa isa pa. "Daming requirements, wala naman tip," biro pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    PHOTO BY @nikkigil/Instagram Stories
     

    At sa huli, ipinakita din ni Nikki ang "finished product."

     

    PHOTO BY @nikkigil/iStock
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Anthony Taberna, ang ABS-CBN broadcaster na mas kilala sa pangalang "Ka Tunying," hindi na rin nahintay matapos ang enhanced community quarantine para magpagupit. Pinagawa na niya ito, pero hindi sa asawang si Rossel kundi sa isa sa kanilang panadero sa Ka Tunying's Café.

    "Pati Panadero, sumasaydlayn na Barbero! Dahil sarado barberya, si Dodong na ang tumirada sa buhok kong ubod-haba!" caption niya sa video na ipinost noong April 4. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mainit na kasi talaga ang panahon at kailangan nang magpagupit! Kung balak ninyong gupitan ang inyong mister sa bahay, makakatulong ang mga tip na ito na ibinahagi ng kilalang celebrity hairstylist na si Jing Monis sa GMA News:

    1. Gumamit ng tamang "tools."

    Kakailanganin mo daw ng gunting, salamin, cape, suklay, at razor. Kung wala daw hair-cutting scissors, mas maigi daw gamitin ang kitchen scissors kaysa paper scissors. Sa suklay naman, gumamit ng fine-toothed comb, pero maari din kahit anong mayroon kayo.

    2. Alamin kung ano ang klase ng gupit na gusto ni mister.

    Mas malinaw, mas maganda ang kalalabasan.

    3. Basain ang buhok.

    Kailangan daw ay basa ang buhok kapag ginupitan dahil mas madaling hatiin ito sa sections: bottom, middle, left, and right. Unahin daw ang middle section, isunod ang bottom, at ihuli ang left at right sides.

    4. Huwag matakot maggupit (o magpagupit) sa bahay.

    Sabi ni Jing, babalik naman ang inyong buhok sa dati. Pinayuhan din niya ang mga kalalakihan na i-shave na lamang ang kanilang buhok o magpa-skinhead, lalo at mukhang matatagalan pa ang quarantine.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailan ang gupitan session sa inyo, mommies? Patingin ng picture! 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles