-
Epektibong Paraan Para Linisin Ang Madulas At Mamantikang Tiles
Mabisa rin itong pantanggal ng mantika at iba pang maaaring natapon ng mga bata.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Kung may kasama kang mga maliliit na bata sa bahay, hindi talaga maiiwasan ang kalat. Isa sa mga madalas na inaalala ng mga nanay, bukod sa clutter, ay ang kalinisan ng sahig sa bahay.
Malimit kasing sa sahig naglalaro ang mga bata. Kung wala kayong play mat o ano mang sapin sa sahig, kailangan mo talagang siguraduhing malinis ang flooring ninyo.
Kung problema mo ang mamantika, madulas, o 'di kaya ay magalas na sahig, narito ang mga pwede mong subukang cleaning techniques.
4 Mabisang Paraan Ng Paglilinis Ng Sahig
1. Ugaliing magwalis araw-araw
Kung hahayaan mong maipon ang alikabok, buhok, mugmog mula sa pagkain at iba pa, manunuot at didikit ito sa sahig ninyo—mas mahihirapan kang maglinis.
Kaya naman, mahalagang magwalis ka ng bahay, dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw. May mga sahig na dirt resistant, ngunit nagagasgas pa rin ng dumi. Para mapanatiling maganda ang itsura ng flooring ninyo, gawing habit ang pagwawalis.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW2. Piliin ang tamang uri ng mop
Alam mo bang malaki ang epekto ng uri ng mop na gamit mo sa kalalabasan ng paglalampaso mo? Para sa mga tiles, mas mainam gamitin ang ordinaryong basahan o hindi kaya ay iyong mga chamois na mop.
Kapag sponge kasi ang ginamit mo, itutulak lang nito ang dumi papasok sa grout ng flooring ninyo. Siguraduhin mo ring regular kang nagpapalit ng tubig panlampaso.
3. Iwasang gumamit ng laundry detergent
Bukod sa delikado ito para sa mga bata, maaari ring mag-iwan ng bakas, o iyong tinatawag na 'soap residue' ang sabong panlaba.
Inilista ng mga nanay sa Smart Parenting Village ang mga subok na nilang panlinis ng sahig. Narito ang ilan sa kanila:
- Zonrox Muti Clean – Ayon sa mga nanay, long-lasting ang amoy nito at mabisa ring pantanggal sa langis sa sahig.
- Pinesol – Marami sa mga nanay ang nagrekomenda nito. Sabi nila, gamitin mo ang Pinesol bilang unang panlinis. Saka mo i-mop ang sahig ng malinis na tubig bago tuyuin ng basahan.
- Lysol – May mga nanay na ihinahalo ito sa tubig para bukod sa malinis na ang sahig, disinfected na rin ito.
- Suka – Kung gusto mo namang natural ang panlinis mo, pwede kang maghalo ng puting suka sa tubig na panlampaso mo. Kalahating tasa ng puting suka ang ihahalo mo sa isang galon ng tubig para maging epektibong panlinis.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
4. Linisin agad ang mga natatapong pagkain at inumin
Huwag mo nang hintaying maipon ang mga mantsa sa sahig bago mo ito linisin. Kung may natapon, ppinasan mo ito agad ng basang basahan. Tuyuin mo rin agad ito para hindi na kapitan pa ng karagdagang dumi.
Kung mantika ang problema mo, ugaliin mong punasan ang pader at sahig sa tuwing matatapos kang magluto.
Sa panahon ngayon na maraming nagsusulputang bagong karamdaman, kailangang mas maging partikular tayo pagdating sa kalinisan ng ating bahay.
Mayroon ka bang ginagamit na technique para mas madaling malinis ang sahig ninyo? I-share mo na ito sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments