
PHOTO BY Dapitan Arcade

Trending in Summit Network
;
Isang taon pa lamang ang nakalipas nang una naming ipasilip sa inyo ang mga pwede ninyong mabili sa Dapitan Arcade. Isang taon pa lang ngunit napakarami na ngang nagbago. Ngayon, malimit nang online ang mga transaksyon dahil sa COVID-19.
Bagaman maraming mga negosyo ang nalugi at nagsara, marami rin naman ang lumipat online—kabilang na riyan ang Dapitan Arcade.
Kilala ang lugar na ito sa mga mura nilang Christmas decorations, mga palamuti sa bahay, lampara, dinnerware at marami pang iba.
May mabibili ka sa Dapitan Arcade ano man ang budget mo. Halimbawa, mayroon silang mga magagandang bowl sets na nagkakahalaga ng Php270.
Samantalang ang kanilang wooden bowls naman ay nagkakahalaga ng Php200. Mayroon din silang wooden plates na nagkakahalaga naman ng Php160 hanggang Php180.
Bukod pa sa mga plato at mangkok, mayroon din silang mga stainless steel spoons and forks. Nagkakahalaga ang isang set nito ng Php370.
Kung nagbabalak ka naman na mag-home makeover ngunit limitado ang inyong budget, dito ka pwedeng bumili ng mga abot-kayang pandekorasyon. Mayroon silang magagandang Turkish bowls na pwede mong maging multipurpose na dekorasyon. Mayroon din silang mga ceramic vases na Php280 lang.
Pwede ka rin dito bumili ng mga organizers at chests na pwedeng paglagyan ng gamit ng anak mo sa school at iba pa.
Para naman sa mga gustong simulan ang pagiging plantito at plantita, mayroon silang mga racks na pwedeng pagpatungan ng mga paso ng halaman o vases ng bulaklak. Php750 lang ang mga ito.
Marami ka ring pagpipilian sa mga planters nila. Nagkakahalaga ang mga ito ng Php350 hanggang Php500. May mga pots din sila na iba-iba ang laki at kulay—bahay sa ano mang disenyo o motif ng tahanan ninyo.
Tuluyan na ngang binago ng pandemic na ito ang mga negosyo, hindi lang dito sa atin, kundi sa buong mundo. Mayroon mang mga bahagyang adjustments, hindi ibig sabihin nito'y hindi mo na mabibili ang mga pangangailangan ninyo ng pamilya mo.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Step 1:
Open the email in your inbox.
Step 2:
Click on the link in the email.
Step 3:
Continue to reset your password on Smartparenting.com.ph.