embed embed2
  • Panawagan Ng Mga #BulliedHusbands: Ayusin Niyo Naman Kasi 'Yung Listahan

    Mahirap nga namang mamili sa grocery at palengke kung hindi maayos ang pagkakalista.
    by Ana Gonzales .
Panawagan Ng Mga #BulliedHusbands: Ayusin Niyo Naman Kasi 'Yung Listahan
PHOTO BY courtesy of Kat Huertas-Tamayo
  • Dati, napakadaling pumunta sa mga groceries at pamilihan. Mahaba man ang mga pila, masaya pa rin dahil kasama mo naman ang iyong buong pamilya habang naghihintay.

    Dahil sa banta ng novel coronavirus o mas kilala natin bilang COVID-19, isang miyembro na lang ng bawat pamilya ang pinapayagang lumabas para bumili ng supplies. Hindi na rin sabay-sabay ang pagpasok sa loob ng mga groceries.

    What other parents are reading

    Ngayon, kahit alas nuwebe pa ng umaga ang bukas ng mga pamilihan, maaga pa lang ay nakapila na ang mga namimili—kalimitan, mga tatay ang sumasabak.

    Dito na nga nadiskubre ng mga nanay na hirap pala ang mga tatay pagdating sa pamimili. Kalimitan, naliligaw sila sa pamilihan o 'di naman kay ay mali ang mga items na nakukuha nila.

    Marami nga ang naka-relate sa mga litrato ng mga grocery shopping bloopers ng mga tatay. Ito na rin marahil ang nagtulak sa mga tatay na magpost din ng kanilang mga saloobin. Kamakailan nga ay nakita namin sa Facebook ang trending post ni daddy Pepe Fernandez.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Ligtas at kasalukuyang nasa mabuting kalagayan naman ang mag-anak ni daddy Pepe.
    PHOTO BY courtesy of Pepe Fernandez
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Sabi niya, nabibili naman niya halos lahat ng nasa listahan ng asawa niya. "Bilang walang babae sa aming magkakapatid at independent naman kami simula bata pa, marunong naman akong mamalengke," sabi niya sa kanyang post.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kwento niya sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview, pangalawa siya sa tatlong magkakapatid at ang panganay nila ang nagturo sa kanyang mamili. "Single parent kasi ang nanay ko kaya seven years old pa lang, nauutusan na kami sa palengke," sabi niya.

    Pero paano na lang kung hindi lumaki si daddy na sanay sa pamamalengke? Sabi nga niya, "siguro nagkandaloko-loko na."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Sa mga misis diyan ha, bigyan ko lang kayo ng tip," sabi niya sa kanyang post. "Medyo nakakagigil din kayo minsan eh," pagbibiro niya.

    Ito si daddy at ang kanyang six-year-old unica hija kasama rin si mommy.
    PHOTO BY courtesy of Pepe Fernandez
    What other parents are reading

    Narito nga ang ilang mga "tips" ni daddy para sa mga nanay—para naman mabawasan ang 'aberya' kapag namimili sila:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maglagay ng quantity

    "Paki lagyan ng quantity please," sabi ni daddy. "Para madali ang buhay ng kung sino man ang naatasan na mamili."

    Paano nga naman kasi kung tig-iisang piraso ang bilhin ng nasa palengke? "Isang bawang, isang sibuyas, isang talong, isang pipino—o, so paano na?" tanong ni daddy.

    Smart Parenting Tip! Para mas madali, gumawa ka na ng meal plan na pang-isang linggo. Sa ganitong paraan, hindi labis at kulang ang quantity ng mga items na ipapabili mo kay daddy. Hindi na kayo gagastos ng sobra, hindi pa kayo masisiraan ng pagkain.

    What other parents are reading

    Ilista ng ayon sa section

    "Mahirap maghanap ng suka lalo na at nasa section ka na ng mga Zonrox at Domex," sabi ni daddy. "The task is hard already as it is. Don't make it any harder for us. Understood? Charooot!" pabirong sabi ni daddy Pepe.

    Lagyan ng brand

    "Isama na rin dito ang inyong first, second, at third choice, ayon kay daddy." "Halos ubos ang mga stocks sa grocery," sabi pa niya. "Kung may choice na diyan, hindi ka na kailangan pang tawagan ni mister."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magprovide ng options

    "Halimbawa, kung walang tuna, corned beef na lang," payo ni daddy. "Hindi 'yung magagalit kayo na wala na ngang tuna, wala pang corned beef. Una, hindi siya manghuhula. Malay niya bang gusto mo 'yan. Pangalawa, walang nakasulat. Malay niya ba kung may stock pa sa pantry kaya hindi ka nagpabili. Tapos kapag may stock nga at bumili pa din si mister. Magagalit nanaman kayo kasi ang dami dami na."

    Ito ang patunay na communication is key!

    What other parents are reading

    Kapag may hindi nabili, huwag muna kayong magalit

    Ito na marahil ang pinakamahalaga sa lahat ng mga tips ni daddy. "Marami nang empty aisles," sabi niya. "Maraming shelves ang parang binagyo. Maraming items ang wala nang stock. Posible rin namang nakalimutan niya o hindi na binalikan dahil sa dami ng tao."

    Ayon pa kay daddy, hindi biro ang mag grocery sa panahon ngayon. "Ang asawa mo ay isang sundalo. Sundalo na mag-isang sinusuong ang digmaan. Ipagdasal mo siya at intindihin. Patawarin at unawain. Make peace not war."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Payo naman ni daddy sa mga kapwa niya tatay at runner, "Take this as an opportunity para mas maintindihan natin 'yung mga asawa natin."

    "May learnings kasi in the process," kwento pa ni daddy. "Mas maiintindihan natin 'yung hirap [ng mga asawa natin] sa [budgeting], pati na rin sa pagbibigay at pagaayos ng mga pangangailangan sa bahay ng pamilya."

    What other parents are reading

    "Learn to appreciate na hindi rin madali ang ginagawa nila. Isipin ninyo, ilang beses pa lang natin itong ginagawa, ang hirap na. Sila pa kaya na regular itong ginagawa," dagdag ni daddy. "Kung may natuklasan naman kayo na useful na pwede niyang magamit, ituro niyo rin sa kanya."

    "Enjoy niyo lang 'yung experience, kasi masarap itong pagkwentuhan at pagtawanan kapag natapos na ang lahat ng ito. Simula sa nakalimutan mong bawang at sibuyas, papunta sa maling mantika at toyo, hanggang sa bilasang isda na nabili mo o hindi mo nabili—good memories lahat 'yan," pagmumuni-muni ni daddy. "Always part ng destination is 'yung journey. Kapit lang mga kaibigan. Matatapos din ang lahat ng ito. Stay strong!"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nag grocery ba si mister ngayong linggo? Kumusta ang mga napamili niya? Tama ba? Maayos ba ang listahang ginawa mo para sa kanya? I-share mo ang experience ni daddy sa comments section.

    Para sa iba pang mga kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles