embed embed2
  • Paano Maiiwasan ang Indoor Air Pollution?

    Ang mga pollutant sa loob ng bahay ay maaaring maging sanhi ng mga sakit sa baga at iba pang mga problema sa kalusugan
    by Cielo Anne Calzado .
Paano Maiiwasan ang Indoor Air Pollution?
PHOTO BY iStock
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Parami na nang parami ang mga taong nagsusuot ng mga masks sa kalsada para maiwasang makalanghap ng usok at magkasakit. Dahil pumupunta tayo sa iba’t ibang lugar, tayo ay parating exposed sa outdoor air pollution. Kung sa palagay mo ay ligtas ka na kapag nakauwi ka na sa iyong bahay, nagkakamali ka. Meron pa ring pollutants na maaring nananatili sa loob ng iyong bahay at maaring itong magdulot ng sakit. Para makaiwas sa mga ito, alamin kung paano maiiwasan ang indoor air pollution. 

    Ayon sa World Health Organization (WHO), tinatayang nasa 3.8 milyon ang bilang ng mga taong namamatay dahil sa exposure sa polusyon sa loob ng bahay taun-taon.  Nanggagaling ito sa iba’t ibang bagay at uri ng gas, chemicals at substance. Bukod sa usok mula sa paninigarilyo, ang pagluluto, ilaw at ibang mga bagay na ginagamit natin sa loob ng bahay at maaring maging sanhi ng pagdumi ng hangin.  At minsan, kung kulob at hindi maganda ang ikot ng hangin sa isang lugar, pwedeng maging nakamamatay ang mga pollutant na ito. Sikaping panatiliing malinis ang hangin sa loob ng bahay sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga maaring pollutants at pag-alala sa mga dapat gawin. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga karaniwang sanhi ng indoor air pollution 

    Usok mula sa paninigarilyo

    Ayon sa WHO, ang paninigarilyo ay isa sa mga pinaka-mapanganib  at pinakakilalang  uri ng polusyon ngayon. Hindi lang ito limitado sa paninigarilyo dahil kasama rito ang mga pollutant na nanggagaling sa kerosene para sa pagluluto at ilaw, na maaring magdulot ng mga sakit tulad ng bronchitis, emphysema at sakit sa puso. 
    More from Smart Parenting

    Sobrang hangin o moisture sa lugar 

    Sino'ng mag-aakala na nagsasanhi rin ito ng polusyon? Pwedeng makaapekto ang sobrang hangin o basing hangin sa kalusugan ng mga naninirahan sa iyong lugar. Ayon sa Smarter House, ang moisture ay isa sa mga pinakamahalaga, pero pinaka hindi kilalang pollutant sa loob ng bahay. Naaapektuhan nito ang kalusugan ng tao at ng mismong gusali o bahay. Kapag naiipon ang moisture, naiipon rin ang molds, mildew o amag at dust mites, na nagdudulot ng hika o allergies, nakakasira ng mga produktong gawa sa kahoy at mapabilis ang pangangalawang ng mga bagay. 

    Mga bagay na gumagamit ng gas at range

    Gumagawa ito ng carbon dioxide, carbon monoxide at water vapor.  Sabi ng SmarterHouse, kung walang magandang ventilation, mabibilis na kakalat ang mga pollutant sa inyong bahay. Ayon sa WHO, nakamamatay ang pagka-expose sa labis na exposure sa carbon monoxide. Sabi sa kanilang website, mapanganib ang pagkaroon ng exposure sa mga problemang pangkalusugan tulad ng pagtamlay, pagkakaroon ng hika sa mga bata, at cardiac disease.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Volatile Organic Compounds (VOCs)

    Kung mahilig kayo sa mga halamang lumilinis ng hanging, malamang nabas a o narinig niyo na ang VOCs. Kabilang dito ang formaldehyde at iba pang substance na nangggagaling sa mga produktong karaniwang ginagamit sa bahay tulad ng pintura, wax, aerosol sprays at iba pang produktong panglinis.  

    More from Smart Parenting

    Paano lilinisin ang hangin sa loob ng inyong bahay 

    Iwasan ang polusyon sa loob ng bahay sa pamamagitan ng mga paraang ito: Palamutihan ng mga halaman na naglilinis ng hangin

    Maglagay ng mga halamang lumilinis ng hangin 

    Magandang balita – maraming mga halaman na nagtatanggal ng formaldehyde at VOCs sa hangin, at madali lang silang alagaan. Sa isang pag-aaral na ginawa ng NASA, merong 17 halaman na pwede mong ilagay sa iyong bahay tulad ng Aloe Vera, Spider Plant, Boston fern, Bamboo Palm at Devil’s Ivy. Maglagay ng isa o dalawang paso ng mga halamang ito sa magkakaibang lugar sa loob ng bahay – pati na sa kwarto para malinis ang hangin dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gawing no-smoking zone ang iyong bahay 

    Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, simula 1964, tinatayong 2,500,000 nang tao na hindi naninigarilyo ang namatay dahil sa mga problemang idinulot ng pagka-expose sa secondhand smoke. Panatiliing ligtas ang iyong pamilya at iutos na hindi pwedeng manigarilyo sa loob ng bahay. Bukod sa maiiwasan ang polusyon, matutulungan pa kayong makaiwas sa mga sakit.

    Pumili ng mga produktong environmentally-friendly 

    Maging wais sa pamimili. Bago mo ilagay ang isang produkto sa iyong grocery basket, alamin muna kung saan gawa ito. Pumili ng mga produkto na organic at maganda para sa kalikasan. Ang mga tindahan tulad ng Messy Bessy at Ritual ay nagtitinda ng mga produkto tulad ng mga panglinis sa bahay, pero wala itong halong kemikal na nakakapinsala sa kalikasan.  Kung ito ang gagamitin mo sa iyong bahay, maiiwasan mo ang magkalat ng toxins habang ikaw ay naglilinis o naghuhugas ng mga plato. 

    More from Smart Parenting

    Tingnan kung may mold sa iyong bahay 

    Humingi ng tulong sa mga eksperto na makakapag-inspeksyon kung merong mold at mga amag sa iyong bahay. Para makaiwas sa mold, siguraduhing walang butas ang iyong kisame, mga tubo, gripo at iba pang dinaraanan ng tubig. Pasingawin rin ang hangin sa banyo pagkatapos gamitin sa pamamagitan ng pagbukas ng pinto at mga bintana rito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gawing regular ang paglilinis ng bahay

    Para maiwasan ang indoor air pollution, panatiliing malinis ang loob ng iyong bahay. Hindi lang ito basta-bastang pagwawalis at pagpunas ng sahig. Kailangan rin punasan ang mga lugar na maalikabok, at gumamit ng vacuum cleaner kung meron. Ugaliin rin na labhan at linisin ang mga unan at kutson.

    More from Smart Parenting

     

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles