Every time I clean up the dining table after meals, or when I load dirty clothes in the washing machine, my three-year-old toddler would ask me, "Mom, why are you always working hard?"
Among the different responses in my head was, "No one else will do it but me."
Since we became a family, we were yaya-less. My husband and I already planned to get one, but the ones recommended by our relatives and friends were either back in their provinces or are hired by someone else. Our next option would be to try the yaya hunter or agency route, but I have read and heard all the yaya horror stories, and I don't want to risk it.
There are days when you can wing it all, but there are days when you just need help.
READ: Pinay Mom Shares How Her 8-Year-Old Suffered After She Used Gadgets as 'Secondary Yaya'
This morning, while browsing the Smart Parenting Village, Smart Parenting's Facebook community of over 90k moms and dads, parents have been sharing success stories about their kasambahays. It gave me hope!
If you are also Team No Yaya like us, here are some excerpts of their posts that I would like to share with you, thinking that it could change our minds.
RELATED: Isabelle Daza Leaves Nothing to Chance With Contract for Kasambahays
Yaya Chronicles from the Smart Parenting Village
These were posted anonymously by Smart Parenting Village members. Some details were omitted and edited for brevity.
'Makakahanap pa din naman pala ng okay!'
"Gigising ng 5:30 para magluto ng breakfast, linis bahay. Pag time ko na kumain, sa kanya na si baby, mga 1-2 hours na hawak niya. Then mga 11:30 after niya magluto ng lunch or minsan si husband ang nagluluto, mag-lunch na siya. Una siya lagi mag-lunch or minsan sabay sila ng panganay ko kasi papasok ulit ng school.
"Super thankful kami kasi ang sipag niya."
After niya mag-lunch, kunin ulit si baby until 12:30 para kami naman ni husband ang kakain. After niya maghugas ng plato, pahinga na niya ng 1pm to 3pm, papasok na ng room. May sarili siyang kwarto. 3pm or pag gising na si baby, ibibigay ko nanaman si baby sa kanya until mga 5:30, tapos mag-dinner na sila ng anak kong panganay. Nasa probinsya kami so maaga ang gising at maaga din ang tulog, normally mga 7 or pinaka-late na ang 8PM tapos na siya sa lahat ng gagawin. Yun yung time niyang gumala. Babalik nalang mga 10-11PM.
Ako ang nagpapakain sa baby, nagpapaligo, nagpapalit ng diaper. Hahawakan niya lang si baby kapag kakain ako, maliligo, or may gagawin lang. Para sa akin super okay na yung kasama namin ngayon, bihira lang umuwi. Wala namang problema gumala siya ng gabi dahil tapos na niya lahat ng trabaho at kilala namin ang boyfriend niya. Sana lahat ay makahanap ng mabuting kasambahay."
'Love namin sya at ng buong family. Love din nya mga anak ko'
"Nagwork ako before sa isang exclusive village and siya ang mayordoma at ako ang personal secretary. Magkasama kami sa isang room at sa ibang room yung ibang mga kasambahay. Alaga nila akong lahat mas lalo si Ate Mayordoma. Since kaming dalawa ang pinagkakatiwalaan ng mga boss, kami nagdedesisyon sa bahay kapag wala mga boss. Naging mag best friend kami.
"In return, I see to it na naaalagaan ang family niya sa province."
Dumating sa point na nagka bf ako at kinasal, lahat ng yun naging parte ang mga kasambahay sa buhay ko. Mas kilig pa sila kesa sakin. Dahil maselan sa pagbubuntis, I decided na magresign na. Guess what?Nagresign din sya at sumama na din sakin si Ate Mayordoma! Ayun, siya na nag-alaga ng panganay ko at ngayon sa new baby namin. Mag 5 years na siya sa amin.
Super thankful kami kasi ang sipag niya. Mula food, laba, linis, lahat siya sa bahay. Pag na-o-ospital ako dahil sa pagbubuntis at panganganak siya ang nag-aasikaso ng lahat, no need na utusan, may KUSA at MALASAKIT. In return, I see to it na naaalagaan ang family niya sa province at yearly may one month siyang uwi para makasama family niya. Love namin siya at ng buong family. Love din niya mga anak ko. Sana makahanap din kayo ng kagaya niya."
'May buhay din sila outside ng buhay nila sa atin'
"Groovy pa si yaya at 55 years old. Napamahal na sa akin actually kaso nakita ko naman kahit lulubog, lilitaw siya, na-appreciate ko years na inalagaan niya ang three kids ko.
"Bihira na ngayon yaya na may malasakit sa amo nila."
Sa haba ng pinagsamahan namin, she was like a second lola to my kids already. I admit madami din siyang sakit ng ulo na binigay sakin especially during her honeymoon phase. Anytime and anywhere basta nagyaya asawa niya, iiwan niya talaga ako and my kids. Palaging reason niya, batang-bata asawa niya, intindihin ko sya at baka maghanap ng iba. Pag hindi naman kami okay, lahat ng kamaganak niya alam ang issues namin. Sa harap ko tatawagan niya isa-isa mga anak ng kapatid niya. Typical oldies na non-stop kakakwento so most of the time tinatawanan ko nalang.
I realized na may mga yaya na dadaan sa buhay natin na in a way magiging kapamilya na din natin. Sila kasi nakakasabay natin sa mga ups and down ng pagiging magulang natin. Pero we need to accept the fact din na despite the years na nasa atin sila, may buhay pa din sila outside ng buhay nila sa atin. May mga times na we have to let them go dahil they need to be with their husband and kids din. We just let them. If they need work again, then welcome them with open arms pa din.
Bihira na ngayon ang yaya na mamahalin mga alaga nila. Bihira na ngayon yaya na may malasakit sa amo nila."
'Thank you Lord kasi swerte kami sa yaya. Pero malaking bagay na mabait na tao ang napangasawa ko'
"Guy siya. Kapitbahay namin sa dati naming bahay. Good thing, three boys ang anak ko. No worries kasi walang girl. Nakuha niya yun style ng huli namin yaya na pati baon namin ni hubby sa work pine-prepare. Marunong din maghilot kaya pag may lagnat ang kids, siya na naghihilot. Kaya niya sakyan lahat ng topak ng mga anak ko. Kahit toyo ko pag wala ako sa mood kaya niya din intindihin. 4 years and counting. Hoping magtagal pa sya sa amin.
"Sila kasi nakakasabay natin sa mga ups and down ng pagiging magulang natin."
Thank you Lord kasi swerte kami sa yaya. Pero malaking bagay yun mabait na tao ang napangasawa ko. May mga lapses silang lahat. Naiinis din ako syempre kasi may pagka-maldita ako. Pero pag kinukwento ko na kay hubby yung lapses nila, napapakalma ako ni hubby. Tolerable naman daw at kaya pagpasensyahan. Ang mahalaga, naaalagaan mabuti ang mga bata. Dahil malalaki na din ang mga bata (10yo, 7yo and 4yo) di na sila alagain.
Hoping matagpuan din ninyo ang yayang hinahanap nyo. Ipag-pray lang kay Lord at darating din yan. Kailangan lang natin intindihin din sila at pagpasensyahan. Ituring din na parang pamilya and babalik ito sa atin ng sobra sobra."
Continue reading the #YayaChronicles at the Smart Parenting Village. Join here.