embed embed2
  • Matatakot Pero Hindi Susuko! Being A Parent Means Facing Your Greatest Fear

    Kahit takot si mommy sa daga, sige pa rin siya sa paglalaba sa stuffed toy na daga ng anak niya.
    by Ana Gonzales .
Matatakot Pero Hindi Susuko! Being A Parent Means Facing Your Greatest Fear
PHOTO BY courtesy of Jestine Sola-Dahilig
  • Simula nang malaman mong magiging magulang ka na, siguradong bukod sa excitement ay nakaramdam ka rin ng takot. Siguradong maraming tanong ang naglabasan at naipon sa isip mo. Kaya ko bang maging magulang? Paano ko kaya siya mapapalaking mabuting tao? Paano kung hindi ko siya maalagaang mabuti?

    Normal lang ang lahat ng ito. Normal lang na kwestyunin mo ang kakayahan mo bilang magulang, pero sabi nga nila, bahagi ng pagiging magulang ang pagharap mo sa iyong mga takot at pagdududa.

    Pinatunayan 'yan ni mommy Jestine Sola-Dahilig, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Sa isang post na ibinahagi niya sa Village, ipinakita niya ang laruang daga ng anak niya. Aminado si mommy na sobrang dami talaga ang stuffed toy ng anak niya, pero ang dagang si 'Mallory' ang pinakapaborito nito.

    Kabundok na nga ang stuffed toy ni baby, pero si Mallory talaga ang pinaka-standout!
    PHOTO BY courtesy of Jestine Sola-Dahilig
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Kahit saan magpunta ang mag-ina, kasama nila si 'Mallory'.
    PHOTO BY courtesy of Jestine Sola-Dahilig
    Maging sa pagkain, kasama ni baby ang pinakamamahal niyang stuffed toy.
    PHOTO BY courtesy of Jestine Sola-Dahilig
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sabi pa ni mommy, kapag hinahatid niya ang anak niya sa school, kailangan kasama talaga si Mallory. Bago matulog, kapag kumakain at kahit sa iba pang mga activities, kailangan talagang kasama ni baby ang stuffed toy niya.

    Nanggaling ang stuffed toy na ito sa kapatid ni mommy. Tatlong taon pa lang ang anak niya noon nang iregalo ito sa kanya. Kwento ni mommy, itinago niya ang stuffed toy dahil takot na takot talaga siya sa daga. "Nagkaka-mini heart attack ako kapag nakakakita ako ng daga! Kahit patay na daga na pakalat-kalat sa kalye. Diyos ko!" Kwento niya sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview.

    Kahit itinago niya ang daga, nakita pa rin ito ng anak niya nang minsang maglinis sila ng bahay. Simula noon, hindi na ito binitawan ng bata. Hindi naman umaangal si mommy kahit na sobra talaga ang takot niya. Kinikilabutan talaga siya kapag nakakakita siya ng daga. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero ang pinakamatinding challenge ay kapag lalabhan na niya ito.

    Parang totoong daga ang laruan ng anak ni mommy! Lalo na kapag nabasa!
    PHOTO BY courtesy of Jestine Sola-Dahilig

    "Mukhang daga kasi talaga! Ang haba pa ng buntot!" sabi niya. "Pikit-pikit na lang habang pinipiga, ganern!" pagbibiro pa ni mommy. Relate na relate naman ang mga nanay sa Village sa kanyang #StruggleIsReal post.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kabila ng takot ni mommy, regular pa rin niyang nilalabhan ang stuffed toy ng anak niya. Ayon sa kanya, ganoon siguro talaga kapag magulang ka na, ano mang takot mo, isasantabi mo para sa mga bata. Ang buhay mo ay hindi na umiikot nang para sa iyo lang—mas higit itong para sa iyong mga anak.

    Kayo? Anong takot ninyo ang araw-araw ninyong hinaharap para sa inyong mga anak? I-share niyo na iyan sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles